Chapter 47

575K 17.6K 7.2K
                                    

This is the last chapter. Thank you for reading until the end. Epilogue will be posted tomorrow!
--

My sacrifice

Keila's point of view

Napagod na din ako sa pagtakbo ko kaya huminto muna ako sandal sa gilid ng kalsada tska ako uminom ng tubig.

Nakatingin ako sa kabilang side ng kalsada kung nasaan ang park na punong puno ng mga bata. Ang sarap nila pagmasdan.

Kumunot ang noo ko ng may isang puting van ang humarang sa harapan ko.

Pagbukas ng pinto, may lalaking bumaril ng kung ano kay Ben kaya nakatulog ito. Sobrang bilis ng pangyayari kaya hindi agad ako nakapag-react sa mga nangayari. Naisakay nila ako sa loob ng van.

Nilagyan agad nila ako ng tali sa kamay at tape sa bibig ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Anong gagawin nila sakin? Bakit nila ako kini-kidnap? Sinong may pakana nito? Sobrang daming tanong sa isip ko.

Lahat lang 'yon nasagot ng lumingon siya sa amin mula sa driver's seat.

"Hi Keila," ang laki ng ngiti niya habang nakatingin siya diretso sa mata ko. "Did you miss me?" Halata mong nang-aasar pa siya.

Nakaramdam ako ng init sa pisngi ko. Dala ito ng matinding galit. Galit kay Krystal. After all this time, hindi pa din pala siya nagbabago. Masama pa din siya katulad ng dati.

Pasalamat siya at hindi ako makapagsalita.

"It's payback time, my dear Keila." Tumawa siya ng malakas. Para siyang mangkukulam kung tumawa. "Hintayin natin ang knight and shining armor mo. Sabay kayong mamamatay."

Tumawa ulit siya at mat kinausap sa phone. Kinabahan ako hindi lang para sa sarili ko kung hindi para na din kay Kean.

Ano kayang gagawin ni Krystal?

Medyo malayo 'yong naging byahe namin. Hindi ko alam kung nasaan ako pero may nakita akong dagat. Tatlong malalaking lalaki ang kasama namin. Tinignan ko si Ben sa gilid ko at hanggang ngayon wala pa din siyang malay kaya hindi ko mapigilan na mag-alala. Mukhang pampatulog ang binigay sakanya. Buti na lang, hindi siya pinatay ni Krystal kanina.

"Nandito na tayo." Sambit ni Krystal. "Boys, ibaba niyo na 'yan."

Hinila nila ako palabas. May nakita akong rest house sa tabing dagat. Duon ata nila kami dadalhin ni Ben.

Sa totoo lang, hindi ako sigurado kung kaya na ba talagang pumatay ni Krystal pero ganon pa man, kinakabahan pa din ako. Matindi talaga ang galit niya sakin kaya kahit ilang buwan na ang lumipas ay galit pa din siya sakin. Hindi ko alam kung anong nagawa ko sakanyang kasalanan para magalit siya ng ganito sakin.

"Tinawagan ko na si Kean, papunta na siya dito. Sabi ko sakanya, kapag nakita ng isa sa mga boys ko ba may dumadating na pulis. Babaralin agad kita sa ulo mo. Isa pa, may snipers akong nakakalat kaya hindi kayo makakaligtas. Okay ba?"

Tumawa ulit siya.

Lumapit siya sakin at hinila niya ang buhok ko. "Akala mo ba magiging happy ending ka na ha? Hindi ba sabi ko naman sayo, hanggat buhay pa ako, hindi ka magiging masaya?"

Tumawa ulit siya at mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahila sa buhok ko. Napaluha na lang ako dahil sa sakit ng ginagawa niya.

"Hintayin na lang natin si Kean at kumpleto na ang plano ko."

Alam ko naman na hindi ako papabayaan ni Kean. Alam ko naman na pupunta siya pero kung pwede lang sana wag na. Hindi ko alam kung paano ako makakatakas dito pero kapag nandito siya mas lalo lang akong mag-aalala.

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon