Chapte 40

596K 19.7K 11.8K
                                    

Comeback

Hindi ko na hinintay ang reply ni Kean at agad akong nag drive papunta sa bahay nila. Tama si Dwayne at Papa, kailangan kong ipaglaban si Kean. Ang tanong na nga lang sa isip ko, babalik pa ba kami sa dati ni Kean?

Pagkadating ko sa bahay nila ay nag doorbell agad ako. Sumalubong sa akin si Tito Ken. "Keila, bakit napapunta ka dito?"

"Tito, kailangan ko pong makausap si Kean."

"Wala siya dito. Kung hindi ako nagkakamali, nanduon siya sa luma naming bahay."

"Ganon po ba, salamat po. Pupuntahan ko na po siya."

Tumango lang siya at ngumiti sa akin. Nag drive naman ako papunta sa lumang bahay nila Kean.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa kung akong sasabihin ni Kean sa akin. Paano kung hindi na bumalik ang lahat sa dati?

Binilisan ko ang pag mamaneho ko at wala pang thirty minutes ay nakarating na agad ako duon.

Bukas ang ilaw sa taas kaya agad akong umakyat duon at kumatok. "Kean! Ako 'to si Keila. Pwede ba tayong mag-usap?"

Pinagbuksan niya agad ako ng pintuan. "Anong ginagawa mo dito, Keila?"

"Pwede ba kitang makausap?"

Pinapasok niya ako. "Duon tayo sa loob ng bahay baka may makakita na naman satin dito." Tumango ako at sumunod sakanya sa loob. Hanggang ngayon kinakabahan pa din ako. "Upo ka, gusto mo ba ng tubig o kahit akong maiinom?"

Umiling ako. "Wag na, okay lang ako."

Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Hindi ko maiwasan na titigan ang mukha ni Kean.

Pakiramdam ko ang tagal ko na siyang hindi nakita

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Pakiramdam ko ang tagal ko na siyang hindi nakita. Pakiramdam ko ang tagal naming hindi nagkita. I'll admit, I miss him.. so much.

"May problema ba?" Tanong niya.

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang lahat. Pakiramdam ko malapit na akong maiyak.

"Keila? Ayos ka lang ba?"

"Sinabi na ba sayo ni Dwayne ang lahat? Ang tungkol sa contract mo?" Tanong ko. Kusa na lang iyon lumabas sa bibig ko.

Tumango siya. "Oo, sinabi na niya ang lahat sa akin. 'Yon ba ang pinunta mo dito?"

"Hindi," huminga ako ng malalim at naghanap ng lakas ng loob para sabihin sakanya ang gusto kong sabihin. "Naalala mo ba dati nung sinabi mong mahal mo pa ako? Ang tanging sinabi ko lang ay madami na ang nagbago at mas kailangan ako ni Dwayne."

"Oo naaalala ko 'yon. Anong meron sa mga sinabi mo na 'yon?"

"Kean madami na nga talaga ang nagbago pero ang totoo hindi pa din pala nagbabago ang nararamdaman ko sayo. Mahal pa din kita hanggang ngayon." Pareho lang kaming nakatingin sa isa't-isa. Hindi ko mabasa kung anong iniisip ni Kean. Natatakot ako na baka sabihin niyang hindi na pala niya ako mahal. Natatakot ako na nagbago na pala sakanya ang lahat.

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon