Chapter 13

829K 24.8K 19.3K
                                    

Peace offering


"Anong ginagawa mo dito?" Umupo siya sa tabi ko at hanggang ngayon gulat na gulat pa din siya pero may mga ngiti sa labi niya. "Akala ko ba gusto mo nang lumayo ako?"

"Dwayne, kaya ko lang naman gustong lumayo ka sakin dahil ayaw kitang umasa at ayokong masaktan ka. Kanina nakausap ko si Jenelle at si Alyanna at duon ko na realized na naging hard ako sa'yo at sa sarili ko. Na realized ko na matagal na pala kitang nasasaktan lalo nang hindi kita binigyan ng chance." Tumingin ako diretso sa mata niya. Hanggang ngayon ang bilis pa din ng tibok ng puso ko. "Dwayne, I'm sorry. Pwede ba tayo ulit mag simula sa umpisa?"

"Pag-iisipan ko." Natigilan ako sa sagot niya. "Biro lang 'yon. Oo naman, ikaw lang naman ang hinihintay ko Keila."Inabot ko sakanya 'yong cake na ginawa namin. "Cake ba 'to?" tanong niya. Ang laki na ng ngiti sa labi niya. "Para saan 'to?"

"Blueberry cheesecake 'yan, ginawa namin ni Aly kanina. Peace offering ko 'yan sa'yo kaya sorry na ha? Bati na tayo?" nag mukha akong bata sa boses ko kaya siguro natawa din si Dwayne. "Wag mo nga akong pagtawanan!" hinampas ko siya sa braso niya.

"Ouch! Ang sakit ha! Gusto mo ba talagang mag bati tayo?"

"Sorry na nga, eh." nag pout pa ako para mas lalo siyang maawa sakin. "Peace na tayo, sige na."

"Tiningin mo ba tatanggihan kita?" Tumayo siya at inabot niya sakin 'yong kamay niya. "Tara, kainin natin 'to sa office ko." Tinulungan niya akong tumayo. Mukhang masayang masaya na siya ngayon. Well, masaya din akong makita siya na ganito, masaya lang. Ito naman talaga ang gusto ko dati pa, eh. Medyo ta-tanga tanga lang kasi ako at kung ano ano 'yong pinag-iisip ko.

"Hi Sir Dwayne! Friend niyo po?" tanong nung receptionist.

"She's my girlfriend." Tumawa lang si Dwayne at 'yong mukha ng mga receptionist para silang nabagsakan langit at lupa. May crush ba sila kay Dwayne? "Oh baka magalit ka sakin ah, nagbibiro lang naman ako."

"Last mo na yan ha!" sambit ko.

Sinara na ni Dwayne 'yong elevator pero bigla siyang bumukas at nakita namin si Krystal.

Napaatras pa siya ng makita niya kami pero pumasok din siya agad

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Napaatras pa siya ng makita niya kami pero pumasok din siya agad. Tinignan niya ako ng masama mula ulo hanggang paa. "What is she doing here?" mataray niyang tanong.

"She's my visitor," sagot ni Dwayne. "Is there something wrong about it?" Ang bossy ng boses ni Dwayne habang kausap niya si Krystal. Hindi na tuloy nakapagsalita si Krystal at kahit tumingin sa mata ni Dwayne hindi niya magawa. Natakot na ata siya pero kapag tumitingin siya sakin kulang na lang samplain niya ako. "Let's go to my office." sambit ni Dwayne.

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon