Chapter 12

863K 25.1K 14.6K
                                    

Going back

Habang nag di-drive ako papunta sa cafe, nakita ko 'yong kotse ni Dwayne sa likod ko. Tototohanin niya ata 'yong sinabi niya na babantayan niya ako, na hindi na niya hahayaan na masaktan ako ng fans. Mukhang seryoso talaga siya sa mga sinabi niya kagabi.

Napabuntong hininga na lang ako.

Ako 'yong nasasaktan at nahihirapan para kay Dwayne. Grabeng effort 'yong ginagawa niya para sakin. Ang problema kasi kahit ilang beses ko na siyang ipagtabuyan, bumabalik at bumabalik pa din siya.

Ayoko lang naman masaktan siya kaya ako umiiwas at kaya ko siya pinagtatabuyan. Gusto ko pa din naman siyang maging kaibigan pero sa tuwing magkakasama kami mas lalo siyang napapalapit sakin na hindi naman dapat kasi hindi ko pa kayang ibigay sakanya 'yong pagmamahal na binibigay niya sakin. He deserves someone else. 'Yong wala nang issues sa past relationship niya at 'yong kaya siyang mahalin ng buong buo.

Pagka-park ko sa tapat ng cafe, tumingin ako sa side mirror kung saan nakaparada ang kotse ni Dwayne. Hindi siya bumaba at mukhang wala siyang balak na lumabas ng kotse niya dahil hanggang ngayon nakasuot pa din ang seatbelt niya. Naghintay ako ilang minuto pero hindi pa din siya bumababa sa kotse niya. Baka wala naman talaga siyang balak na kausapin ako.

Bumaba ako sa kotse ko pagkatapos dumiretso na ako sa loob ng cafe. Tumingin ako sa labas at paalis na 'yong kotse ni Dwayne. Sinundan niya ako papunta dito pero hindi man lang niya ako kinausap? ang weird naman.

Pagpasok ko sa cafe, binati agad ako ni Alyanna. Masayang masaya siya ng makita niya ako. Umupo kami sa gilid ng counter. "How are you?" tanong niya.

"I'm good. Ayos lang ba kayo dito? Wala bang nangyari kahapon?"

"Okay naman kami at walang nangyari dito. Walang fans na pumunta dito para mangguol at kung meron man, humanda sila sakin. Black belter kaya ako." confident na confident pa siya habang sinasabi niya 'yon. Napangiti tuloy ako. "Makakatikim silang lahat sakin ng Karate made in Japan."

"So, hindi ko na pala kailangan kumuha ng security guard para sa cafe." pag-bibiro ko. "Sayo pa lang quota na silang lahat, eh."

"Wag ka nang kumuha noh, dagdag gastos lang 'yon. Kayang kaya ko na silang lahat." Seryoso talaga siya habang sinasabi niya 'yon. Sabagay, galing kasi siya sa pamilya ng mga Yakuza. "Bakit hindi man lang bumaba sa kotse niya si Pogi kanina? Anong problema non ha?"

"Paano mo nalaman? Kabisado mo 'yong kotse niya?"

"Friend, sa daming beses ka na niyang hinahatid sundo sa cafe hindi imposible na makabisado ko na 'yong kotse at plate number niya." tinarayan niya pa ako pero in a teasing way naman. "Nag-usap na ba ulit kayo?"

"Pinuntahan niya ako sa bahay kagabi."

Biglang kinilig si Alyanna. Buti na lang medyo sanay na ako sakanya. "Talaga friend? Oh my gosh! kinikilig talaga ako sa inyong dalawa. Ano naman 'yong sinabi niya at ano 'yong sinabi mo?"

"Ang sabi niya, hindi na daw niya hahayaan na masaktan pa ulit ako at kahit sa malayo lang, babantayan niya ako." napahawak si Aly sa magkabilang pisngi niya. Kilig na kilig siya at dinaig pa talaga niya ako.

"Grabe Keila, hindi ka ba kinilig don? Sobrang sweet ni Pogi! Bato na lang siguro ang hindi mai-in love sakanya."

Bato ba ako kasi hindi ako mai-in love ulit kay Dwayne?

"Nakakakilig naman talaga 'yong mga sinabi niya pero hindi ko alam kung bakit hindi ako kinilig, eh." Huminga na lang ako ng malalim. Kahit sarili ko hindi ko na maintindihan. "Hindi ko naman kasi pwedeng pilitin 'yong sarili ko kay Dwayne. Mas lalo ko lang siyang masasaktan."

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon