TWO
Ako si Izabel Odrich. Nandito ako ngayon sa London, inatake daw si Daddy pero okay na siya ngayon.
Dito nag- i- stay ang parents ko pati 'yung bunso kong kapatid na babae. Dalawa lang kaming magkapatid.
Seven years old ako at three naman 'yung bunso namin nung lumipat kami dito sa London.
Dumami na kasi 'yung investments ni Daddy but when Lolo died, I was 13 years old that time.They decided na sa Pilipinas ko na ipag- patuloy ang pag- aaral ko kasama si Lola, ayaw kasing tumira ni Lola dito sa London. Okay lang sakin, gusto ko rin naman para hindi siya malungkot.
Parents sila ni Mommy, wala na kaming grandparents sa father side.
Occasionally, umuuwi ang family ko sa Philippines. Kapag naman nandito sila sa London madalas naman kaming nagcha- chat.
Nine years na ako sa Pilipinas. Registered nurse na ako pero mas gusto kong alagaan muna si Lola.
And now, okay na naman si Daddy, nandito si Mommy at ang kapatid ko. Kahit matagal ko na silang 'di nakakasama open pa rin naman ako sa kanila, alam nilang may boyfriend na ako.
A week ago kasi, tumawag si Mommy at inatake nga daw si Daddy, syempre I was worried that time. Hindi ko na isinama si Lola kasi may edad na atsaka may kasama naman siya sa bahay kaya lagay ang loob namin dahil may magbabantay sa kanya. Nandun kasi si Nanay Pacing ang matagal na niyang kasambahay.
Hindi naman gaano kalala 'yung nangyari kay Daddy, gusto ko lang talagang pumunta. Gusto kong ako mismo ang makakita na okay na talaga si Daddy.
Isang linggo na ako dito sa London. Okay na si Daddy kaya babalik na ako sa Pinas bukas at dahil miss ko na rin si Lola at syempre si Terrence Madrigal.
.........
"Mom, Dad, Coleen.. Aalis na ako. Mag- iingat kayo.... Coleen, huwag pasaway ha, mag- aral ng mabuti."
Paalam ko sa kanila.
Nasa airpot kami.
"Ikaw ang mag- ingat. Ang Lola mo huwag mong pababayaan.." Sabi ni Mommy.
"Ofcourse, you have nothing to worry." Sabi ko.
"Ate I want to meet Kuya Terrence." Sabi ni Coleen.
Sinabi ko kasi na si Terrence ang susundo sakin. Ikinuwento ko sa kanila na may boyfriend na ako. My first boyfriend.
"Okay pag- punta niyong Pinas." Sabi ko.
"Kayo pa kaya Ate?" Tanong ng kapatid ko.
Aba't pasaway talaga 'tong kapatid kong ito.
"Coleen.." Saway ni Mommy.
"Eh kasi Mom matagal pa balik natin sa Philippines di ba." Sabi ng kapatid ko.
Sabagay may point siya. Pero ayokong isipin ang future. Masaya ako kung anong meron ako ngayon.
"It's okay Mom. I have to go, bye. Mwah." Sabi ko.
Nag- paalam na ako sa parents ko at sa kapatid ko.
Internet na ulit ang mag- lalapit samin.
Napaisip ako bigla sa tinanong ng kapatid ko.. Kami pa kaya? Hindi ko kasi iniisip na mag- hihiwalay pa kami ni Terrence... Tsk... Bahala na basta ang alam ko nagmamahalan kame.
.........
PHILIPPINES
Natatanaw ko na siya.. Ang gwapo talaga niya.. Naka- shades... Nakaka- tulo ng laway.. Ako ba talaga ang girlfriend nito. Haha. Saka ko lang napansin na nasa harapan ko na siya.
"Did you miss me?" Sabi niya sabay pisil sa braso ko.
Buti na lang naka- shades din ako at hindi niya napansin ang pagtitig ko sa kanya ng bonggang- bongga. Itinaas niya ang shades ko pagkatapos niyang tanggalin ang kanya.
Hinalikan niya ako sa lips. Smack lang.
"Hey! Alam kong gwapo ako..." Sabay pisil sa baba ko.
"I just missed you." Sabay ngiti, napatulala kasi ako.
"Let's go?" Sabi niya.
Kinuha na niya 'yung mga gamit ko hanggang sa makasakay na kami sa kotse niya...
"Balita ko madami kang naka- date sa London?" Sabi niya.
"W- what!?" Nabigla ako.
Tapos nakita ko siyang naka- ngiti. Mang- aasar na naman ba ang mokong na 'to.
"Alam ko na maganda ako at marami talagang nagtangkang makipag- date sakin dun." Patuloy ko, sinusubukan niya ako ha..
"Ah ganun pala." Sabi niya na tinotopak na naman.
Hay Terrence Madrigal ang gulo mo! Ang gulo niyong mga lalaki kayo...
"Pero lahat sila tinanggihan ko kasi LOYAL akong girlfriend." Diniinan ko talaga 'yung loyal..
Napangiti siya..
"I trust you." Sabay pisil sa kamay ko.
'Yun naman pala eh, ang dame pang arte, makapag- simula lang ng argument. Sabi ko sa isip ko.
Bumaba muna kami sa isang restaurant para mag- lunch. Pagpasok namin, ang daming nakatingin samin. Para kaming mga artista. Mukha naman talaga ehh.. Haha pero mas madaming babaeng nakatingin kay Terrence. Oo nga pala, sikat nga pala siya. Nakakainis.
"Ang gwapo talaga niya.. Sino kaya 'yung girl? Ang ganda, bagay sila."
"Hindi sila bagay, akin lang si Terrence."
"Ayyy nakakainggit.."
'Yan ang mga naririnig ko. My gosh nag- bulungan pa, rinig ko naman. Nananadya lang.. I don't care basta akin si Terrence.. I'm his girlfriend! Bwahahaha.
BINABASA MO ANG
HIS GIRLFRIEND
RomanceSi Izabel Odrich ay boyfriend ng isang sikat na basketball player na si Terrence Madrigal. First love ni Izabel si Terrence Madrigal. Mahal nila ang isa't isa pero may mga pagsubok na magpapatunay kung hanggang saan ang pagmamahal na iyon. Masarap m...