TEN
Si Lola, nung makaalis si Terrence ilang oras na ang nakalipas, tumingin na ng tumingin sa akin. Ewan ko ba. Hinayaan ko na lang. Para kasing naninibago sakin.
"Sis!" Bungad ni Clariz sa pintuan.
"Uy! Halika may sasabihin ako sa'yo." Sabi ko.
"Ano?" Tanong niya.
"Gusto mo bang sumama bukas?" Tanong ko.
"Saan naman?" Tanong niya.
"Sa beach." Sabi ko.
"Sa beach? Ano'ng meron? Bakit?" Tanong niya.
Ang dami namang tanong nito. Paano ko ba sasabihin.
"Si... Terrence kasi nagyayaya." Sabi ko.
"Talaga???!" Sabi niya at napatitig ako sa kanya kasi ang lakas ng boses.
"Huy ano ka ba ang ingay mo." Sabi ko na lang.
"Sorry. Hindi ba alam ni Lola?" Tanong niya.
"Syempre alam. Kasi naman grabe ka makasigaw diyan." Sabi ko.
"Eh ganun talaga. Si Terrence 'yun. Bakit hindi ka ba kinikilig kapag nakikita mo siya?" Tanong niya.
Syempre kinikilig. Crush ko eh. Kaso hindi naman ako katulad ng isang ito. Tago lang ang 'pagka- crush ko kay Terrence.
"Magkaiba tayo Clariz." Sabi ko na lang.
"So hindi mo type si Terrence?" Tanong niya.
Ano bang sasabihin ko?
"Hindi naman sa ganun, gwapo naman talaga si Terrence." Sabi ko.
"So type mo siya?" Tanong niya.
"Bakit ka ba tanung ng tanong. I'm sure ikaw ang may type sa kanya. Halika na, dito ka na kumain." Sabi ko na lang at sana tumigil na siya sa katatanong.
"Obvious ba?" Sabi niya.
"Ayy hindi..." Biro ko sa kanya at buti na lang sumunod na siya sa akin.
"Tingin ko ikaw ang type nun." Sabi ni Clariz. Aba't may pahabol pa ang luka.
"Ano ka ba sari- sari ka na. Gutom lang 'yan." Sabi ko.
Type nga kaya ako ni Terrence? I wanna know. Kailangan ko ng katibayan. Haha.
Nakasakay na ako ngayon sa kotse ni Terrence papuntang beach. Tama, ako lang. Nakakainis kasi si Clariz tumawag, red alert daw. Wrong timing. Meron siya ngayon. Huhu. Pero inis na inis din siya kasi sayang daw. Sabi ko sumama pa rin. Ayaw niya baka daw mainggit lang siya samin. Luka talaga. Baka nga ma- out of place siya kasi baka lahat nagsi- swimming tapos siya alone, sabagay.
Ako? Hindi kaya ako ma- out of place? Well atleast makakapag- swimming din naman ako, okay lang, 'di naman ako pababayaan ni Terrence. Haha.
Sabi ko na lang kay Terrence may biglang nagpa- luwas kay Clariz kaya hindi nakasama.
"Nasaan na 'yung mga kasama mo?" Tanong ko.
"Umuna na sila. Alam nilang may dadaanan pa ako." Sabi niya.
Tahimik lang kami bumiyahe. Malapit lang naman.
Natatanaw ko na ang dagat.
Wow. Parang ngayon lang ako lumabas sa lungga ko. Ang sarap ng feeling. Ang ganda ng tanawin.
BINABASA MO ANG
HIS GIRLFRIEND
RomantikSi Izabel Odrich ay boyfriend ng isang sikat na basketball player na si Terrence Madrigal. First love ni Izabel si Terrence Madrigal. Mahal nila ang isa't isa pero may mga pagsubok na magpapatunay kung hanggang saan ang pagmamahal na iyon. Masarap m...