Chapter 45

463K 17.1K 2.6K
                                    

Breach of contract

Ito na ang araw na sasabihin ko sa lahat ang katotohanan. Sa totoo lang mas kinakabahan pa ako sa magiging reaksyon ni Keila kaysa sa mangyayari sa akin. Tanggap ko na naman ang lahat. Handa na akong kaharapin ang kung ano mang mangyayari sa akin.

Hindi ko pa sinabi 'to kay Keila pero nag text na lang ako sakanya.

To: My Destiny
Keila, patawarin mo ako kung hindi ko sinabo 'to sa'yo. Sana maintindihan mo ako. Palagi mong tandaan na lahat ng ginagawa ko ay para sa'yo. Mahal na mahal kita.

Hinandan ko na ang sarili ko. Sinamahan ako nila Hiromi sa presscon. Hindi ko na pinasama si Carla dito dahil ayoko siyang madamay pa. Baka mawalan pa siya ng trabaho.

Ang daming press na nag punta.

Nagsimula na ako sa sasabihin ko.

"Nandito ako sa harapan niyo ngayon para sabihin ang katotohanan. Hindi totoong girlfriend ko si Dana. Isa lang 'yong palabas para sa love team namin. Alam niya 'yon at maayos ang pag-uusap namin. Si Keila talaga ang mahal ko, nuon pa man hanggang ngayon."

Biglang nag-ingay ang media. Kabi-kabila ang tanong nila sa akin. Lahat nagulat sa sinabi ko.

"Hindi ko agad nasabi ang totoo dahil may kontrata akong pinirmahan sa Polaris pero wala na akong pakialam. Wala akong pakialam kung ipakulong man nila ako ngayon basta nasabi ko ang totoo. Mahal na mahal ko si Keila at hindi ko hahayaan na mapahamak at masaktan siya. Kaya sa mga taong nagagalit sakanya, itigil niyo na 'yan dahil hindi niya deserve lahat ng galit na natatanggap niya ngayon. Wala kayong karapatan na saktan siya. Sakin na lang kayo magalit, wag na sakanya. Wala siyang kasalanan."

Ang dami na naman nilang tanong. May isang press na naglakas loob magtanong sa akin.

"Paano kung makulong ka nga, Kean? Ano nang mangyayari sayo? Paano na ang career mo?"

Naisip ko na ang lahat ng 'yan. Na-plano ko na din ang lahat.

"Starting today, I'll quit showbiz."

Mas lalo silang nag-ingay.

May panibagong press na nagtanong sa akin. "Gagawin mo ba ang lahat ng 'to para kay Keila?"

"Sa totoo lang si Keila talaga ang dahilan ko pero simula naman nuon, ang gusto ko lang ay ang mag banda. Ayoko naman talagang pumasok sa showbiz. Nagawa ko lang 'yon kailangan ko ng pera para ipagamot sa namayapa kong kapatid. Mas gusto ko nang tahimik na buhay kasama ang pamilya ko at kasama si Keila."

Madami pa silang tanong pero inihinto na namin ang press. Tama na siguro ang mga nasabi ko para maprotektahan ko si Keila.

Nag text sa akin si Keila para magkita kami sa luma naming bahay. Inaasahan ko na naman na gagawin niya 'to.

Bago ako pumunta don, tinext ko muna si Dwayne para itanong kung handa na ba ang lahat. Nang sabihin niyang oo, pumunta na ako kay Keila.

Pagbukas ko pa lang ng pinto, tumakbo na papunta sa akin si Keila at niyakap niya ako ng mahigpit. "Baliw ka ba?"

Bigla na lang siyang umiyak habang nakatingin sa akin. Sa totoo lang, ganito naman talaga ang inaasahan kong reaksyon niya. Mas malala nga lang ang naisip ko dahil akala ko pag hahamapasin niya pa ako dahil sa inis. Naisip ko lang ngayon na hindi niya ako magagawang saktan.

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon