Chapter 44

534K 17.2K 7.5K
                                    

Forgive me

Kean's point of view


"Anong pag-uusapan natin, Kean?" Tanong ni Dwayne. "Anong meron kay Keila?"

Matagal ko na 'tong pinag-isipan. Alam kong magagalit sakin si Keila pero ito lang ang tanging paraan para maligtas ko siya sa lahat ng nangyayari ngayon.

"Pwede bang tignan mo muna siya para sa akin?" Sambit ko.

Sinamaan agad ako ng tingin ni Dwayne. "Anong ibig mong sabihin? Aalis ka ba? Saan ka pupunta?"

"Huminahon ka muna," mukha kasing naiinis na agad siya sakin. Alam kong kung ano ano na ang naiisip niya. "Balak ko nang sabihin sa lahat ang totoo. Alam ko kapag ginawa ko 'yon, kakasuhan agad ako ng Polaris at maari akong makulong o sabihin na natin na makukulong talaga ako dahil malinaw na sumuway ako sa kontrata. Sa oras na mangyari na 'yon, pwede bang bantayan mo muna si Keila habang wala ako?"

"Kabaliwan 'yang iniisip mo, Kean. Alam ba 'yan ni Keila?"

"Hindi at wala akong balak sabihin." Labag man sa loob ko na maglihim sakanya, wala akong magagawa. Alam kong hindi niya ako papagayagan sa gagawin ko pero hindi pwedeng hindi ko 'to gawin. "Kung nasa kalagayan kita ngayon, Dwayne. Maiintindihan mo din ako."

Natahimik siya. Siguro sinusubukan niya din akong intindihin. "Baka may iba pang paraan, Kean. Hindi mo kailangan magpakulong. Masasaktan si Keila sa gagawin mo."

"Kung may iba pang paraan, matagal ko na sana 'yon ginawa, Dwayne. Ito lang ang tanging paraan. Kaya kong mag sakripisyo para kay Keila. Mahal na mahal ko siya."

Napabuntong hinanga na lamang siya. Pumayag man siya o hindi, itutuloy ko pa din ang plano ko. Kailngan ko lang ng taong titingin kay Keila habang wala ako sa tabi niya at si Dwayne agad ang pumasok sa isip ko.

"Kahit naman hindi mo sabihin sakin ang mga 'yan, babantayan at babantayan ko pa din si Keila."

Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi ako nagkamali na lapitan siya. Sa totoo lang, wala naman akong galit kay Dwayne. Minsan nga nami-miss ko ang kung anong meron sa amin dati. 'Yong pagkakaibigan naming tatlo ni Cloud. Napaisip na lang ako bigla, mababalik pa kaya 'yon?

"Salamat sa lahat, Dwayne. Hindi mo talaga ako binigo kahit kailan."

Napatingin siya ng matagal sa akin. Bigla siyang nalungkot sa hindi ko malaman na dahilan. May nasabi ba akong masama?

"Anong problema, Dwayne?"

Umiwas siya ng tingin sa akin. "Hindi totoo ang sinabi mo, Kean. Madaming beses na kitang nabigo. Sinira ko kung ang pagkakaibigan natin."

Ngumiti ako sakanya. "Dwayne, mula nuon hanggang ngayon, tinuturing pa din kitang kaibigan. Siguro nabawasan lang dahil sa mga nangyari sa atin nuon pero kung tatanungin ako kung sino ang tinuturing kong matalik na kaibigan, ikaw at ikaw pa din ang sasabihin ko."

Napangiti siya na tila ba naiiyak siya. "Alam mo hindi ka pa din nagbabago. Naiinis ako dahil pagkatapos ng lahat ng nangyari, hindi ko pa din pala kayang talikuran ka."

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon