Max's P.O.V
Ano na kayang nangyari kay Troy? Bigla bigla nalang kasi akong iniiwan dito. Sana ok lang siya. Its been a long time simula ng nagkaproblema kami. Ang dami naming pinagdaanan. Natapos na yung problema namin na maraming nasaktan. Para siguro sakanila tapos nayun pero sakin hindi pa tapos. Anong bang magagawa ko kahit gusto kong gumanti ni hindi ko magawa.
Wala naman akong gagawin ngayon pumunta ako sa bodega. Im trying to bring back the happy thoughts. I want to bring back the times that we are still happy together. I want to bring back the times that we are complete. I want to bring back the old me but I know that those memories will become a memory. No matter how hard I cry everynight it wont help me feel happy again.
Pumunta na ako sa bodega. First na nakita ko yung pillow ko before. Lagi ko kasama tong unan na to. I cant sleep without this. Nagikot-ikot lang ako sa room. Tinitiis kong makita yung mga bagay na nakasakit sa akin. Nung pumunta ako sa corner nung old couch. Nakita ko yung box ko nung teenage years ko. Dito ko nilalagay lahat ng memories ko. Dito nakalagay yung mga love letter, papel na binigay sakin ng kaaway ko, at marami pa. Nung binasa ko lahat isang bagay lang ang nakakuha ng attention ko. Binasa ko siya. Ito yung friendship examination ko nung high school.
Bakit mo kami gusto maging kaibigan?
-kasi hindi ko ayaw
Are you willing to keep the secrets of this group forever?
-Yes
Naniniwala ka ba kay tadhana?
-Oo naniniwala ako kasi sabi ng mama ko lahat ng nangyayari sa buhay ko si tadana ang nagplano nunHindi ko na tinuloy yung binabasa ko. Sumasama lang loob ko. Ito kasi yung mga panahon na nagwiwish ako sakanya. Yung mga panahon na siya lagi yung kausap ko. Si tadhana na lagi kong karamay. Natigil ako sa paglakadlakad ko sa bodega ng biglang may kumaluskos sa baba.
Lumabas ako agad baka si Troy yung dumating. Paglabas ko may bumagsak na flower vase. Nagtago na lang ako sa bodega. Nagsimula na akong makarinig ng footsteps papunta dito sa bodega. Gusto ko sanang tawagan si Troy to ask for help kaso iniwan ko yung phone ko sa room ko. Natatakot na ako nagtago na lang ako sa pinakasulok. Nakikita ko na yung paa niya. Malaki yung paa niya mukang malaking halimaw yung lalaki. Bigla siyang nagsalita.
"Nasaan ka na magpakita ka na." sabi niya sakin. Hindi ako gumalaw baka mahuli ako.
"Nasaan ka na." lumalakad na siya papunta sa area ko. Anong gagawin ko. Wala na akong maisip na paraan nakita na niya ako.
"Wahhh!" sabi niya sakin. Hindi ko siya makilala nakacover yung mukha niya.
"Sino ka?!" tanong ko sakanya na natatakot
"Hindi na importante kung sino ako. Basta tandaan mo simula ngayong araw na ito markahan mo na ang kalendaryo mo hanggang saan ka aabot." sabi niya sakin sabay abot ng papel.
Umalis na yung lalaki ano bang gusto niyang palabasin? Simula sa araw na ito mamalasin na ako. Ano kayang balak niya? Hindi ko na muna siya inintindi bumaba ako ng bahay. Nakita ko si Troy na halatang nagtataka. Lumapit ako agad sakanya tas inakay ko siya papunta sa kwarto niya. Pagkarating namin sa kwarto niya kinausap ko siya.
"Max ayos ka lang ba?" tanong niya sakin
"Oo ayos lang ako. Saan ka ba nanggaling?" tanong ko sakanya
"Ano yang hawak mong papel?" sabi niya sakin sabay turo sa hawak ko
"Bigay sakin ito nung lalaki kanina." sabi ko sakanya
"SINONG LALAKI? ANONG GINAWA SAYO? NASAKTAN KA BA?" nagulat niyang tanong sakin
"Huminahon ka nga. Walang nangyaring masama sakin. Mukang tinatakot lang niya ko. Hindi ko alam kung bakit. Tsaka bakit hindi mo alam diba nasa baba ka?"
"WALA AKONG NAKITA! PUT***INA! BAKIT KASI HINDI KA NAGSASARA NG PINTO!" galit niyang sabi sakin
"Sinara ko yung gate pati yung front at back door. Hindi ko alam kung saan siya pumasok." explain ko sakanya
"Gusto mo tawag tayo ng pulis?" tanong niya sakin sabay hablot sa hawak kong papel. Binasa niya ng tahimik yung papel.
HUMANDA KA! UUBUSIN KO ANG LAHI MO! HINDI PA TAYO TAPOS! TANDAAN MO YAN!!!
Troy's P.O.V
Ano to akala ko ba tapos na ang gulo. Ayaw parin nilang tumigil. Tsaka bakit "ka" ang nakalagay. Sino gusto nitong sabihan. Ako ba o si Max. Alam kong may hindi magandang mangyayari ngayon. Kailangan naming magingat ni Max."Troy pabasa." sabay hatak sa hawak kong papel
Habang binabasa niya nakita kong tumutulo na yung luha niya. Niyakap ko siya at pinatahan."Wag ka ng umiyak Max. Magiging ok rin ang lahat lalaban tayo." mahinahon kong sabi sa kanya
"Pero Troy bakit ayaw parin nilang tumigil. Ano pa bang gusto nila. Paano kung bumalik iyon? Anong panlalaban sa kanila?" umiiyak na sabi sakin ni Max
"Wag ka ng magalala Max. Ako bahala sayo. Matatapos rin ito." mahinahon kong sabi sa kanya
Habang hinahaplos ko yung likod niya para tumigil siya sa pagiyak kahit konti. Nakapagisip ako kung anong gagamiting proteksyon ni Max. Hinatak ko siya papunta sa Dressing Room ko.
"Ano bang gagawin natin dito Troy?" naiilang na tanong sa akin ni Max
"Naalala mo ba nung mga highschool pa tayo?" tanong ko sakanya habang may hinaanap ako sa malaki kong box
"Ano namang maaalala ko dun?" naiiritang tanong niya sakin
"Diba magaling ka sa target shooting?" balik kong tanong sakanya
"O, ano connect nun sa tanong ko?" balik nanaman niyang tanong akin
"Edi ito ang gagamitin mong protection mo." sabi ko sakanya sabay abot ng baril sakanya
"Troy ang tagal ko ng hindi nakakahawak niyan. Simula pa nung pagkatapos ng gulo. Tsaka hindi ko pwedeng gamitin yan. Baka----" naputol na yung sinabi niya kasi nagsalita na ako
"Ano ba naman yung dadalin mo lang yan para sa protection mo. Maitatago mo parin naman yung sarili mo. You need to bring that everyday for your safety. Kita mong may nagbabanta na sa atin eh." strikto kong sabi sa kanya
"Sige Troy. Pero tanong ko lang. Kaya mo ba talaga ako pinapalayo kay Jayson kasi baka siya yung nagutos na magbanta saatin?" nagulat ako sa tanong niya. Paano naisip yun e nagpaliwanag na ako sa kanya.
"Hindi dahil doon iyon Max. Wag ka ng magalala. Bumalik ka na sa kwarto mo at linisin mo nayan. Magpapahinga na ako." paliwanag ko sakanya ng mahinahon
"Sige." simple niyang sagot sakin tas lumabas na siya ng kwarto ko
Ano kaya talaga ang pakay nila. Natatakot ako para kay Max. Hindi naman lahat ng oras mababantayan ko siya. Matigas rin kasi minsan uli ni Max eh. Hindi rin namn pwedeng lagi akong nakabantay sakanya. Alam ko namang kaya niya sarili niya.
Lumipas ang maghapon ng wala kaming ginagawa kumain nalang ako saglit ng dinner tas naligo at natulog.
Hi guys! sorry po kung matagal ako magupdate busy po kasi eh! Enjoy reading my story po! Tnx:-)