Chapter 42

577K 17.7K 6K
                                    

She's back

"Grabe Keila, sobrang dami mong hate comments," sambit ni Rave. "'Yong iba dito below the belt na, nakakainis."

Tumaas agad ang kilay ni Aly. Kinuha niya kay Rave ang cellphone niya. "Ang kapal ng mukha ng mga 'to! Hindi naman nila alam 'yong totoong storya! Re-replayan ko lahat ng 'to, eh!" Inis na inis siya na kulang na lang mag super sayan siya.

"Hayaan niyo na lang. Ayoko na lang magpaapekto sakanila." Sambit ko. "Mas madami pa akong problema na dapat isipin."

"Ano nang balak ni Kean?" Tanong ni Aly. Bakas pa din sa mukha niya ang pagkainis. "Dapat sabihin niya na sa lahat ang totoo para naman hindi na magalit sa'yo ang mga tao."

Sana nga ganon na lang kadali ang lahat. "Hindi pwede, makukulong si Kean dahil ma-violate niya ang kontrata sa Polaris."

"So, wala pala talagang takas." Sabay na sambit ni Rave at Aly. Pareho na lang din silang napabuntong hininga.

"Naku! Ang sarap i prito ni Krystal at ni.. sorry ah pero isasama ko na 'yang half-sister mo."

Naisip ko na naman si Dana. Hindi ko talaga akalain na magagawa niya lahat ng 'to sakin. Kahit papaano naman may pinagsamahan na kami. Gusto ko siyang intindihin pero nahihirapan talaga ako.

"Gusto ko sana ulit makausap si Dana, baka magkaayos pa kami."

Umagal agad si Rave sa sinabi ko. "Keila ako na ang nagsasabi sayo, mabibigo ka lang. Kapag galit si Dana, galit siya at wala na siyang papakinggan na iba kung hindi ang sarili niya at ang tao na sumasang-ayon sa galit niya."

"Si Krystal talaga ang may kasalanan nito eh! 'Yong babae na 'yon ang sarap bugbugin, eh. Kaso bakit ba kasama niya si Dwayne? Boyfriend pa daw niya? Hindi naman umangal si Dwayne. Nakakapagtaka talaga."

"Nangako kasi si Krystal sakanya na kapag sinunod niya lahat ng gusto niya, hindi ma itutuloy pa ang kontrata. Kaya pumapayag si Dwayne sa lahat ng gusto ni Krystal."

"Ano?!" Sabay pa silang nagtanong. Nanlilisik ang mata nila at mukhang handa na silang girehin si Krystal. "Baliw talaga 'yong babae na 'yon eh!" Galit na galit na sabi ni Aly.

"Sandali Keila nag text si Direk Toni, pumunta ka daw tayo don." Singit ni Rave. "Mag ta-taping ka pa daw."

"Paano si Dana?" Tanong ko.

"Hindi ko alam kay Direk pero ikaw ang pinapapunta, eh."

Ayoko na sanang pumunta, una dahil sa issue sa amin ni Dana at pangalawa dahil malinaw na sa akin na si Dana na ulit ang aarte sa character ni Gaile. Kaso, naging mabait sakin si Direk Toni at ayoko naman siyang ma-disappoint.

"Sige, pupunta tayo."

Hindi din payag sila Rave pero wala din naman silang nagawa. Tinawagan ko si Kean para ipaalam na pupunta kaming shooting. Pinigilan niya din ako pero huli na dahil nakaalis na kami. Hintayin ko daw siya duon.

Pagdating namin duon ay nakaayos na lahat. Sinalubong agad ako ni Direk Toni at niyakap. "Alam ko ang pinagdadaanan mo ngayon, Keila. Magpakatatag ka lang. Ikaw pa din ang gusto kong magpatuloy para kay Gaile."

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon