Naasar na talaga ako kay Troy. Hindi ko maintindihan kung may sakit ba o wala itong unggoy na ito. Pagkatapos ng conversation nila ni Jayson pumunta akong cafeteria. Hinayaan ko siya. Susunod din yung panget na iyon.
"Max, hintayin mo ako." mahinang sabi sakin ni Troy.
Hinayaan ko siya naglakad ako hanggang sa makakita ako ng vacant seats."Bakit mo ba ako iniwan? Kitang may sakit nga ako eh." pangongonsensyang sabi niya sakin. Hindi ako sumagot.
"Max, tutunganga ka lang ba jan?" naiinis na tanong sakin ni Troy.
"Dont talk to me. Naasar ako sayo." simpleng sagot ko sakanya sabay alis.
Lalakad na sana ako palayo sakanya kaso bigla niyang hinatak yung braso ko."Wag mo akong tinatalikuran kapag kinakausap kita." galit na sabi ni Troy sabay piga ng madiin sa braso ko.
"Aray! Ano bang problema mo?" nasasaktan kong tanong sa kanya. Sinusubukan kong tanggalin yung kamay niya pero masyado siyang malakas.
"Umupo ka." simpleng utos niya sakin sabay tanggal ng kamay niya.
"Ano bang kailangan mo?" tanong ko sakanya sabay upo tas dinabog ko yung pagbaba ko ng bag ko. Bigla niya akong hinatak papunta sakanya
"Dala mo yung baril mo?" tanong niya sakin na pabulong.
Patay iniwan ko. Magsisinungaling nalang ako. "Dala ko." sabi ko sakanya na pasungit para hindi ako mahalataan.
"Wag kang magsinungaling hindi mo dala." pangaasar niya sakin
"Dala ko nga! Wag makulit. Bakit ba kasi nandito ka?" masungit na sabi ko sakanya. Mukang may masamang balak itong lalaking to ahh.
"Nandito ako para ibigay sayo yung baril mo." nakangising sabi niya sakin
"Bwisit ka! O, pasok mo jan yung hinatid mo." nakairap kong inabot sakanya yung bag ko.
"Diba sinabi ko sayo dalin mo yung pinapadala ko. Kahit kailan talaga matigas yang ulo mo." pangaral sakin ni Troy habang nilalagay niya yung baril ng patago.
"Ayoko nga kasing gamitin yan eh." nakasimangot kong sabi sakanya.
"Max naman eh! Paano kung may taong gusto talagang pumatay sayo. Tandaan mo may banta na sa buhay mo." pangaral niya sakin sabay hagis sakin nung bag ko.
"Troy!" tawag ko sakanya. "Bakit?" sagot niya sakin habang hinihilot niya yung ulo niya. "Wag nalang kaya ako magaral." mahinang sabi ko sakanya.
"Magaaral ka. Hindi pwedeng hindi. Diba sabi mo magaaral ka para makapag ipon ka pagraduate natin. Tandaan mo wala ng nagpoprovide ng pera natin. Konti nalang natitira sa pera natin." mahinang sabi sakin ni Troy.
"Hoy ayos ka lang ba? Kanina mo pa hinihilot yang ulo mo." sabi ko sakanya sabay salat sa noo niya.
"Ayos lang. Sige una na ako." sabi niya sabay tayo at lakad palayo.
Mukhang may sakit pa talaga si Troy. Habang naglalakad siya hawak parin niya yung noo niya. Hindi na siya tuwid maglakad. Ng biglang
"TROY!!!" sigaw ko sakanya. Bigla siyang bumagsak sa kinatatayuan niya. Tumakbo ako papunta sakanya. Nang makarating ako sakanya binagsak ko yung bag ko sa floor malas yung bag ko bukas. Nalaglag yung baril sa gilid ni Troy. Buti nalang bumagsak yung likod niya habang hawak ko siya natakpan yung baril. Kinuha ko agad tiyaka ko binalik sa bag ko."Halika dalin natin siya sa School Clinic." sabi sakin ni--- JAYSON
Hindi na ako nakareact binuhat na niya si Troy. Dinala niya sa clinic yung buhat niyang halimaw. Pagpasok namin binaba niya si Troy sa stretcher. Chineck si Troy nung nurse."Pagod lang po ang dahilan ng pagkahimatay ng pasyente. Konting pahinga lang po ang kailangan niya. Mas mabuting dito muna siya." sabi nung nurse.
Hinahanap ko si Jayson para mag thank you sakanya pero wala na siya."Sige po una na po muna ako. Paki sabi nalang po sakanya pag nagising na siya na tawagan po ako para mahatid na po siya sa bahay. Salamat." sabi ko sa nurse habang hinahaplos si Troy.
"Sige." sagot nung nurse sabay balik sa table niya.
Lumabas na ako ng clinic. Pupunta na ako sa klase ko kahit kalahati lang para naman hindi ko mamiss. Naglalakad ako ng may narinig akong usapan.
================================= Hi mga readers! Baka po medyo mabilis ang update ko ngayon bakasyon po ehh! Keep on reading!