Hi loves! Ayan.. Bawi ako sainyo kaya sinusuno-sunod ko yung update ko. Maraming salamat sa mga feedbacks niyo na mas lalo pang nag-iinspire sakin. Salamat sa mga nagPPM at nagcocomments. Spread the love guys!!
___________________________________________________________________________________________________________________________
~The Confrontation
(DAWN'S POV)Grabe.. Ang sama niya. Sobrang sama niya! Halimaw siya! Gusto ko na talaga umuwi. Pinapahirapan ako ni Zeus dito. Kasi naman, sinama niya ako dito sa kuprahan para pagbalatin ng niyog. Tirik na tirik pa yung araw. Tapos binantaan niya ako na bawal raw may makaalam na anak ako ng presidente dahil madadagdagan daw nang 2 linggo ang pagstay ko rito.
"Bilisan mo naman diyan Dawn.. Tss mag-aapat na oras ka na dyan para sa isang niyog. Kumain ka ba?"
Naku! Nakakabwisit talaga! Pangalawang araw ko na dito at sa dalawang araw na yun nakakalimang niyog na kaya ako. Hello?
"Shut up! Ikaw kaya gumawa dito. Pagod na pagod na ako. Pwede naman sigurong magpahinga diba?" Napakamot siya sa ulo niya. Nakakairita.
"Besides.. Bakit ako lang ang binabantayan mo?!" Singhal ko sa kanya. Palagi nalang ako ang nakikita niya. Lumapit naman siya sakin.
"Kasi diba butler ako ni Parker.. At ikaw, ikaw ang project ko." Bulong niya sakin. Inaasar niya na naman ako.
ARGH!! Hindi ko na kinakaya 'to,, wala ako sa mood para makipag-asaran sa kanya. Napatayo na ako at wala akong pakialam kung pagtinginan kami ng mga trabahador dito.
"I can't get you.. Napakapathetic mo. Ano ba talagang plano niyo sakin, alilain? Because me? I'm over it!"
"Hindi kita inaalila Dawn." Kumunot na yung noo niya at pansin ko na naiirita na siya, nacoconcious siya sa mga taong nakatitig samin.
"Yes you do! Baka nakakalimutan mo, kilala mo kung sino ako hindi ba? Alam mo kung anong kaya kong gawin. Wala kang karapatang ganyanin ako. Wala akong balak magpaalila kahit kanino."
"Walang umaalila sayo dito. Parang sinabi mo na rin na alila ang mga trabahador dito.. Ganun ba yun? So kapag gumawa ka ng mabigat na trabaho, alila na ba ang tawag doon?" Napatingin ako sa mga trabahador, nakatingin nga sila samin. Pero wala akong pakialam. Sino ba sila?
"OO! TAMA KA, ALILA NGA ANG TINGIN KO SA KANILA, KINAKAWAWA NILA ANG SARILI NILA. EH ANO NAMAN SAYO?" Sabi ko sa kanya na inemphasize ko talaga.
He grinned his teeth. I saw the disappointment on his face. He's mad right now.
"So totoo nga pala ano? Isa kang brat, isa kang spoiled brat! Puro sarili mo lang iniisip mo!! Kung sa tingin mo, nakakaawa sila, mas nakakaawa ka Dawn.."
"Wala kang alam tungkol sakin. So shut up!" Sabi ko sa kanya tapos nilayasan ko siya. Pumunta ako sa may kubo, nakakaasar talaga. Sino siya para tawagin akong spoiled brat?
Hah! Sino sila? Wala silang alam tungkol sakin. Pare-pareho sila nila daddy, walang pakialam sakin. Sino bang nagtanong kung okay ako? Buong buhay ko nakikihati ako sa atensyon ni dad. Palaging may nagmamanipula ng buhay ko. Inaabangan nilang magkamali ako at sa mga mata nila napakasama ko. Akala nila wild, slut, bitch and the worst is they think that I'm a brat. I hate it, these is all my daddy's fault. I am living this miserable life because of him, gustong gusto niyang nahihirapan ako.
I feel so helpless right now. Alam kong wala akong kakampi dito and it sucks. Ngayon lang ako nakaranas ng ganitong treatment sa tanang buhay ko.
Matagal na akong nakaupo dito. Mag-iisang oras na. Hindi rin ako pinapansin ni Zeus, buti naman.
BINABASA MO ANG
Breaking His Dark Secrets
RomanceFanfiction of Zeus Collins and Dawn Chang. Enjoy reading guys. :) And oh BTW it's Fifty Shades Of Grey inspired din pala guys. Full of mysteries 'tong story na 'to.