Red's P.O.V
Pagkatapos niya kumain inalalayan ko siyang makatayo sa upuan niya tas pumunta kaming parking. Yung mga mokong nagtataka sa kinikilos ko. Hindi kasi sila sanay na ganito ako. Madalas masungit ako. Dadalin ko siya sa lugar na tahimik. Kakausapin ganun lang. Hindi naman pwedeng wala akong alam sakanya kahit konti.
Ilang minutes ang nakalipas at nakarating na kami.
"Anong gagawin natin dito?" tanong niya sakin habang tinutulungan ko siyang makababa sa sasakyan.
"I'll just talk to you! Don't worry!" simple kong sagot sakanya.
Nakita kong ngumiti siya nung dinala ko siya sa pupuwestuhan namin.
"Nagustuhan mo ba yung place?" tanong ko sakanya.
"Yup! I used to stay here with my brother before." kwento niya sakin habang nakatingin sa malayo.
"Where is your brother?" tanong ko uli sakanya habang nakatingin sakanya.
"Do I really need to answer that question?" sabi noya sabay tingin sakin.
"If you want to." I said simply
"He died!" malungkot niyang sabi.
Tumahimik lang ako hindi ko na itatanong kung bakit. Konting respeto lang dun sa tao.
"Condolence!" mahinahon kong sabi sakanya tas tumango lang siya.
"Can you be my friend?" tanong niya sakin. Nagtaka naman ako bakit siya nagaayang makipagkaibigan sakin.
"Kung ayaw mo, ok lang!" dugtong niya.
Bahala siya pagiisipan ko muna. Maarte na kung maarte. Nagsalita na ko para maiba ang usapan.
"By the way, dun ka muna sa bahay ko tumuloy hanggang sa gumaling ka ng husto." pagiiba ko ng topic.
"Uuwi nalang ako!" pagmamatigas niya.
"No! You will stay in my house!" pilit ko sakanya.
"Hindi na nga!" pagmamakulit niya.
"Alam mong pag sinabi ko sinabi ko!" pagsusungit ko sakanya.
"Bakit? Sinabi ko bang sinabi ni Jose Rizal? Malamang pag sinabi mo, ikaw nagsabi." pamimilosopo niya sakin.
"Ito naman eh!" sigaw ko sakanya. Nagulat siya at ganun rin ako. Yung pagsigaw ko kac parang batang naiinis. Inirapan ko lang siya.
"Sige na nga! Dun na muna ako sa bahay niyo! Hahahaa!" pangaasar niya sakin
£×°£×°£×°£×°£×°£×°£×°£×°
Matagal b ko? Haha