Chapter 36

547K 19.5K 8.2K
                                    

Realizations

Pinaikot ni Kean ang bote at tumapat ito sa akin. Nagkatinginan kami at sa sandaling iyon pakiramdam ko may mabigat siyang itatanong sa akin.

"Galit ka ba sakin, Dwayne?"

Napatingin ako kay Keila at ganon din siya. Hindi ko akalain na ganito ang mga itatanong niya. Isa pa, bakit niya pa kailangan itanong 'yon sa harapan ni Keila?

"Truth or dare?" Tanong niya.

"Truth," sagot ko. "Oo galit ako sayo. Galit ako sayo dahil sinaktan mo si Keila. Akala ko malinaw sayo ang lahat pero ayan nasabi ko na."

Hindi ko na siya pinagsalita pa at kinuha ko ang bote. Inikot ko agad iyon at tumapat naman siya kay Keila.

Nag-isip ako ng itatanong sakanya. Alam ng lahat na kami ni Keila, kahit pa si Kean iyon ang alam. Kaya kung tatanungin ko siya nito, sigurado akong ang sagot na gusto ko ang isasagot niya. Gusto kong sabihin niya iyon sa harapan mismo ni Kean habang nandito ako. Kahit duon man lang, makabawi ako.

"Keila, mahal mo pa ba si Kean?"

Natigilan siya at halos hindi siya makagalaw. Pareho kami ni Kean na nakatingin sakanya at naghihintay ng sagot niya. Sa sandaling iyon, pakiramdam ko mali ako.

"I'll take the dare para mas masaya tayo!"

Ngumiti siya sakin pero ako, umiiyak sa isip ko. Ganon ba kahirap sabihin na hindi na niya mahal si Kean? Sabagay, mahal pa nga pala niya si Kean.

Bakit ba kasi ang stupid ko?

"So, anong dare mo?" Tanong ni Kean. "Dwayne?"

"Kumanta ka na lang, Keila," sambit ko. "Kahit na anong kanta."

Tumango siya at sandaling nag isip ng kakantahin niya. Maya-maya ay kumanta siya Tadhana. Ang lamig ng boses niya na nagpapakalma sa akin. Kahit papaano nawala 'yong sakit na naramdaman ko.

"Ayan tapos na, ako naman ang iikot!"

Masaya niyang inikot ang bote. Sana sa akin na lang tumapat. San hindi kay Kean pero sakanya pa din talaga tumapat ang bote.

"Kean, may pag-asa pa bang magkaayos kayo ni Mommy Karen?"

Nakita ko agad ang inis sa mukha ni Kean. "Wala na."

Kinuha niya ang bote at agad itong pina-ikot. Tumapat ulit siya kay Keila. "Mahal mo ba talaga si Dwayne?" Tinanong niya iyon habang nakatingin sakin.

Isinara ko ang kamao ko dahil sa sobrang pagkainis. Bakit kailangan niya pang itanong 'yon? May gusto ba siyang mapatunayan? Gusto niya sigurong ipamukha pa sakin, sa harapan ko mismo na hindi ako ang mahal ni Keila.

"Oo, mahal ko si Dwayne."

Sagot ni Keila. Napangiti ako pero ang totoo sa isip at puso ko alam kong hindi iyon totoo. Halata naman, eh. Sana nga lang hindi 'yon makita ni Kean. Ayokong isipin niyang hindi ako mahal ni Keila. For sure maiisip niyang mahal pa din siya ni Keila. Ayokong bigyan ng chance si Kean kay Keila dahil alam ko na kayang kaya niyany ilayo sakin ang babaeng pinakamamahal ko.

Nagpatuloy kami sa pag-ikot ng bote hanggang sa umulan ng malakas. Pumasok agad kami sa kanya kanya naming tent. Buti na lang matibay ang tent na ginawa namin ni Keila.

Pagkatapos ng isang oras na pag-ulan, humupa na din ito. Lumabas si Keila ng tent para mag sindi ulit ng apoy. Lumabas din ako para samahan siya.

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon