Chapter 15: Helpful Red

30 12 3
                                    

Max's P.O.V

Tumawag ako ng taxi kaso inisnob ako. Hindi masyadong matao sa lugar na ito kaya bihira lang mga dumadaan na sasakyan. Nagearpads nalang ako. Sinagad ko yung volume. Maglalakad nalang ako. May pang depensa naman ako kung may manakit sakin.

Ang ganda ng song na pinapakinggan ko. Kumakanta ako habang naglalakad. Ang sarap sarap ng pagkakakanta ko ng ARAY!!!! NASAGASAAN AKO!!!

Hindi naman ganon kalakas yung pagsagasa sakin. Napahiga ako sa kalsada. Tinanggal ko yung earpads ko. Narinig kong may bumaba sa kotse.

"BAKIT BA KASI HARANG HARANG KA! PAG MAY NANGYARI PANG MASAMA SAYO AKO PA MANANAGOT! BWISIT!" sigaw sakin nung lalaki.

Sinilip ko ng patago yung lalaki. Gwapo siya pero familliar yung mukha niya. Siya yung guy na nanigaw rin sakin sa SU.

"Aray!" mahina kong sabi para di niya marinig.

"Let me help you." simple niyang sabi habang tinutulungan niya kong tumayo.

May puso rin naman pala tong lalaking ito. Tinatago ko yung mukha ko sakanya mamaya na ko haharap pag nasa ospital na kami. For sure iiwan niya ko sa kalye pag nakita niya ko.

Inalalayan niya ko hanggang sa makapasok ako sa kotse niya. Pumasok narin siya. Nakita ko yung phone niya. Naglalaro ng COC Kaya pala nasagasaan ako. Nakita niyang tinitignan ko kaya kinuha niya tas nilayo ko yung mukha ko.

Nasa biyahe kami papunta sa hospital. Nasa kalagitnaan palang kami. Tinatago ko lang yung mukha ko sakanya. Naasar ako nakikita ko siya sa reflection sa window tingin ng tingin sakin nangangawit na yung ulo ko.

"Bakit mo ba tinatago yang mukha mo. Promise hindi kita aawayin." sabi niya sakin habang nakatingin parin sa kalsada. Talaga lang ah hintayin mo mamaya pag humarap ako sayo.

"Pipe ka ba?" pangungulit niya sakin.

"Wag ka kasing tingin ng tingin!" masungit kong sabi sakanya habang nakaharap parin sa salamin. Nakikita kong tumatawa siya. Ang cute niya pag tumatawa siya.

"Hindi nga kita aawayin diba. Tinulungan pa nga kita eh. I want to see your face." pilit niya sakin.

"Sure kang hindi mo ako aawayin?" pangaasar ko sakanya pero nakaharap parin ako sa salamin.

"Oo nga! Nandito na tayo bumaba ka na. Mukha namang wala kang bali." sabi niya sabay labas.

Umikot siya sa side ko. Binuksan niya yung pinto. Sinaboy ko yung buhok ko sa mukha ko. Hinawakan niya ko sa braso tsaka ako lumabas.

Naglakad kami hanggang sa makarating ako sa loob. Nasa Emergency Room na ako. Nililinis nila yung mga sugat ko. Nagpaalam siya na lalabas muna daw siya. Tumango pero nakayuko parin.

Inangat ko yung ulo ko. Tapos naman na yung doctor na linisin yung mga sugat ko. Bumalik na yung lalaki.

Nakatingin siya sa phone niya ng kausapin niya ko. "Ayos ka na?"

"Maglaro ka pa ng maglaro ng makaaksidente ka pa ulit ng iba." sabi ko sakanya haharap na ko tapos ng gamutin yung sugat ko mukhang nabayaran narin niya.

"Instead of saying thank you. Aawayin mo pa ko." sabi niya sabay tingin sakin. Yung expression ng face nagiba.

"Diba sabi ko ayokong makita yang pagmumuka mo!" naiinis niyang sabi sakin.

"Tinago ko naman yung mukha ko ahh. Tsaka diba sabi mo hindi ko ko aawayin." paawa effect ko sakanya.

"Hindi ako naawa sayo! Sino ba yung tanga na nagpapatugtog ng music sa gitna ng kalsada?" galit na patama niya sakin sabay hawak sa bewang niya.(panlalaki po)

"Sino rin ba yung tanga na naglalaro ng COC habang nagdadrive?" balik ko sakanya sabay tayo kahit masakit yung pwet ko.

"Thats not COC." pagdedeny niya sakin.

Sasagot na sana ako ng pigilan niya ko. Lumabas na siya ng ospital.

Hindi daw COC eh nakita ko ying Elixir Storage niya punong puno. Tinawagan ko si Troy papasundo ako.

=========
Dito na kaya magiistart ang love story nila????

Si Bestfriend TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon