Chapter 4: Troy's P.O.V

72 15 2
                                    

Troy's P.O.V

Iniwan ko na si Max sa kwarto niya dumiretso akong school kahit masama yung pakiramdam ko. Kanina pa kasi sumasakit yung ulo ko. Sumakay na akong kotse. Nagdadrive na ako ng biglang nagring yung phone ko.

FROM: Max panget
Troy saan ka pumunta? Masama pakiramdam mo diba?

TO: Max panget
Wag ka na magalala Max. May aayusin lang ako. Magpahinga ka lang jan. Wag ka ng pumasok. Sige na busy ako.

FROM: Max panget
Sige ingat ka

Saglit lang ako nagdrive nasa school na ako. Pumunta agad ako sa room ni Jayson. Nakita ko siya nakaupo nagsusulat. Pumasok kaagad ako. Hinatak ko yung kwelyo niya.

     "Mr. Santiago wag ka manggulo sa klase ko." sabi sakin nung teacher pero di ko siya pinansin

     "Jayson sumama ka sakin. May paguusapan tayo." bulong ko sakanya

     "Wala tayong dapat na pagusapan." pagmamatigas ni Jayson

     "Sumunod ka nalang." pilit ko sakanya

      Naglakad ako papunta sa parking. Inunahan ko na siya makarating. Alam kong pupunta rin siya. Ilang minuto lang sumakay na siya sa kotse ko. Dinala ko siya sa isang cafe. Kinausap ko yung manager na magreserve ng room sa VIP Area. Mahirap na baka may makarinig samin. Saglit lang dinrive ko nakarating na kami. Pagdating namin may naglead ng way samin papuntang VIP Area. Pumasok na kami sa loob.

     "Ano bang dapat nating pagusapan?" tanong sakin ni Jayson

     "Alam kong pumasok ka sa Silverworm University dahil kay Max." sabi ko sakanya

      "Ano naman kung pumasok ako dahil sakanya. May problema kaba doon?" tanong niya sakin

      "Walang problema kung pumasok ka sa SU pero kailangan mo bang sabihin kay Max na alam mong ako si Carl." paliwanag ko sakanya

     "Ano naman kung alam ni Max na alam ko." pangaasar niya sakin

     "EH LOKO KA PALA EH! WALA KANG ALAM SA NAGING BUHAY NAMIN NI MAX! ANG ALAM MO LANG KILALA MO YUNG MGA TAONG GALIT SAMIN!" sigaw ko sakanya

     "So, ano ba talaga gusto mong sabihin?" tanong niya sakin na halatang naiinis na
 
     "PAPAYAG AKONG MAGING KAIBIGAN MO SI MAX PERO WALA KANG SASABIHIN SA KANYA KAHIT ANONG NALALAMAN MO! ALAM MO KUNG ANONG MANGYAYARI SAYO SA ORAS NA SINABI MO!" pananakot ko sakanya

     "Papayag ako Troy sa sinabi mo pero sana hindi mo pagsisihan yang desisyon mo." sabi niya sakin
     
     Hindi maintindihan yung sinabi niya. Itatanong ko sana kaso umalis na siya bigla. Anong ibig niyang sabihin na pagsisisian ko yung desisyon ko. Ginagawa ko lang naman ito para kay Max.

Abangan nalang po yung susunod na mangyayari! Keep on reading po! Tnx
  

Si Bestfriend TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon