Jayson's P.O.V
Bwisit bakit ba kasi lumalayo sakin si Max. Paano ko sasabihin sa kanya na magingat siya. Kailangan ko pa siyang bantayan ng palihim. Pero hindi narin ako nagtaka kung bakit talaga siya lumalayo.
Naglakadlakad lang ako sa garden. Nagiisip kung ano pwede kong gawin. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ako kung magalala kay Max. Nararamdaman ko kasi na hindi siya basta basta si Max. Naalala ko kasi yung ex girlfriend ko si Verafaye Pascual. Sobrang bait niyang babae kahit simple lang siya. Matagal na siyang nawala na parang bula. Noong una sabi nila baka daw nakipagtanan. May tiwala ako sakanya hindi niya magagawa sakin iyon. Pumunta akong caferteria para bumili ng drinks. May klase dapat ako ngayon kaso naisipan kong wag na munang pumasok sa first class ko. Papalipat narin ako ng section. Papunta na akong cafeteria ng makita ko si Max na tumatakbo. Ng ibaba niya ang bag niya may nakita akong baril. Hindi ko na masyadong pinansin lumapit na ako.
"Halika dalin natin siya sa School Clinic." sabi ko sakanya. Halatang nagulat siya sa ginawa ko pero di ko na siya pinansin. Dumiretso na ako sa clinic.
Ng makarating na kami sa clinic binaba ko na si Troy. Umalis na ako kaagad. Dumaan ako sa likod para hindi niya ako makita. Pumunta ako sa parking aalis nalng ako. Tinatamad na akong pumasok. Pumunta nalang ako sa secret place ko. Doon ako pumupunta. Wala kasi masyadong tao doon.
==========================
Sorry po maiksi lang ung chapter ●︿●