Chapter 10

875K 24K 12.1K
                                    

Basher


Usually si Mama ang gumigising sakin tuwing umaga pero ngayon nagising ako dahil sa tawag ni Aly.

Usually si Mama ang gumigising sakin tuwing umaga pero ngayon nagising ako dahil sa tawag ni Aly

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sinagot ko agad ang phone ko at hindi pa ako nakakapagsalita, nagsalita na agad siya at sa sobrang bilis ng mga sinabi niya wala akong naintindihan na kahit isa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Sinagot ko agad ang phone ko at hindi pa ako nakakapagsalita, nagsalita na agad siya at sa sobrang bilis ng mga sinabi niya wala akong naintindihan na kahit isa.

"Aly, calm down. Hindi ko maintindihan 'yong mga sinasabi mo. Ano bang problema?"

Huminga siya ng malalim. "Kei, nasa headline ka na ngayon! Kayong dalawa ni Kean!" Dahil sa gulat ko napaupo tuloy ako. Kaming dalawa ni Kean? At bakit kami magiging headline na dalawa?

"Anong pinagsasabi mo, Aly? Sigurado ka bang ako 'yan o baka naman 'yong kapatid ko 'yan?"

"Pangalan mo 'yong nakalagay dito sa newspaper. Babasahin ko ha, 'Penshoppe model, Keila Mendoza and Superstar Kean Marco was seen together last week. Are they getting back together? How about Kean's current girlfriend, Dana Mendoza? Ayan 'yong headline. Tapos may picture kayo ni Kean dito, ito 'yong gabi na kumain siya siya sa shop mo."

Biglang bumilis 'yong tibok ng puso ko. Akala ko ba nakabantay sila Hiromi sa amin ng gabing 'yon? Bakit may picture na kaming dalawa? Sinong kumuha nito?

"Nasan ka?" Tanong ko.

"Papunta na ako sa cafe. Magkita na lang tayo don, okay?" Ibababa ko na sana 'yong phone pero alam kong may gusto pang sabihin si Alyanna kaya hinintay ko siyang magsalita. "Keila, sorry kung ginising pa kita dahil dito. Nagulat lang naman ako dito sa news pero wag kang masyadong mag-alala. Wala lang naman 'to, eh. Okay?"

"I'm fine, Aly." Ang totoo hindi. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. Kung naging headline kami ni Kean, hindi lang 'yon basta basta. "See you later, bye."

Pagbaba ko ng phone ko, nag online agad ako. Nanlaki 'yong mata ko ng makita ko 'yong picture namin ni Kean sa cafe. Nakaupo kami pareho at magkaharap kami sa isa't isa pero mas nagulat ako dahil pati mga pictures namin dati nandito. Lahat ng pictures na binura ko na sa phone ko lahat nandito.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon