Chapter 7

833K 25.1K 6.3K
                                    

Confirmation

Keila's point of view

Tahimik lang kami pareho no Dwayne habang papunta sa cafe. Pakiramdam ko pareho naming naiisip si Kean. Gusto kong magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko. Minsan napapatingin na lang ako sakanya. Hindi pa din siya nagbabago, ang gwapo pa din niya kahit naka side view lang siya.

Pagdating namin sa cafe, hindi muna ako bumaba ng kotse. Hinintay kong magsalita si Dwayne.

"Bored ka ba sa byahe? Sorry kung tahimik ako." Sambit niya. "May iniisip lang kasi ako." Gusto niyang ngumiti pero hindi niya magawa, ganon ang itsura niya ngayon.

"Ano naman 'yong iniisip mo?" Sumandal siya upuan at sinuklay niya ang buhok niya. "May problema ba?"

"Iniisip ko lang kung naapektuhan ka ba kagabi nang makita mo ulit si Kean." So, tama nga ako. Pareho kami ng iniisip. "Keila, alam ko na wala naman akong karapatan na itanong 'to sayo pero.." Humarap siya sakin at tinignan niya ako diretso sa mata ko. "Mahal mo pa ba si Kean?"

Nakatingin lang ako kay Dwayne. Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko alam kung ano bang isasagot ko sakanya.

Mahal ko pa nga ba si Kean?

"Ang totoo, hindi ko din alam kung mahal ko pa nga ba siya pero isa lang ang alam ko, hindi ko na dapat siya mahalin pa."

"Bakit?"

"Si Kean at si Dana na. Masaya na sila sa isa't isa kaya dapat maging masaya na lanh din ako para sakanila. Matagal na nga dapat akong nag move-on, eh." Umiwas ako ng tingin kay Dwayne. Ayokong makita niya sa mata ko na nalulungkot ako. "Anong oras na? Baka ma-late ka sa work mo."

"Oo nga, sige mauuna na ako. Mamaya na lang ulit." Ngumiti siya at ganon din ako. Bago ako bumaba ng kotse, hinawakan niya ang kamay ko. "Tawagan mo lang ako kung kailangan mo ng tulong." Natulala ako dahil sa mga tingin si Dwayne. Pakiramdam ko matutunaw ako sa mga tingin niya. "Bye, master babe."

"Bye, Dee. Ingat ka."

Sinalubong ako ni Alyanna ng nakakalokong ngiti. For sure dahil na naman 'yon kay Dwayne. "Good morning!" Masigla niyang bati sakin. "I see what you did there." Pati tingin niya sakin nakakaloko.

"What?" Patay malisya kong tanong.

"Kayo ni Dwayne ha. Getting closer to each other?" Punong puno ng malisya 'yong mga tingin niya. Tumawa na lang ako. "Alam mo kapag kasama mo si pogi, iba 'yang ngiti mo, eh." Ayaw niya talaga akong tigilan, eh noh?

"Aly, friends lang kami okay?"

"Naging kayo naman dati 'di ba? So hindi imposible na maging kayo ulit? Bagay kayo, eh." Hanggang sa counter kinukulit niya ako.

"Past is past." Sagot ko.

"Ayan ka na naman sa past is past mo, eh. Meron naman kasinh second chance na tinatawag." Natawa na lang ako. I'm not getting away from this. Persistent talaga siya sa pag push niya kay Dwayne sakin. Sinuhulan ba siya ni Dwayne? "Mukha namang mahal ka niya so bakit hindi mo siya bigyan ng chance?"

Mahal ako ni Dwayne? Oo sinabi niya 'yon pero hindi ko siya naiisip.

"Paano mo nasabing mahal niya ako?" Tanong ko. Nararamdaman ko naman siya pero gusto kong malaman paano nasabi ni Aly 'yon.

"Grabe kaya 'yong effort niya sayo. Hatid sundo ka palagi, nag invest pa siya dito tapos sa tuwing titignan ka niya alam mong head over heels siya sayo. Wag mong sabihin na hindi mo alam na mahal ka niya? Ano 'yang puso mo, pusong bato?"

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon