Max's P.O.V
Dumating si Troy sa clinic na nagaalala. Nagpaalam na samin yung tumulong sakin hindi ko man lang natanong yung name niya.
"Sabi ko naman sayo diba magingat ka sa mga transferee." masungit na pangaral niya sakin.
"Iingatan ko naman eh! Is it my fault na harang harang sila sa way ko!" dahilan ko sakanya.
"Kahit na!" pagmamatigas niyang sabi.
"Kilala mo ba sila?" tanong ko sakanya.
"Hindi." simple nitang sagot sakin. Halatang nagsisinungaling lang siya. Hinayaan ko nalang hindi nalang ako nagtanong.
"Nagpasa na ako ng excuse letter mo Max. Umuwi ka nalang muna para mapahinga mo yang paa mo para sa date mo." sabi nita sakin habang nilalaro yung flowers sa gilid ng table.
"Ok sige. Aalis na ako. Dito ka nalang kaya ko naman magdrive." sabi ko sakanya habang inaayos ko yung gamit ko.
"Oh, saluhin mo." sabi niya sabay hagis nung susi niya.
"Hatid mo ako sa parking." pilit ko sakanya habang hinahatak yung braso niya.
"May klase pa ako. Ikaw nalang." mahina niyang sabi sabay labas ng clinic.
Hinayaan ko na siya. Umalis siya kung gusto niya. I DONT CARE. Lumabas nalang ako ng clinic. Pumunta akong parking. Naglalakad na ko papunta sa parking ng may nakasalubong ako. Yung nanigaw sakin. Nagkatinginan kami magkatabi lang kasi yung kotse nila ni Troy.
"What?!" masungit niyang tanong sakin habang nakairap.
"Nothing." simple kong sabi sabay sakay sa kotse ko.
Pinaandar ko na yung kotse. Binugahan ko siya ng usok. Langhapin niya lahat. Akala mo kung sino siya para sigawan ako.
Nakarating na ako sa bahay pinark ko na yung sasakyan. Umakyat na ako sa kwarto ko. Hihiga na sana ako ng may naupuan ako. Isang sulat.
ENJOYIN MO NA BAWAT ARAW MO.
Nakaramdam na ako ng takot. Hinayaan ko lang natulog ako.
***
Nagising ako ng magbagsak ng takip ng kaldero si Troy."Max, may date ka. Bumangon ka na jan." sabi niya sabay bagsak ng pinto ko.
Chineck ko yung phone ko may message.FROM: Ian
Magprepare ka na pinasundo na kita sa driver ko.TO: Ian
Ok( ̄︶ ̄)> ( ̄▽ ̄)Naligo at nagbihis na ako. Simpleng dress lang sinuot ko. Floral siya tas flat shoes. Bumaba na ko.
"Troy! Bakit 6:00 p.m mo na ako ginising?" naasar tanong ko sakanya habang naglalagay ng cologne.
"Malay ko ba! Bumusina kasi yung kotse sa labas!" sagot niya sakin habang nagmamop.
"Alis na ko. Bye!" sabi ko sakanya sabay lakad palabas. Sasakay na ako ng sigawan niya ako.
"Max!" sigaw niya. "Bakit?" sagot ko. "Ingat ka!" sabi niya sabay senyas na pumasok na ako.
Mga 15 minutes lang biyahe namin nasa restaurant na kami.
Pagpasok ko inikot ikot ko yung paningin ko. Nakita ko si Ian naka shirt siya tas may coat siya. Ang gwapo parin niya. Lumapit ako sakanya. Parang nahihiya tuloy ako sa itsura ko.
"Ahhhh, Ian?" tanong ko habang nakatayo sa harap ng table.
"Claire! Is that you?" tanong niya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.
"Its not Claire! Its Max!" nakangiting sabi ko sakanya sabay upo sa harap niya.
"What happened to you?" tanong niya na parang hindi parin makapaniwala sa nakikita niya.
"Kailangan eh! For my safety." sagot ko sakanya sabay hinga ng malalim.
"I thought you----"hindi ko na siya pinatapos sumagot na ko.
"You thought I became more beautiful. Siguro nagsisisi ka ngayon kasi inaya mo ako and nahihiya kang kasama ako." sabi ko sakanya ng walang expression yung mukha ko.
Halatang nagulat siya sa mga sinabi ko. Hindi na siya nakakibo.
"Yes, I thought you became more beautiful but never kitang ikinahiya like bef---" explain niya sakin pero pinutol ko ulit siya.
"Past is past Ian. Wag na natin ibalik." sabi ko sakanya na parang ok lang sakin ang lahat.
"I think you already moved on. You look ok now. The menu is beside you. Pick your order." sabi niya sakin pumipili siya.
Napangiti ako ng konti kasi dati pagkumakain kami dito alam niya na yung inoorder ko. Pero ngayon hinayaan niya akong pumili ng iba.
Sinabi ko na sakanya yung order ko. Sinabi na niya sa waiter yung order namin. Di nagtagal kumain narin kami.
Walang kumikibo samin hanggang sa matapos siyang magbayad. Kinausap niya ko.
"Pwede ba kitang dalin sa secret place mo?" tanong niya habang nakaakbay sakin.
"Ok." simpleng sabi ko sabay alis nung kamay niya.
===========
Advance HAPPY NEW YEAR po!!!