*CHAPTER 5*

145 11 2
                                    


~Passenger Seat

"HUWAAAAAAAAH!"

"Hoy!"

Naramdaman ko na may tumampal sakin, pagdilat ko ng mata ko si Zeus yung nakita ko.

Panaginip lang pala.

Nakita ko na nakotopless siya tapos puro siya grasa. Siguro inaayos niya yung kotse.

"Sumisigaw ka jan?"

"U-uhm.. Sorry."

OHMYGOLAY! Why so handsome?! Bakit ganun? Ang aga-aga eh, bakit ang lakas ng sex appeal niya? Perfect talaga siya, the face, the height, the body.. What?! Stop that Toni!

"Okay lang medyo nasasanay ako sa pagiging bungangera mo. Pakiabot mo nga yun."

May tinuturo siya sa bandang likod ko pero di ko maintindihan yung sinasabi nya.. Eh kase bakit siya nakahubad? >__< tapos nakaharap pa siya sakin. Like duhh! Ang awkward.

"Sabi ko akin na yan eh!"

"W-what?"

"Aish. Wala! Ako na nga!"

Bigla siyang lumapit sakin. As in ang lapit talaga ng mukha niya sakin!

"W-what are you doing?! H-hey."

Naamoy ko na siya. Hmmm.. Ambango niya naman. Ano bang gagawin niya sakin? Napapikit ako.

Tapos naramdaman ko na parang may hinila lang pala siya sa bandang ulunan ko.

"Para kang tanga. Inaantok ka pa ba? Papikit-pikit ka pa."

HUWAAAAAH! AMBASTOS NIYA TALAGA! Kinuha niya lang pala yung towel na nakasabit sa tapat ko.

O\\O

Nakakahiya!

"Magstretching ka na. Mag-aalamusal na tayo sa 7/11 bago kita ihatid sainyo."

Sinunod ko na yung sinabi nya. Bwisit na mga bodyguards yun. Umoo sila kagabi na irerescue kami tapos hanggang ngayon wala parin. Mananagot sila kay daddy!

Inayos ko muna yung sarili ko, napatingin ako sa salamin. Oh My God. Ang haggard ko.

"Bilisan mo!"

Muntik pa ako mapatalon sa gulat. Bakit ba napakagago niya? Gwapo nga gago naman. Mabilis akong bumaba sa kotse at padabog na sinara yun.

*booogg!*

Napatingin siya sakin. Inirapan ko lang siya, napataas naman yung isang kilay niya.

"Meron ka?"

"What?!"

"Sabi ko red flag ka ba?"

"You're so stupid!"

"Bakit? Tinatanong kita ng maayos, ang aga-aga ang sunget mo."

Mabilis akong lumapit sa kanya at hinampas ko siya sa braso.

"Arraaaaay!!!!" Nakalimutan ko yung sugat niya pala. HAHAHA :D behlat!

"Tss. Yan kase eh. Manahimik ka na ha."

"Bakit? Tinatanong lang kita-"

"Gusto mo pisilin ko na talaga yan?"

"De joke lang. Hihi. Tara na. Shattap na ako."

See. May pamblackmail ako sa kanya, kahit masakit pa yung sugat niya, obliged niya ako ipagdrive opauwi.

Since malapit lang ang 7/11, sabi niya maglakad na lang daw kami, gastos pa daw sa gasolina so here we are, walking again.

Breaking His Dark SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon