Chapter 27

664K 21.5K 12.9K
                                    

About time

"Congratulations," sambit niya habang papunta siya sa'kin. "Para sa'yo, sana magustuhan mo. Ako nag bake niyan." Sinubukan kong ngumit kahit na nalulungkot ako. Nasasaktan ako kapag nakikita kong ganito si Dwayne.

"Salamat, Dwayne. Kanina ka pa ba dyan?" Kinuha ko sakanya 'yong bulaklak at cake.

Iyonh mga ngiti ni Dwayne parang kutsilyong sumasaksak sa'kin. Alam kong pilit lang ang mga iyon dahil ang totoo, nasasaktan siya ngayon. Nasasaktan na naman siya dahil sakin.

"Kakadating ko lang din. Kakatapos ko lang sa presentation namin, eh. Sorry ah? Wala ako kanina." Pinilit na naman niyang ngumiti.

"Ayos lang 'yon, naiintindihan ko naman. Pasok ka muna sa loob, samahan mo akong kumain nito." Tumango siya at inalalayan niya akong pumasok sa loob at pagpasok namin sa loob naabutan namin na tulog si Mama sa sala. Siguro kakahintay sa'kin. "Dwayne, okay lang ba kung dalhin natin si Mama sa kwarto niya?"

"Sige, ako na ang bahala."

Binuhat ni Dwayne si Mama papunta sa taas. Nag iwan ako ng note sa tabi ni Mama para sabihin na nakauwi na ako in case na magising siya. Mukhang pagod siya kaya hindi ko na siya ginising pa.

"Pasensya na ah, pinagbuhat pa kita."

Tumawa siya na tila ba may naalala siyang isang bagay. "Hindi ba pasaway ako dati? Kaya si Mommy palaging nakakatulog sa sala kakahintay sakin umuwi, syempre ayoko naman siyang gisingin kaya iaakyat ko na lang siya sa kwarto nila ni Tatay."

"Ang sweet mo naman," pakiramdam ko bigla siyang namula sa sinabi ko. Ngumiti na lang ako at pinaghanda siya ng cake. "Close ba kayo ng Mommy mo?"

"Oo close kaming lahat sa isa't-isa. Mother's boy ako tapos si Jenelle, Tatay's girl." Hindi na ako nagtataka kung bakit. Dati naiingit ako sa pamilya nila dahil masaya sila at buo. Iyon ang mga panahon na hindi ko pa kilala si Papa. "Kayo close ba kayo ng Mama mo?"

"Oo close kami, siya na kasi 'yong tumayong nanay at tatay sa amin ni Cloud, eh." Kapag naaalala ko 'yong mga sakripisyo ni Mama para sa amin, minsan hindi ko maiwasan na maiyak. "Although, parang tatay na din ng pamilya si Cloud."

"Alam ko," singit niya. "Tuwing may gig kami nila Kean dati, palagi siyang mauunang umuwi kasi daw wala kayong kasama sa bahay at nag-aalala siya. Sabi ko nga sa sarili ko, kahit wala kayong tatay swerte pa din kayo kasi masaya kayo at matatag." Hindi ko napigilan maiyak sa sinabi ni Dwayne. Ganon pala talaga kami kahalaga kay Cloud. Ang swerte namin ni Mama dahil meron kaming isang katulad niya. "Keila, anong problema? May nasabi ba ako?" Alalang alala siya.

"Wala naman Dwayne, na touch lang ako kay Cloud." Pinunasan ko ang luha ko at kumain na lang ng cake. "Kamusta pala 'yong presentation niyo?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Maayos naman, natapos ko naman siya." Napabuntong hininga siya, kabaliktaran sa sinasabi niyang maayos lang ang lahat. "Sa totoo lang dapat last week pa kami tapos kaso may mga hindi naipasa si Krystal na ako na 'yong gumawa."

Kahit itago niya sa akin, halatang naiinis siya. Hinawakan ko na lang ang kamay niya nagbabakasakaling mawala 'yong inis na nararamdaman niya. "Ang sarap sarap mo sigurong maging team leader. Feeling ko wala na akong iintindihin na deadline dahil sayo." Ngumiti ako para i cheer siya. Hindi naman ako nabigo kasi napangiti ko nga siya.

Gumaan 'yong loob ko. Ang sarap makita na nakangiti siya. Naisip ko din na, mahalaga pala talaga sakin si Dwayne dahil ayoko siyang nakikitang nasasaktan. Kapag nakikita ko siyang masaya, sumasaya din ako.

"Ikaw talaga, binobola mo pa ako." Nag pout siya bigla kaya natawa ako. Para siyang bata na inagawan ng candy. "Hindi ka nga nag work sa amin, eh. Nagtatampo kaya ako kasi ang dami kong effort na ginawa para lang mapatunayan na pumasa ka sa interview."

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon