*CHAPTER 17*

215 11 11
                                    

Hello Loves! Happy ako kasi 1k mahigit na ang reads although hindi pa tapos or should I say wala pa sa kalahati itong book na ito. Salamat ng marami sa suporta guys.

Pasensya na po kung medyo natagalan ang pagupdate ko. Gusto ko lang po ipaalam sa inyo yung goodnews ko for you, I am 5 months pregnant po and katatapos ko lang ikasal sa pinakamamahal kong asawa. You know it's really happy to be a wife and a soon mother to my child. Pasensya na po talaga and thank you kasi naging part kayo nang masayang journey ko. Anyway sana po isupport niyo pa rin etong story ko and sa mga darating pa. Sisikapin ko pong tapusin 'tong book before ako manganak.

Comment lang po kayo tumatanggap po ako ng feedbacks. Free po magfollow. Hihi. Thanks! Lovelots! Godbless!

___________________________________________________________________

~THE CLOSURE II

Pagdating ko sa bahay. Agad akong nahiga sa kama ko. Bakit ang hirap kontrolin ng mga bagay-bagay. Paano ko maihaharap si Parker kay Cameron, napakailap ng taong yun, eh ni hindi ko pa nga siya namimeet o nakikita kahit sa picture lang. Anong gagawin ko? I don't even have his number nor his email.

Isip Dawn.. Isip..

Si Zeus. Tama! Si Zeus ang kailangan ko, napabalikwas ako ng bangon at uutusan ko si Ronnie na hanapin si Zeus, halos pareho naman kasi sila ni Parker, ni wala rin akong number noong Zeus na yun. Papalabas pa lang ako ng kwarto nang biglang bumukas yung pinto at iniluwa nun si Zeus.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Nakakabigla naman, parang iniisip ko lang siya kanina at ngayon naman sumulpot na siya sa harap ko.

"Susunduin ka. Babalik na tayo sa hacienda Soriano."

"Anong susunduin? I'm not yet done with my stuff here. At saka nga pala, bakit ka biglang nagbubukas ng pintuan? Hindi ka ba marunong kumatok?" Inis kong tanong sa kanya. Lately nagiging feel at home na siya dito.

"Hindi ako nakikipaglaro sayo. Halika na Dawn." He's being so bossy again. Tss.

"Hindi ako nakikipaglaro sayo, hindi pa ako tapos makipag-usap kay Cammy."

"Wow ha. Cammy na ulit? Ang sweet naman." I know he's trying to tease me again.

"Zeus.. Listen, gusto ko nang magkaroon kami ng closure."

"Ilang months na nga ulit kayong hindi naguusap? Sa tingin ko naman closure na yun Dawn.."

Napalabi ako. Hindi niya talaga ako maintindihan.

"Well hindi pa yun closure. Gusto ko linawin kay Cameron lahat - na ikakasal na ako, at wala na siyang chance saakin. Pero knowing Cameron, hindi siya maniniwala hanggat wala siyang nakikitang pruweba."

"So anong meaning mo?"

"Didiretsuhin na kita. I need Parker right now. Gusto ko siya iharap kay Cameron, so I want you to call him."

Kumunot ang noo ni Zeus. Ewan ko ba pero wala naman akong nasabing mali.

"Hindi pwede. Busy masyado si Parker, at isa pa diba ayaw ka pa niyang makita at ayaw niyang makipagkita."

"Damn it! Ano bang meron sa kanya? May ketong ba siya? Pangit ba siya or the worst hindi kaya isa siyang vampire! Napaka naman eh!"

"Busy nga diba? Tss.. Atsaka pwede ba Dawn mag-isip ka na lang na ibang option."

Ibang option? Ang arte naman ng Parker na yun tapos baka mamaya hindi nman pla gwapo diba?

"Napakawalang kwenta naman kasi niyang fiancee."

Breaking His Dark SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon