Pagkasabi nya noon nagulat ako ng husto. Di ko inakala na may magkakainteres sakin na maging kaibigan ako. Syempre di muna ako pumayag kasi malay mo ba kung lolokohin nya ko. Natapos na yung klase namin non half day lang kami kasi Student's Orientation lng naman. Pumunta na akong parking para makapunta sa kotse ni Troy.
"Bakit ang tagal mo best?" tanong ni Troy sakin
"Ahh wala, naglibot libot lng you know." palusot ko.
"Wag mo nga akong lokohin anong nangyari?"
"Kwento ko mamaya sayo pag uwi natin." kahit kailan talaga hindi ko magawang maglihim dito sa bestfriend ko.
Gabi na ng makauwi kami ng bahay. Si Troy kasi nagaya pa mag arcade. Mga 9:00 pm na kami nakauwi ng bahay. Pagpasok namin umakyat agad kami sa kwarto nmin. Naligo lang ako tas nagbihis. Syempre papatuyo muna ako ng buhok ko. Nagulat ako ng bigalang may kumatok sa kwarto ko.
"Pasok!" sabi ko
"Hoy Max sabi mo ikukwento mo skin yung nangyari kanina." oo nga pala pinangako ko sakanya yon.
"Oo na ikukuwento ko na. Halika rito umupo ka." umupo naman siya sa tabi ko
Ikinuwento ko lahat ng nangyari kay Troy lahat ng nangyari kanina. Hindi ko maipinta ang muka ni Troy habang nagkukuwento ako sakanya tungkol dun sa nangaway sakin. Nagiba naman ang expression ng mukha niya mukang nagulat siya nung malaman niyang may gustong makipagkaibigan sakin.
"So ano Troy payag ka bang maging kaibigan ko siya?" tanong ko sakanya
"Bahala ka Max. Kung may tiwala ka sakanya papayag ako. Gusto mo ba siyang maging kaibigan?" tanong sakin ni Troy.
"Pero Troy hindi ako sigurado eh!" sabi ko
"Hindi ka ba talaga sigurado o ayaw mo lang masaktan ulit?" tanong ni Troy na halatang nagaalala sakin.
"Troy wag nanatin ibalik yung past ok! Ako na ang bahalang magdesisyon kung papayag ako. Matulog ka na! Labas na! Gudnyt!" sabi ko para makatakas sa tanong niya. "Oo sige na! Matulog kana." sabi ni Troy.
Ano ba naman kasing klasing tanong yung tinanong ni Troy hindi tuloy ako makatulog. Ayoko ng umasa ulit nasaktan na ako ng husto. Wala na akong tiwala sa mga yan. Ano bang mangyayari magiging friends muna tapos magkakagustuhan kami no way noh. Kahit sabihin mong panget ako may karapatan ako. Hay bahala na nga si Batman. Matutulog na ko.******
Umaga na ang lakas ng alarm ng cellphone ko. Gosh gusto ko pa matulog. Tumayo na ko para maligo. Pagkatapos ko maligo bumaba agad ako para kumain ng breakfast.
"Good morning Max. So, ano ng desisyon mo?" tanong ni Troy sakin
"Di ko alam bahala na si batman." sabi ko sakanya
"Alam mo Max pumayag kana. Si batman nanaman ba ang bahala kawawa naman siya puro math questions na ang sinasagutan niya eh." pilit ni Troy sakin pero hindi ako sumasagot
"Hoy!" sigaw niya sakin
"Ano? Wag ka nga magulo jan may iniisip ako!" galit kong sabi sa kanya
"Tama nayang kakaisip kay Ian. Hindi naman lahat ng lalaki pareparehas. Tignan mo ako loyal sayo. Wag mo idamay yung ibang tao sa sama ng loob mo." explain niya sakin
"Oo na ang dami mong lecture. Pasok na tayo sa school." naiinis kong sabi sa kanya
Lumabas na kami ni Troy sa bahay. Pumasok na kaming kotse. Nakakairita nga tong lalaking to ang daing seremonyas. Nang makarating na kaming skul bumaba agad ako tas dumiretso na ko sa garden. Masyado pa kasing maaga. Umupo ako sa empty bench at nagbasa ng book. Nanahimik ako pero may lalaking tumabi sakin.
"So, payag ka na bang maging friend ko?" eto na nga bang sinasabi ko eh
"Kakaibiganin kita ng hindi ko alam kung sino ka. Marami namang estudyante jan ah." sabi ko sakanya
"I dont care about them. I dont like them to be my friend. They are all fake." sabi niya sakin
"Lalim ng pinanggalingan nun ah. May problema ka ba?" tanong ko sakanya
"Ang problema ko wala akong kaibigan. Yung mga barkada ko kasi from states sabi nila dito sila magaaral pero hindi naman pala." kwento niya sakin
"E bakit sa dinami dami ng estudyante dito ako pa yung napili mo? Tsaka sino ka ba talaga?" tanong ko sakanya
"Wag mo sabihing hindi mo talaga ako kilala?" ang kulit sabi ngang hindi ko siya kilala
"Hindi nga bakit ba ang kulit mo?"
"Jayson first name ko. Isipin mong mabuti. Imposible kasing hindi mo ako kilala." ang kulit sabing hindi ko siya kilala. Inisip ko namang mabuti. Tinitigan ko siyang mabuti nakangiti lang siya.
"Sigurado ka bang kilala kita?" tanong ko sakanya pero tumango lang siya
Ang tagal kong inisip kung sino siya. Tawa na nga siya ng tawa. Hanggang sa kumanta siya. Nagulat ako kasi yung song na kinanta niya favorite song ko iyon. Hindi kaya siya si
"IKAW SI JAYSON LAWRENCE! YUNG SIKAT NA SINGER SA STATES!" sabi ko sakanya
"Oo ako nga. Ngayon mo lang narealize?" wow ahh siya talaga yun
"Alam mo bang adik na adik ako sa mga songs mo? Sorry ahh di kita namukaan wala kasi aking pakialam sa mukha mo. Sa songs mo lang!" nahihiya kong sabi sa kanya
"Grabe ka naman hindi mo man ba naisearch yung mukha ko sa google kahit isang beses?"
"Hindi eh sorry ah naakit kasi ako ng boses mo. Dapat nga manonood ako ng concert mo nun. Kaso may emergency ehh. Kaya nga hindi kita tuluyan nakita eh." sabi ko sakanya
"Well dahil fan kita picture tayo!" wow ahh shempre pumayag ako. Excuse me ang pogi niya pala. Kinikilig ako
"Hindi mo pa pala sinasabi yung reason mo kung bakit mo ako gustong maging kaibigan." pagiiba ko ng usapan
"Well actually nung una palang kita nakita na feel ko na na hindi mo ako kilala. Halos lahat kasi ng tao dito kilala ako. Gusto kitang maging kaibigan kasi ibang klasi kang babae inutusan mo pa nga ako eh."
"So ikaw yung nanigaw sakin?" makakalimutin na talaga ako
"Oo ako akala ko matatakot ka ng husto pero hindi mo ako pinansin kaya natuwa ako sayo. Sa daming estudyante dito ikaw yung napili ko kasi yung iba gusto lang ako maging boyfriend." explain niya sakin
"Ahh ok sige. Pasensya ka na talaga hindi kita nakilala." sabi ko akanya ng mahinhin
"So, can you be my friend now?" tanong niya sakin sabay bigay nang kamay niya
"Sige, pero sana totoo yang sinasabi mo at hindi mo lang ako pinagtitripan ha." mahinhin kong sabi sa kanya
"Yes ofcourse sana ikaw rin. Friends na tayo ha. I will give my trust to you na my new friend." nakakatuwa pala siyang kausap
KRRIIIIINNNNGG KRRIIIIIIIINNG!
Tumunog na yung bell its time to go na. Sabay kaming pumuntang room namin. Magkaklase kami sa lahat ng subject. Habang naglalakad ako mag biglang bumunggo sakin. Pagtingin ko si Troy nginingitian ako ng nakakaloko. Mukang magagalit si Jayson pero pinigilan ko siya. Si Troy kasi hilig mang asar. Nasa room na kami umupo na kami sa seats namin. Ilang minuto nalang dadating na yung teacher namin.
"Ahhh ano?" naguguluhang sabi sakin ni Jayson
"Max nalang tawag mo sakin." sabi ko sakanya
"Ahh Max bago ka lang ba dito?" tanong niya sakin
"Ahh oo bago lang ako dito. Matanong ko lang sino na pala yung mga nang aaway sakin kahapon?"
Hindi na niya nasagot yung tanong ko kasi dumating na yung teacher namin.
"Kwento ko nalang sayo mamayang break." tumango na lang ako
Nagsulat na ng lecture yung teacher. Mahaba na yung naisulat nung teacher pag tingin ko kay Jayson wala pa siyang naiisulat kahit isa.
"Hoy, bakit wala ka pang sinusulat?" mahina kong tanong sakanya
"Wala kasi akong ballpen ehh." sabi niya sakin
"Bakit hindi ka nagsasabi? Oh gamitin mo muna to." inabutan ko siya ng ballpen kaso may design na flower.
"Sige salamat nahihiya kasi ako sayo na manghiram ng ballpen. Pero sige pwede na to." nagrereklamo pa sa ballpen ko
"Saan ka nakakita sikat na singer na lalaki may flower yung ballpen!" pangaasar ko sakanya. Natatawa ako sa muka niya
"Palit nga tayo ng ballpen." bigla niyang hinatak yung sakin
"Sige gamitin mo butterfly design niyan!" natatawa na talaga ako hindi ko mapigilan
"Tumahimik ka nga baka marinig tayo nung teacher." sabi niya sakin
Tumahimik nalang ako. Naubos na yung time namin kakacopy ng lectures. Nagbell na kaya tumayo na kaming lahat.
"Saan tayo garden o cafeteria?" tanong sakin ni Jayson
"Garden nalang." sagot ko sakanya
Pumunta na ako sa garden nauna na ako sakanya magccr daw muna siya. Nakarating na ako sa garden. Umupo agad ako. Chineck ko yung phone ko may message.FROM: Troy pogi:-)
Best masama pakiramdam ko. Uuwi na ako enjoy kayo ng bago mong BESTFRIEND. Wag ka magalit sa contact name ahh.TO: Troy pogi:-)
Cge Troy pahinga ka na lang muna. Sino may sabi sayong palitan mo yung pangalan mo!?FROM: Troy pogi:-)
Inutusan ko yung sarili ko. Bakit naman kasi ang dami namang pangalan panget na unggoy pa yung ginamit mo?TO: Troy pogi:-)
I want ehh. Magpahinga ka nalang panget kaFROM: Troy pogi:-)
Cge enjoy ka pagmaynangaway sayo bugbugin mo akong bahala sayo! Ingat ka unggoy:-)Hindi ko na nareplyan si Troy bigla kasing umubo si Jayson. Hindi ko na siya napansin. Mukhang kanina pa siya.
"Mukhang nageenjoy kang kausap boyfriend mo ah!" nangaasar niyang sabi sakin
"Hindi ko boyfriend si Troy! Kaibigan ko lang siya!" naiinis kong sabi ko kay Jayson
"Bakit ka defensive?" pangaasar niya sakin
"Ewan ko sayo. Tingin mo ba papayag akong maging kaibigan kita kung may boyfriend ako?"
"Wag ka ng magalit. Alam ko namang kaibigan mo lang si Carl." nagulat ako sa sinabi niya. Bakit niya tinawag na Carl si Troy.
"Oo na! Bakit ka kasi nakikibasa ng message?" tanong ko sakanya
"Sorry di ko naman sinasadyang makita eh! Ang tagal mo kasi akong pansinin." sabi niya sakin
"Nga pala bakit mo ako tinawag na panget nung niligtas mo ko!?" naiinis kong tanong sa kanya
"Akala ko malilimutan mo na! Akala ko kasi kikibo ka pagsinabi ko yun!" nahihiya niyang sabi sakin
"Ok, e sino nga yung mga babae na umaaway sakin?"Paki hintay na lang po ang sagot ni Jayson kay Max at bakit Carl ang tinawag ni Jayson kay Troy. Luv u all!!!