Chapter 37

580K 18K 4.3K
                                    

My sacrifice

Now playing: The fight is over - Urbandub


Minsan talaga may mga bagay tayong nagagawa para sa taong mahal natin. Ang problema nga lang, hindi maganda 'yong nagawa ko.

Gustuhin ko man na kausapin ulit si Keila, alam kong mabibigo lang ako. Galit siya sakin at dapat lang 'yon. Ang dami kong nagawang mali sakanya. Sigurado akong ayaw niya akong makita o makausap man lang. Hindi ko siya masisisi. Mas mabuting bigyan ko na lang muna siya ng panahon. Kailangan ko munang ayusin ang lahat ng sinira ko.

Bumaba ako sa kotse ko at nag doorbell sa gate nila. Nakatatlong pindot ako bago ako pagbuksan ng pinto ng kasambahay nila.

"Sir Dwayne, ano pong kailangan niyo?"

"Gusto ko sanang makausap si Kean."

"Sandali lang po," bumalik siya sa bahay at mukhang tinawag niya si Kean. "Sir, pasok po kayo!" Sigaw niya.

Pagpasok ko ay pinadiretso niya ako sa pool side. Nandon si Kean, nakaupo at nakatingin sa akin habang papalapit ako sakanya. "Anong kailangan mo?" tanong niya.

"Gusto kitang makausap." Sagot ko.

"Maupo ka," sambit niya. "Tungkol saan naman 'yan?"

Huminga muna ako ng malalim. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula pero naisip ko si Keila. Naisip ko lahat ng mga nagawa kong mali sakanilang sakanya at pati na din kay Kean. Alam kong huli na ang lahat pero hindi naman masama kung subukan ko pa din ayusin kung anong nasira ko.

"Naalala mo ba 'yong contract mo sa Polaris?"

Biglang nagsalubong ang kilay niya sa mga sinabi ko. "Oo, bakit anong meron don?"

"Ako 'yong nag-isip ng kontrata na 'yon, Lahat ng nakasulat duon, ako ang may gawa."

Napatayo siya sa kinakaupuan niya. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat at may halo pa itong galit. Lumapit siya sakin at hinawakan niya ang kwelyo ng damit ko. Nanlilisik ang mata niya sakin at hindi ko na naiwasan na matakot. "T*ngina, Dwayne bakit mo nagawa samin 'yon ha? Anong pumasok dyan sa utak mo ha?! Nagagalit ka sakin kasi nasaktan ko si Keila pero ikaw pala mismo ang dahilan kung bakit siya nasasaktan ngayon, anong klase ka ha?"

Hindi agad ako nakasagot. Nag hihintay ako ng suntok galling sakanya. Hinihintay ko na bugbugin niya ako pero hindi man lang lumapat sa mukha ko ang kamao niya.

"Gago ka, isa kang malaking gago, Dwayne."

Tinulak niya ako palayo, sa sobrang lakas ay napaupo ako sa sahig.

Nanginginig ang mga kamay ni Kean at halos maiyak-iyak na siya sa galit. Hindi ako makapagsalita.

Paano ko pa ba aayusin ang lahat ng ito?

"I'm sorry, Kean." ''Yan na lang ang tanging lumabas sa bibig ko. "I'm really sorry."

Pinagsusuntok niya ang pader na katabi niya. "Wala nang magagawa 'yang sorry mo Dwayne! Sira na ang lahat!" sigaw niya.

I know and I regret everthing.

"Nang dahil sayo nag hiwalay kami ni Keila, nang dahil sayo naging komplikado ang lahat! Sabihin mo nga, paano maayos ng sorry mo ang lahat ng nangyari samin?"

"Hindi ko alam kung paano pero gagawa ako ng paraan."

Alam kong gustong gusto na akong sapakin ni Kean pero nagpipigil lang siya sa hindi ko alam na dahilan. Kung tutuusin pwedeng pwede naman niya akong saktan ngayon hanggang sa mawala lahat ng galit niya, hindi naman din ako lalaban sakanya. I deserve all of that.

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon