Chapter 11: Paolo's P.O.V

47 11 1
                                    

Ako nga pala si Paolo Grant. 18 years old. Isa ako sa mga sikat na actors sa States. Me and my friends are  here in the Philippines to study. Natalo kasi kami sa pustahan namin nila Jayson kaya eto ang bayad nasa Pilipinas kami.

Nasa condo kami ngayon. Kararating lang namin last day. Baka nga dito na kami gumraduate.

Umaga na kaya kailangan na naming gumising. Unang una akong nagising kaya gigisingin ko na sila. Alam kong antok pa tong mga to. Uminom kasi sila. Alam niyo naman ang buhay binata inom dito inom don babae dito babae don. Sa alam niyo lang ako pinaka matino dito.

Pumunta na akong kwarto ni Cody.

Meet CODY HUNT isang gwapong lalaki na isip bata. Walang alam kundi maglaro ng video games. Hindi siya marunong mang babae. Sa aming lahat siya ang tagagawa ng homework namin. Siya nga ang POGING NERD sa amin. Pero yung pagkanerd niya hindi yung tipong may brace may glasses. Pero yumayabang yan pag awayan na. Slow din siya konti lang.

Pumasok na ako sa kwarto niya. Amoy orange yung kawarto niya. Pinakamalinis kasi siya samin. Pagpasok ko nakita ko siya sa sahig natutulog. Lumapit ako sakanya.

     "Cody, gumising kana. Papasok na tayo." sabi ko sakanya habang inaalog siya.

     "5 more minutes bro. Im still sleepy." naghihikab niyang sabi habang tumatayo. Bumalik siya sa kama niya. Mukhang nalaglag ang loko.

     "Sige." sagot ko sabay labas ng kwarto. Next kong pupuntahan ay si Trevor.

Meet TREVOR SMITH ang dakilang playboy. Ayos lang sakanya kahit gumastos ng libo libo para lang sa babae. Alam niyo bang muntik ng masira ang career niya just because of girls. Kahit playboy siya understanding naman siya. Gwapo rin siya gaya ko. Habulin ng babae. Wala pa siyang nagiging girlfriend. Ayaw ng mga babae. Magaling siyang kumanta.

Dumiretso akong kwarto niya. Pagpasok ko amoy alak. Nakita ko siya sa floor din natutulog. Nalaglag din siguro. Kinalabit ko siya at niyug yog.

     "Bro, its time to wake up na! Stand up before I punch you!" sigaw ko sakanya. Pinakamatagal kasi siyang gisingin.

     "Get out!" sigaw niya sakin.

     "Bahala ka may pagtitripan ako di mo makikita." pangaasar ko sakanya.

Unti unti niyang inopen yung mata niya tas ngumiti.

     "Its payback time!" nakangiti niyang sabi.

     "Puntahan mo si Cody sabihin mo yung plano." sabi ko sakanya.

     "Ok, wait for me." sagot niya sakin sabay takbo papunta sa room ni Cody.

Ang gagantihan namin ngayon ay si Shawn. Lagi niya kasi kaming pinagtitripan kaya gaganti kami.

Meet SHAWN HENDRIX siya ang pinakamaingay sa aming lahat. Kahit mahilig siyang mangtrip siya ang mother ng barkada. Walang siyanf alam kundi humugot. Pinakamasipag siya samin. Siya mismo naglalaba ng underwears namin. Mahilig siyang magluto. Chef kasi mama niya.

Dumating na sila Cody at Trev. Mukhang may naisip na sila. Pumunta kaming kitchen.

     "Diba ayaw ni Shawn ng amoy ng coffee?" tanong ni Cody samin.

     "Hindi lang ayaw. Ayaw na ayaw!" masatang sagot ni Trev.

Kumuha ako ng isang pitcher with cold ice. Kumuha naman ng coffee powder si Trev sa cabinet. Isang malaking box yung kinuha niya tas binuksan niya. Si Cody naman tinutunaw na yung coffee sa half pitcher na tubig. Ng matunaw na nilagay ko na sa pitcher na kinuha ko tas dinagdagan ko ng super cold water. Tawa kami ng tawa habang ginagawa namin itong kalokohan namin. Natigilan kami ng may nagsalita.

     "Mga bro, keep quiet and make it faster baka magising si Shawn." sabi ni Zane.

Meet ZANE WILSON ang dakilang siga ng barkada. Maiksi lang pasensya niya kaya lagi siyang napapaaway. Minsan kapag asar na asar na siya kahit babae pinapatulan na niya. Kung merong pinakamasipag. Siya naman ang pinaka tamad.

     "Zane,  get your phone. Video mo yung scene mamaya." sabi ni Cody na tawa parin ng tawa.

     "I already have it!" nakangiting sabi niya habang pinapakita niya samin yung phone niya.

     "Ano pang hinihintay natin! Lets go!" sabi ni Trev na mukang gusto talagang gumanti.

Pumunta na kaming lahat sa room ni Shawn. Pangalawa ako sa linya habang papunta kami sa kwarto ni Shawn. Nauuna si Trev sa aming lahat katabi ko naman si Zane na nag vivideo na.

Pagpasok namin nakita namin si Shawn tulog na tulog. Pumorma na si Trev sa gilid ng kama ni Shawn. Si Zane hawak yung phone niya.

     "Isa!, dalawa!,tatlo!" sabi ni Trev  sabay buhos nung hawak niya.

     "WHAT THE FUCK!" sabi ni Shawn na gulat na gulat sa lamig.

Walang humpay sa kakatawa itong mga bugok na ito. Tuwang tuwa si Trev habang si Shawn asar na asar. Natigilan kaming lahat ng may biglang sumigaw.

     "KEEP QUIET!" sigaw ni Red.

Meet RED NAXELA SMITH namumukod tanging masungit sa barkada. Bihira lang yan ngumingiti. Bitter kasi. Kahit nung nasa states pa kami ang sungit niyan. Palibhasa broken hearted siya. Kahit gwapo siya iwas mga babae sakanya.

===============
Hi Guys! Next chapter na po yung katuloy. Bale ito po yung nangyari bago po magkakilala si Max at Paolo.

Si Bestfriend TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon