One

89 3 0
                                    

ONE

Babe 

calling.....

"Hello?" Nakangiti kong sabi.

Nandito ako sa London ngayon at sinagot ko ang tawag ng boyfriend ko na nasa Pilipinas naman.

"Kelan ka ba uuwe?" Tanong niya.

Ang lambing ng voice niya kaya lalo ko siyang nami- miss. Miss na rin kaya niya ako?

"Babe tatawagan na nga sana kita eh, naunahan mo lang ako. Okay na si Daddy. I was about to tell you na uuwi na ako bukas." Paliwanag ko.

"Talaga?" Sabi niya ng may paglalambing.

Hindi man masyadong excited ang tono ng pagkakasabi niya pero sh*t ang sexy ng boses niya!

"Yup and ikaw ang susundo saken sa airport ha." Sabi ko.

Napapangiti ako kasi ang sarap pakinggan ng boses niya. Miss ko na talaga siya.

"Ofcourse babe, you don't know how I'm really missing you." Sabi niya.

Yehey miss niya rin ako!

"Totoo? Baka naman nawala lang ako ng ilang araw, kung sinu- sino na namang babae ang nai- issue sa'yo?" Sabi ko.

"Gwapo boyfriend mo eh." Sabi niya ng nakakaloko.

Gwapo talaga siya. Sobrang gwapo. Lalaking- lalaki at talagang malakas ang appeal. And I'm his girlfriend!

"W- what?! So ibigsabi-" Sabi ko pero hindi niya na ako pinatapos.

Eh kasi parang sinasabi niyang may babae nga siya.

"Relax, just kidding... Kung meron man wala 'yun, normal lang." Sabi niya. 

Aba't talagang mapang- asar!

"Terrence! Nakakainis ka! Hindi na nga lang ako uuwe." Pagtatampo ko.

Kahit alam kong 'di naman mawawala ang mga ganung issue, syempre ayoko pa rin ng ganung issue. Ang ma- link siya sa ibang babae. Sikat kasi siya. Star player siya ng basketball.

"Kaya mo?" Tanong niya.

Tinatanong ako kung kaya ko ba daw na hindi umuwe. Kaya ko nga ba? Buset na lalaking ito parang lagay na lagay ang loob na hindi ko nga kaya.

"Syempre ganda kong 'to. Madaming mas gwapo sa'yo dito." Pagyayabang ko.

Haha parang mali yata ang nasabi ko, lagot ako.. Aba.. Siya kasi ang nagsimula. Pero ang totoo nagbibiro lang naman ako. Syempre loyal ako sa kanya.

"Okay.." Sabi niya at 'di na nagsalita pa, pero nasa kabilang linya pa rin..

I smell something pagtatampo. Parang bata. Pero ang sweet. Hehe ano kayang sweet doon?

"Joke lang, ikaw kasi...." Maya- maya'y sabi ko.

Binawi ko na.. Haha iba kasing  magtampo 'to, atsaka to be honest wala na talagang ga- gwapo pa sa kanya! Haha.

"Okay, sabi mo eh.." Mahina niyang sabi.

Pero parang ayaw maniwalang nagbibiro lang ako?

"Babe naman!" Naiinis kong sabi.

Kapag kasi siya ang mang- iinis okay lang? Galing niya rin noh!

"Okay, okay, I can't wait to see you matulog ka na.. Late na diyan. I love you babe." Malambing niyang sabi.

Napangiti naman ako.

"Okay I love you too po.. Bye." Sabi ko. 

4 seconds wala pa rin nagbababa.

"Ibaba mo na." Tukoy niya sa cellphone.

"Ikaw na mauna." Sabi ko.

"Huwag ng matigas ang ulo." Sabi niya.

"Fine." Sabi ko at ibinaba ko na.

Haay.... Kaysarap ng may minamahal... Ang daigdig mo ay puno ng kulay....

HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon