Paolo's P.O.V
Pagkalagay ko nung uniform sa bag niya umalis na ko. Ilang minutes lang ako nagdrive nakarating narin ako kaagad.
Pumasok agad ako sa room niya. Inabot ko agad yung bag niya at susi.
"Thank you!" nakangiti niyang sabi sakin.
Lumabas na ako sa kwarto niya. Mamamasyal muna ako. Pupunta naman si Red. Yung mga mokong bumalik ata sa condo. Lumabas na ako ng hospital.
Max's P.O.V
Pagkalabas nung lalaking tumulong sakin nung nagkabunggo kami ni Red binuksan ko kaagad yung bag ko. Pagbukas ko nandun yung uniform ni Troy. Niyakap ko lang. Umiyak ako.
Ano na kaya nangyari sakanya? Kumusta na yung katawan niya? Namiss ko kaagad siya. Kapag kasi naoospital ako siya ang lagi kong katabi. Hawak niya yung kamay ko hanggang sa makatulog ako.
Sobra ang pasasalamat ko dahil nakasama ko sa buhay ang isang katulad niya. Galit naman ako dahil siya na nga lang ang buhay ko. Siya nalang ang dahilan para mabuhay ako tas kinuha pa siya.
May biglang pumasok sa kwarto ko. Walang manners hindi man lang kumatok. Nahuli tuloy akong umiiyak. Tinago ko agad yung damit tas pinunasan ko yung luha ko. Nagsalita siya.
"Hindi mo malalampasan yang
pinagdaraanan mo if you keep you on crying." sabi sakin ni Red sabay patong sa table nung mga binili niya."You don't understand." masungit kong sabi sakanya.
"I understand. Hindi lang ikaw ang namatayan." sabi niya sabay lagay ng hot water sa cup noodles na binili niya.
Nalungkot naman ako sa sinabi niya. Umupo siya sa may gilid ko. Nailang naman ako sa ginawa niya. Hindi kasi ako sanay sa ibang lalaki. Simula noon si Troy lang talaga.
"Kainin mo na ito hanggat mainit pa." sabi niya sakin sabay tutok nung kutsara sa bibig ko.
"Ayoko mainit pa eh!" pagrereklamo ko sabay tulak nung kamay niya.
"Wag kang maarte. Hindi porket inaasikaso kita we are already close kaya wag kang choosy." sabi niya sabay pasak nung kutsara sa bibig ko. Wala nakong nagawa. Niliunok ko nalang kahit maiinit. Sinubuan lang niya ako ng sinubuan hanggang sa maubos ko yung isang bowl.Tumayo na siya hinagisan ako ng bottled water bago siya pumasok sa comfort room. Kinausap ulit niya ako paglabas niya.
"Yung nasa plastic grocery iyon. Yung nasa bag mga damit tsaka towel. Magpalit ka na puro ka dugo. Uuwi muna ko. Papapuntahin ko nalang sila para may kasama ka. Matulog ka na." sabi niya habang inaayos yung damit niya. Palabas na siya pero nagsalita ako.
"Ahhhh, Red-----" hindi pa ako tapos magsalita pero sumagot na siya.
"May napkin na sa binili ko." sabi niya.
Hindi na ako nakadeny. Magtethank you lang naman ako e. Naisip pa niya yung mga ganungbagay. Lumabas na siya ng kwarto ko.
Humiga na ako. Magpapahinga muna ako. Makatulog nalang ng makaipon ng lakas.
Pagkalipas ng 3 araw....
Ano ba yan?! Ang sarap sarap ng tulog may mga halimaw na gumigising sakin.
"Antok pa ako!" sabi ko sakanila sabay talukbong ng kumot.
"Hoy! Wake up! Mahal ang bayad dito!" sabi sakin nung may ayaw nung coffee.
Tinignan ko lang sila ng masama tas nagsalita ako.
"Ako naman magbabayad nung bill ko eh!" sagot ko sakanya.
"Wag ng maarte. Wash your face. You look like a monster." sabi sakin ni Red.
Tinulungan nila akong tumayo tas pumunta ako sa cr.
Bago ako pumasok inabutan nila ako ng paperbag. Konting linis lang ng katawan tas bimuksan ko yung paperbag. Kumpleto ang damit ko from head to toe. Wow nalang. Pagkatapos kong magbihis lumabas na ako.
"Nabayaran ko na yung bill. Wag ka ng mamroblema." sabi sakin ni Red sabay hawak sa kamay ko. Nagulat pa ako sa paghawak niya.
"Aalalayan lang kita." sabi niya sakin sabay ngiti.
Wow! Bait natin ngaun ahh! Ano nakain natin? May kailangan siguro itong lalaking ito. Hawak lang niya ako hanggang sa makarating kami sa parking.
"Nasaan yung kotse ko?" tanong ko sakanya habang dahan dahan akong pumapasok sa kotse ata niya.
"Si Paolo na muna magdadrive nun. Manahimik ka nalang jan!" sabi niya sakin sabay punta sa driver's seat.
×°×°×°×°×°×°×°×°×°×°×°×°
Tinatamad pa po ako magsulat ngaun kaya maiksi lang.