Chapter 6: Iiwasan ko ba si Jayson?

46 10 10
                                    

Max's P.O.V

Ang aga kong gumising para magluto ng breakfast. Wala namn akong aasahan kay Troy. Kung alam niyo lang nuknukan ng tamad yang si Troy. Mas pipiliin niyang matulog ulit kahit kakagising lang makatakas lang sa utos ko. Anong oras na hindi parin bumabangon si Troy sa higaan niya. Umakyat ako sa kwarto niya at ginising.

     "Troy, gising na malelate tayo." sabi ko sakanya habang inaalog siya

No Reaction

     "Troy gising na." gising ko ulit sakanya

No Reaction

     "GIGISING KA BA O SASAPAKIN KITA!" galit kong sabi sakanya

     "Hmmm. Antok pa ko." pagrereklamo ni Troy
    Hinatak ko siya hanggang sa makaupo siya pero nagulat ako kasi iba itsura niya.

     "Troy, ayos ka lang ba?" mahina kong tanong sakanya

    "Hindi maganda pakiramdam ko Max!" nanghihinang sabi no Troy sabay higa

     "Sige hintayin mo ko kukuha lang ako ng gamot." sabi ko sakanya sabay salat sa leeg niya. Mukhang mataas lagnat ni Troy. Bumaba ako ng kusina at kumuha ng gamot at ng soup. Habang iniinit ko yung soup kumuha ako ng towel at cool fever. Nung mainit na yung soup umakyat na ako sa kwarto ni Troy.

     "Troy, nandito na yung soup mo." sabi ko sakanya.
     Tumabi ako sakanya at pinunasan siya at nilagay ko yung cool fever.

     "Max, ako na kakain kaya ko na. Pumasok ka na. Magbigay ka nalang ng excuse letter ko." mahinang sabi sakin ni Troy

     "Wag matigas ang ulo kainin mo na ito at lalamig ito." masungit kong sabi sakanya

     Susubuan ko na dapat siya kaso bigla niyang hinawakan ung kamay ko.

     "Sinabi ko nga dibang kaya ko na. Pumasok ka na." masungit din niyang sabi sakin.

     "Ok, sige pag may kailangan ka text mo lang ako." yun lang nasagot ko sakanya. Baka magaway na naman kasi kami.

     Bumalik na ako ng kwarto ko para makaligo at makapagbihis. Saglit lang ako naligo. Hindi pa naman ako masyadong late eh. Pumunta muna ako sa kwarto ni Troy para mag paalam.

     "Troy aalis na ako." sabi ko pagpasok ko sa kwarto niya.

     "Max, gamitin mo na muna kotse ko. Nandun sa lamesa yung susi." mahinang sabi sakin ni Troy.

     "Ok sige magpahinga ka muna." tas pumunta na akong parking at sumakay sa kotse ni Troy. Saglit lang ako nagdrive at nasa SU na ako. Pag baba ko may narinig akong mga lalaking nagsalita

"PARE ANG GANDA OH!"
"OO NGA! AKIN NALANG!"
"MATIKTIKAN NGA MAMAYA!"
"ANG GANDA NGA!"
-
-
-
-
-
-
-
"ANG GANDA NUNG KOTSE!"
     Bwiset akala ko ako yung maganda. Ang agaaga nakakabadtrip. Hinayaan ko nlng sila pumunta nalang akong garden at nagbasa ng libro.

     "Max, kumusta ka na?" tanong sakin ni Jayson.

     "Ayos lang." tipid kong sagot sakanya. Mas maganda na siguro na hindi ko siya pansinin.

     "May problema ba?" pangungulit nito sakin.

     "Wag mo ng gawing tanga yung sarili mo Jayson na hindi alam kung bakit ako lumalayo sayo." sabi ko sakanya na masungit.

     "Max, hindi mo naman kailangang lumayo eh." paliwanag niya sakin.

     "Just stay away Jayson." sabay lakad palayo pagkasabi ko nun

Hindi niya ako tinitigilan sa paghabol niya sakin.

     "Max naman naging kaibigan na kita diba bakit lalayo ka pa." pilit nita sakin.

     "Gusto kitang maging kaibigan pero may rason kung bakit hindi pwede.  Wala na akong pake kung alam mo ba yung rason o hindi basta lumayo ka sakin." naiinis kong sabi sakanya

     "Is it a big deal kung alam ko." nanghahamong sabi niya sakin.

     "Oo big deal yon kasi kakaibiganin mo ung taong pinagtataguan mo ng sikreto mo." simple kong sagot sa kanya. Sasagot na sana si Jayson ng biglang may sumingit.

     "Jayson mas mabuting layuaan mo na si Max." Cool na sabi ni Troy

    "Alien ka ba? Isang pitik lang nawawala na yung sakit mo. Tsaka anong ginagawa mo dito?" naguguluhan kong sabi sakanya.

     "Troy napagusapan na natin to diba?" seryosong tanong ni Jayson.

    "Oo, sinabi kong pwede kang maging kaibigan ni Max pero siya na yung umaayaw eh." explain ni Troy kay Jayson

     "Ok hindi ko na pipilitin yung sarili ko kay Max. Pero sana Troy natatandaan mo yung sinabi ko sayo last time.  Sana hindi mo pagsisihan sa huli ang mga ginawa mo." malungkot at tapat na sabi ni Jayson.

     "Kahit kailan hindi ko pagsisisihan ang desiayon ko. Tandaan mo yan." madiing sabi ni Troy kay Jayson.

=================================
Thank you po ulit sa mga nagbasa ng story ko! HAPPY po ang author niyo. Pasensiya na rin po kug panget yung chapter. Try ko po gandahan nex time●﹏●

Si Bestfriend TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon