*CHAPTER 14*

251 8 7
                                    

Ang chapter po na ito ay dedicated kina kamzo20,LIPStickxx, at turtlelorie. Thank you for inspiring me guys.

___________________________________________________________________________________________________________________________


~THE DANCE

(ZEUS'S POV)

Biglang bumukas yung ilaw, nasilaw ako kaya naman napadilat ako. Nakita ko si nanay sa harapan ko.. Oo si nanay nga.. Dumating na pala sila..



HAH! SI NANAY?!


Napabalikwas ako ng bangon tapos nakalimutan ko pala na nasa harapan ko si Dawn kaya nalaglag siya sa couch.




*boogsh!*





"OUCH.. Ano bang nangyayari?" Sabi niya. Tinulungan ko naman na itayo ko naman siya. Nagpupungaspungas pa siya. Inaantok pa siya. Laughtrip 'to.

Pero balik tayo kay nanay. Nakapamewang na siya samin. Nang mapansin siya ni Dawn bigla ring napatayo si Dawn sa gulat.

"Anong ginagawa niyo dito?"

"Ahh.. Kasi po n-nay hinihintay po namin kayo." Sabi ko kay nanay. Inabot ko yung kamay ko at nagmano sa kanya.

"Ganun ba.. Andito na kami, makakapasok na kayo sa mga kwarto niyo. Tsk." Sabi ni nanay na nagpalatak pa. Mabilis naman inayos ni Dawn yung sarili niya. Pinipigilan ko matawa sa reaksyon ng mukha ni Dawn.

"Sige ho.. Aakyat na po ako nay." Sabi niya kay nanay. Tapos umakyat na nga siya pero bago siya pumanhik lumingon muna siya sakin at ngumiti. Ngumiti rin naman ako at nagpatuloy na siyang pumanhik sa kwarto niya.

"At ikaw Zeus.. Mag-uusap tayo.." Seryosong sabi ni nanay.

Bumalik naman ako sa pagkakaupo sa couch. Mukhang importante yung pag-uusapan namin ni nanay.

"Bakit ho nay?"

"Mukhang napapalapit ka ng husto kay Dawn." Hindi ako nakaimik sa sinabi ni nanay pero nakayuko ako.


"Lumalampas ka na sa limitasyon mo. Alam mo naman na engaged na siya kay Parker. Ikaw rin, baka ka mahulog walang sasalo sayo.."

"Nay.. Si Dawn po ay para kay Parker at hindi po magbabago iyon.." Sagot ko naman.

"Huwag mo masamain anak.. Pinapaalalahanan lang kita."

"Alam ko ho nay. Pero nay sinisigurado ko po sainyo na hinding hindi po ako magkakagusto kay Dawn. Pinapangako ko po yan.. At kung may dapay siyang magustuhan, hindi ako yun kundi si Parker.."

Yun ang huling sinabi ko. Lately nga masyado na ako napapalapit kay Dawn pero ang hirap pigilan. Ilang beses ko man itatak sa utak ko na butler lang ako ni Parker at butler niya na rin ako, hindi pa rin talaga maiwasan. Haaaay. Binagsak ko yung katawan ko sa kama ko at tama kayo nandito na ako sa kwarto.

Hindi ko makalimutan yung namagitan samin ni Dawn kanina.. Waaaaah! Burahin mo na kasi Zeus! Parang totoo ngang manyak ako. Wahahaha!






Pero ilang hakbang lang yung layo nang kwarto niya sakin. Magkatabi lang yung kwarto namin. Sisilipin ko lang naman. Wag kayong ano ha! Pero.. Happy thoughts! Kung anu-ano ang naiisip ko rito.




Breaking His Dark SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon