Red's P.O.V
Alam kong hindi perfect buhay kung walang pagsubok. Kahit limpak limpak pa ang pera ko. Hindi ako matutulungan nito. Aanhin mo ang pera kung wala namang nagmamahal sayo. Yan ang lagi kong iniisip.
"Wala kang kasalan." pabulong kong sabi sakanya pagkabuhat ko. Nawalan na siya ng malay kaya binuhat ko na. Hindi narin niya narinig yung sinabi ko.
"Dalin natin siya sa hospital." sabi ko kay Jayson sabay lakad papunta sa kotse ko.
Hanga ako sa tapang niya kahit hindi ko alam ang problema niya. Kahit nahihirapan na siya. Inuna parin niya ang utang na loob. Buong biyahe namin nakatitig ako sa maamo niyang mukha. Familliar ng konti yung mukha niya. I think nakita ko na siya before pero imposible.
Pagdating namin sa hospital diniretso na siya sa operating room. Nasa labas lang kami ng operating room.
"Jayson, kilala mo ba yung babaeng yun?" tanong ni Shawn kay Jayson.
"Oo." simpleng sagot ni Jayson. Naglagay ako ng earpads para kunwari wala akong paki. Papakinggan ko lang sila.
"Nasaan ba parents niya?" tanong ni Cody kay Jayson.
"Hindi ko nga alam!" naasar na sabi ni Jayson.
Ilang oras kaming naghintay. Lumabas narin yung doctor.
"Kayo ba ang kasama ni Ms. Clarkson?" mahinhing tanong nung doctor.
"Hindi po kami! Yung janitor po!" pamimilisopong sagot Zane.
Kahit kailan talaga puro kalokohan ang alam ni Zane. Napabuntong hininga lang yung doctor.
"Ligtas na ang pasyente. Ililipat nalang siya ng room." sabi nung doctor. Bago umalis yung doctor may inabot siya kay Jayson. School I.D ata.
Lumabas muna ako ng hospital nagmuni muni saglit. Pumunta ako sa kotse ko. Nagpalit ako ng damit puro dugo kasi ako. Ilang oras lang bumalik na ako. Papasok na ako ng makasalubong ko si Shawn.
"Saan ka ba nanggaling. Hindi mo man lang tinakpan yang mukha mo." sabi niya sakin pagsakay namin ng elevator.
"Gising na ba siya?" tanong ko sakanya.
"Bakit ka concern?" pangaasar niya sakin with ngiting nakakaloko.
Pagbukas nung elevator lumabas na ko. Alam ko naman na yung room number niya eh. Pagpasok ko gising na siya. Hindi ko maiwasang tumitig sa mukha niya. Hindi ko mapigilan yung sarili ko. Umupo nalang ako sa sofa.
"Nasaan parents mo?" tanong ni Trev.
"Hindi niyo na kailangan pang malaman." sagot niya sabay ayos ng higa.
"Sabihin mo na para matawagan natin at masabi kung nasaan ka." explain naman ni Shawn.
"Edi hukayin niyo sa lupa kung gusto niyo silang makita." seryosong sagot nung babae sabay irap.
Natahimik kaming lahat. Patay na pala ang mga magulang niya. Binasag lang ni Cody ang katahimikan.
"Grabe ka naman umirap 360°." pagbibiro ni Cody.
Hindi parin niya kami pinapansin. Tinanong ko siya."Ano full name mo?" diretso kong tanong sa kanya. Tumingin lang siya sakin ng walang reaksiyon tas sumagot.
"Aesha Maxene Clarkson." sagot niya sabay upo.
"Wag kang umupo. Hindi mo pa kaya." sabi ni Paolo.
"Hayaan niyo muna ko. Hindi naman ako uupo kung hindi ko kaya." sagot niya kay Paolo.
"Anong tatawag namin sayo?" tanong ni Shawn.
"Max nalang." malungkot niyang sagot.
"Saan ka ba nanggaling?" tanong ni Cody.
"Hayaan niyo daw muna siya diba." masungit kong sabi sakanila.
"Tone down your voice." sabat ni Max.
"Mas mabuti siguro kung lumabas muna tayo." sabi ni Jayson. Sumang ayon naman sila.
Bago ako lumabas. Kinausap ako ni Max.
"Meron ba kong bag na dala kanina?" tanong niya sakin.
"Wala. Nasaan ba yung bag mo?" tanong ko sakanya.
"Nasa kotse. Yung susi ng kotse ko nakasabit sa I.D ko. Yung kotse ko nakapark lang malapit sa warehouse." sagot niya ng nakangiti ng konti.
Lumabas na ako. Nakita kong nakikinig yung mga mokong. Inirapan ko lang sila. Hinatak ko nalang si Paolo. Sumunod naman siya.
Naglakad kami hanggang parking tas sumakay na kami sa kotse.
"Bilan natin ng gamit si Max." sabi sakin ni Paolo.
"Kaya nga kita sinama eh!" nakangiti kong sagot sakanya.
Tahimik lang ako buong biyahe. Nagiisip. Kahit hindi ko gustong gawin kung ano man ang tumatakbo sa isip ko. Hindi ko mapigilan. Kahinaan ko kasi ang mga babae. Once na makita ko silang umiiyak kahit hindi ko kilala parang gusto ko silang icomfort.
Sinabi ko kay Paolo yung pinapakuha ni Max. Binigay sakanya ni Jayson yung susi ng kotse ni Max.
Nakarating na kaming school. Sabi ko kay Paolo yung kotse na ni Max ang dalin niya. Pumunta na kong grocery.
Paolo's P.O.V
Nakita ko na yung kotse ni Max. sumakay ako. Nakita ko sa passenger's seat yung bag niya at uniform na puno ng dugo. Dahil may pagkachismoso ako tinignan ko yung uniform. Pang lalaki siya. Ano kaya nangyari? Nilagay ko nalang sa loob ng bag niya yung uniform. Hihintayin ko nalang siyang magkwento.
×°×°×°×°×°×°×°×°×°×°×°×°
Sorry ngayon lang nakapagupdate! Busy kasi sa school.