Red's P.O.V
Pinatakbo ko na yung sasakyan. Dadalhin ko muna siya sa bahay namin. Wala namang ibang tao dun kundi mga maids. Doon narin didiretso sila Paolo.
"Saan tayo pupunta?" tanong sakin ni Max habang nakatingin sa labas.
"Sa Jupiter." sagot ko sakanya habang nakatingin parin sa kalsada.
"Saan nga?" pagmamakulit niya pero this time nakatingin na siya sakin.
"Hindi pa ba obvious na ayoko makipagusap kaya pinipilosopo kita." pagsusungit ko sakanya.
Tumahimik nalang siya dahil maarte ako. Ayoko kasi sa lahat yung mga feeling close. Ayoko rin yung mga paimportante. Ayoko sa lahat yung nagpapasalamat sakin. Yung iba kasi kapag nagthank you sila tas sinabihan mo ng "WALANG ANUMAN!" hihingi ng hihingi na ng tulong sayo lagi o kaya minsan kapag nakita ka kahit saan babatiin ka kahit hindi naman kayo close. Pag naman hindi ka sumagot sa pasasalamat nila MASUNGIT ka.
Ilang minutes lang nasa bahay na kami. Pinark ko na yung sasakyan. Bago ako makababa nagsalita ulit si Max.
"Nasaan tayo?" tanong niya sakin.
"Nasa hell." simple kong sagot sakanya.
Bababa na ko ng bigla ulit siyang sumagot."I thought sa Jupiter tayo pupunta." sagot niya sakin sabay irap.
"Please! Just keep your mouth shut!" naasar kong sabi sakanya.
"Pilitin mo muna ako." pangaasar niya sakin. Tinignan ko siya ng masama yung tipong luluwa na yung mata ko sa sobrang inis. Tumigil din siya sa wakas.
Lumabas na ako ng sasakyan pinagbuksan ko siya tas inalalayan ko. Pagpasok namin ng bahay diniretso ko siya sa guest room.
"Bakit ang tagal niyo?" tanong samin ni Cody pagpasok namin.
"Kausapin niyo yan! Aalis muna ko." sabi ko sakanila sabay alis.
Max's P.O.V
Paglabas niya nagkaroon ng konting silence tas may nagsalita sakanila.
"What's your name?" tanong sakin nung isa.
"I'm Aesha Maxene Clarkson." sagot ko sakanila.
"I'm Cody Hunt." sagot niya sakin sabay ngiti. Ngumiti rin ako sakanila.
"Sila si Trevor, Shawn, Zane, Paolo, and Jayson." sabi sakin ni Cody habang tinuturo isa isa ang mga kaibigan niya.
"Nice to meet you!" sabi sakin ni Trev.
Noong una mukha silang mayabang na ewan. Mukha naman silang mabait. Kinausap nila ko.
"Hindi naman ako chismoso pero ano kinamatay ng parents mo?" tanong sakin ni Shawn na halatang inaantay talaga yung sagot ko.
Hindi muna ako sumagot ng ilang seconds. Iniisip ko kung ito na ba yung tamang oras para magpakilala ako. Marami pa akong bagay na hindi pa alam kaya mananahimik muna ako.
"Wag ka magalala Max wala namang ibang makakaalam ng usapan natin. Pero kung talagang ayaw mong sabihin sige ok lang nirerespeto namin." sabi sakin ni Trev.
"Kaibigan ka na namin ngayon. Tandaan mo yan." sabi sakin ni Zane.
Ngumiti ako sakanila. Kung ano ano lang pinagusapan namin. Mga kalokohan. Ang sarap nilang kasama.
Red's P.O.V
Pumasok akong kwarto ko. Nagmukmok. Naalala ko yung mama ko. Kung hindi dahil sa isang tao hindi siya mamatay. Noon pa man pinangako ko sa sarili ko na papatayin ko mismo yung taong bumaril kay mama. Kahit anong gawin kong paraan para malaman ang totoo wala akong magawa. Hinaharang ako ng tatay kong gurang. Hindi ko alam kung anong problema niya pero wala na akong paki kung ano pa iyon.
May nangyari kasi na hindi inaasahan.
-Flashback-
Pumunta ako sa isang old warehouse. Hindi ko alam kung bakit pero pinapapunta ako ng isa sa mga kasamahan ni Dad.
Ilang oras lang nakarating na ko. Naabutan kong nakikipagtalo ang dad ko sa mga taong hindi ko naman kilala.
"Wala kaming mapapala sa inyo! Isa lang ang gusto namin hindi niyo pa maibigay!" sigaw nung lalaki na halos ka age lang ng dad ko.
"Pumayag na ko diba?! Ano pa bang gusto niyo? Hihintayin lang naman natin silang maabot ang tamang edad." sagot ni dad.
Nagtago lang ako sa lugar na hindi nila ako makikita. Pinakinggan ko ang usapan nila.
"Edad? Edad nga ba o yang magaling mong asawa?" sagot sakanya nung matanda.
"Wag mong idamay ang asawa ko. Lahat naman diba ginawa ko para mapilit ko siya! Wag mo akong pangungunahan sa mga desisyon ko! Tandaan mo ikaw ang humuhingi ng pabor." madiing sabi sakanya ni dad.
Nanahimik yung matanda sa sinabi ni dad tas nagsalita ulit.
"PASENSIYAHAN NALANG TAYO!" nakangiting sabi nito.
Ilang araw ding ayaw mawala nun sa isip ko. Anong ibig sabihin nila? Until one time pumasok si mama sa room ko.
"Son, always take care of your self ha! May pupuntahan lang si mama!" nakangiti niyang sabi sakin.
"Ma, hindi ko baby para pagsabihan mo pa. Im already grown up! I can take care of myself!" sagot ko sakanya
"I love you!" sabi niya sabay halik sa noo ko tas lumabas na siya.
Kinabukasan nalaman ko nalang namatay na si mama.
-end of flashback-Lumabas ako ng kwarto ko. Saaali nalang ako sa usapan nila. Dinig na dinig ko lang naman yung mga boses nila. Pagpasok ko ng kwarto nakita ko agad si Max. Ang ganda niya pag nakangiti pero halatang namumugto yung mata niya. Hindi ko namalayang matagal na pala akong nakatitig sakanya.
"Hoy! Baka matunaw si Max!" pangaasar sakin ni Trev. Tinignan ko lang siya ng masama.
"Gusto niyo kumain?" tanong ko sakanila. Tumango lang sila. Sinenyasan ko silang pumuntang kitchen.
Nagpahanda lang ako kay manang ng food. Bumaba narin sila. Si Jayson inaalalayan si Max tas umupo na silang lahat. Ano kaya nangyari dito sa babaeng ito? Matanong nga.
"What happened to you last time?" diretsa kong tanong sakanya.
"Oo nga pala! Marunong kang mag target shooting? Ang galing mo headshot mo yung lalaki." sabi naman ni Shawn.
Tumingin muna si Max tas sumagot. "Long story." simple niyang sabi. "Pero thank you ahh!" dagdag niya.
"Walang anuman!" sabi ni Cody.
"Siguro pag may oras na tayo pagusapan natin." sabi ni Zane.
"Nagsabi ba kayo sa mga police?" tanong niya samin. Umiling si Jayson.
"Pagtapos mo kumain may pupuntahan tayo." sabi ko kay Max.
£×°£×°£×°£×°£×°£×°£×°£×°£×°
Sa wakas nakapagud narin ako. Sana magustuhan niyo!