*CHAPTER 1*

471 17 0
                                    

~THE BRAT MEETS THE ARROGANT

"DAWN ANTOINETTE MONTENEGRO"

-- A brat, hardheaded, delinquent and very aggressive first daughter of the Philippines did something again that made the nation shocked..."

"Grabe naman 'tong article na 'to. Parang crime naman yung ginawa ko."

"Hay naku hija, kapag nalaman ito ng daddy mo, lagot ka na naman. Tsk."

"Yaya, is that a big deal? I mean, people of the Philippines vs. Me? Golly."

What's wrong with them? I dont understand. Kagagaling ko lang from States a couple of months ago and it's really hard for me to adjust here.

"Dawn Antoinette!!!!" Oh F*ck" That sounds familiar. He's coming to my room.. No.. Not again..

Eeengg.

That was my door.

"Goodmorning Mr. President." Si Yaya Agnes tapos yumuko siya.

"For God sake Dawn Antoinette!! Ano na naman bang kalokohan ang ginawa mo!"

F*ck! Seriously? May hangover pa ako, sana kung alam ko lang na ganito nagcheck-in na lang ako sa hotel, galing ako sa party ni Gwyneth kagabi at may biglang humalik saking babae, na tomboy pala and suddenly may mga paparazzi na naman. I think yun ang kinagagalit nya.

"Hey dad. Uhm. I missed you! I-i mean don't you miss me?" I'm trying to cool him down. He's really mad.

"Sakit ka talaga sa ulo."

"Let me explain daddy."

"No!! What's happening to you hija? Di ko na alam ang gagawin ko sayo."

"Daddy that's not my faul-"

"Sana inisip mo muna ang reputation ko, bago ka gumawa ng kalokohan. You're really a troublemaker Dawn Antoinette!"

I can't help myself. Ayokong maging bastos pero I decided to answer him sarcasticly.

"Do you know what's my problem? You're not giving me a chance to explain myself here. I don't mean to be rude dad. Pero kahit ang kriminal na nasa korte binibigyan ng chance to defend himself."

"Marami na akong binigay na chance sayo Toni. And nakapagdesisyon na ako. Magpublic apology ka mamaya sa Malacañang. Magpapapresscon ako." And he started to walk away from me.

"No. You can't do this to me dad!

"My decision is final Toni."

*boogsh.*

And he totally left.

Argh! Everything is a mess. Andami ko nang kinasangkutang troubles, isa na dun yung last week. Di ko kasalanan kung bakit ako hinipuan dun sa golf house. At sa sobrang inis ko, binutas namin yung gulong ng kotse nya. Tapos noong paglabas nila ng golf house, sinapak ko sya. Kulang pa yun sa ginawa nya sakin. And my friends? They were all gone. Si Gwyneth lang talaga ang mapapagkatiwalaan ko. Tears began to fall from my eyes.

"Hija, wag kang umiyak."

"Di ko kasi naiintindihan si Daddy yaya eh. Ayoko siyang pahiyain on the first place. Masakit sakin na nadidisappoint ko sya. Pero bakit lahat ng sisi nasa akin?"

"Siguro kapag andito ang mommy mo di ito nangyayari."

I just hugged her. I need comfort now.

Anyway, ako nga pala si Dawn Antoinette Montenegro. Ang nag-iisang anak ng Presidente ng Pilipinas. Wala na akong mommy. My dad said namatay raw sya pagkapanganak sakin. Lumaki ako kay Yaya Agnes. Close kami ni dad. DATI. Tama dati nga noong di pa sya presidente. Nagmula si dad sa mayamang angkan ng mga Montenegro, may hacienda naman kami sa Tarlac, pero naengganyo siyang pasukin ang politika. Nagsimula siya bilang Mayor, napunta sa Governor at Senador, pero noong senador siya, doon nagsimulang mapalayo ang loob ko sa kanya.

Breaking His Dark SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon