Chapter 25

664K 22.5K 12.3K
                                    

Just a kiss

Konting konti na lang at mailalapat na ni Kean ang labi niya sa labi ko. Dumoble ang kaba ko at halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko ito ang first kiss ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito.

Huminto si Kean dahilan para sumigaw si Direk ng, "Cut! Itigil niyo!" Hindi na niya kailangan ng microphone para marinig namin lahat ang boses niya. "What was that, Kean?!" Halata mo 'yong inis sa boses niya. "Pati ba naman ikaw may problema?"

Napabuntong hininga si Kean. Halatang naiinis siya. "Sorry, may pumasok lang sa isip ko. Take na tayo ulit." Tumingin siya sakin at ngumiti. May problema ba siya?

"Kissing scene, take two!" Sigaw ni Direk.

Natatakot akong magkamali dahil kay Direk. Pakiramdam ko kakainin ka niya ng buhay sa isang pagkakamali mo.

Inilapit ulit ni Kean ang mukha niya sa mukha ko. Inisip ko na lang na trabaho lang 'to at walang halong ano malisya.

Naglapat ang mga labi namin. Nakapikit lang ako pero sa totoo lang nanginginig ang buong katawan ko.

Ang hirap ng ganito.

Ang lalaking nasa harapan ko at humahalik sakin ngayon ay ang lalaking minahal ko ng sobra pero ngayon ay pinipilit kong kalimutan. Pwede ko na sigurong sabihin na malupit talaga sa akin si tadhana.

Ang alam ko sandali lang ang halik na 'to pero nagulat ako ng biglang hawakan ni Kean ang leeg ko at patuloy pa siyang nakahalik sakin. Hindi ako makagalaw o makaangal. Parte ba din ba talaga 'to ng script?

"Okay cut!" Sigaw ni Direk tska unti-unting inilayo ni Kean ang labi niya sa labi ko. "Very good Kean and Keila! Keep it up!"

Tuwang tuwa ako dahil hindi kami nagkamali pero naiisip ko pa din kung bakit tumagal ng ganon 'yong halik ni Kean sakin. Baka paranoid lang ako. Siguro ganon talaga sa pag-arte, hindi lahat kagayang kagaya sa script.

Pagkatapos ng ilan pang scenes, nag break ulit kami.

Binalikan ko si Dwayne sa pwesto niya. "Okay ka lang ba dyan? Hindi ka ba na bored?" Tanong ko.

"Pinapanuod naman kita, eh." Sagot niya pero parang may lungkot sa mata niya. "Ilang scenes pa ba ang kailangan niyong i-take?" Tanong niya.

"Isa na lang tapos pwede na daw umuwi." Sagot ko. "Napanuod mo ba 'yong kissing scene namin? Maayos ba 'yong pagka-arte ko?" Natigilan siya bigla at huli na ng ma realize ko mali palang tinanong ko pa 'yon.

"Sorry pero hindi ko kasi pinanuod 'yong part na 'yon. Masakit kasi sa mata, eh." Sinubukan niyang ngumiti pero may lungkot pa din sa mata niya. "Keila, magaling ka lalo na sa first timer kaya wag kang mag-alala."

"Salamat Dwayne."

Medyo nalungkot ako dahil kay Dwayne. Nasasaktan ko na naman siya ng hindi ko nalalaman. Hindi ko naman sinasadya ang mga 'to pero kahit gayon pa tingin ko may kasalanan pa din ako.

Nag text sakin si Mama at Cloud. Kinakamusta nila ako at tinatanong nila kung anong oras matatapos ang taping. Sinabi ko na lang na kasama ko si Dwayne para hindi na sila mag-alala. Isang take na lang naman at matatapos na 'to.

Tapos na ang break at mag ta-take na ulit kami. Sa huling scene, mag-papaalam muna si Kean sakin dahil aalis siya papuntang Singapore para mag work.

"Goodbye scene, take one!"

Hinila ako ni Kean palapit sakanya. Sobrang higpit ng pagkakayakap niya sakin. "Gaile, hintayin mo ako." Sambit niya. Ramdam na ramdam ko 'yong emosyon niya. "Kapag mayaman na ako, babalik ako. Babalikan kita at sa panahon na 'yon kayang kaya na kitang ipaglaban sa magulang mo. Gagawin ko ang lahat para mapakasalan ka kaya hintayin mo ako." Siningit niya 'yong mukha niya sa leeg ko.

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon