Twelve

52 3 0
                                    

TWELVE

He likes me? Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Bumibilis ang tibok ng dibdib ko. Napatingin ako sa kanya. Mata sa mata.  

"Do you like me too?" Tanong niya nung hindi pa ako makapagsalita.

Hindi ako makasagot agad. Hindi ko kasi ine- expect na mangyayari 'to.

"Gusto mo rin ba ako Izabel?" Ulit ni Terrence.

"Y- yes." Sagot ko medyo garalgal.

Ngumiti si Terrence.

"Pero naguguluhan pa ako." Sabi ko.

"Naiintindihan kita. Hindi kita minamadali." Sabi niya.

Ngumiti na lang ako. After that conversation, we decided to get inside our room para makatulog na.

Nakahiga na ako sa kama ko at ganun din si Terrence sa kama niya.

Nakatagilid ako patalikod sa kanya. Patay 'yung ilaw, hindi kasi ako makatulog ng buhay ang ilaw.

Pero bakit hindi pa rin ako makatulog? Huhu. Naramdaman ko na lang na nag- vibrate 'yung cellphone ko at umilaw.

"Hindi ako makatulog." Basa ko sa text.

Si Terrence ang nag- text. Bakit naman kaya?

Napangiti ako. Re- reply- an ko. Haha nasa iisang kuwarto lang naman kami.

"Wala bang tama 'yung ininom niyo kanina?" Reply ko.

Kasi dapat antukin agad siya sa dami ng nainom nila.

Umilaw ulit 'yung cellphone ko.

"Sa'yo ako nagka- tama eh." Reply niya.

Ang totoo. Kinikilig ako. Hihi.

"Huwag kang ganyan, baka mahulog na ako sa'yo." Reply ko.

Ang landi ko ba? Hehe.

"Huwag ka mahuhulog sa akin. Hindi kita masasalo." Reply niya.

Na- dissapoint naman ako sa reply niya. Ganun? Ano ako paaasahin lang niya?

"Ah ganun." Reply ko.

"Hindi na kita masasalo kasi nauna na akong mahulog sa'yo." Reply niya.

Boom panes! Haha. Ganun naman pala. Hindi ko mapigil tumawa. Narinig yata niya ako. I forgot, nasa iisang kuwarto nga lang pala kami.

"Bakit ka tumatawa?" Text niya.

"Ang korni mo kasi!" Reply ko pero deep inside, kilig na kilig ako! Hahaha

Lumingon ako sa kanya. Kahit hindi ko siya masyado makita kasi nga patay ang ilaw.

Pero napansin kong nagtakip siya ng unan sa mukha. Nabasa na niya siguro ang reply ko. Haha napahiya dahil sabi ko ang korni? Pero kinikilig naman talaga ako eh. Hehe.

"Matulog ka na." Text ni Terrence.

"Okay nyt." Reply ko.

Napapangiti pa rin ako.

Inihatid ako ni Terrence kinabukasan sa bahay. Sumama siya sa akin sa loob para magpa- salamat kay Lola. Pagkatapos nun, lumuwas na siya ng Maynila.

.........

Mahigit isang buwan na ang nakaraan simula nung mag- beach kami. Mga tatlong beses sa isang linggo siya pumupunta dito sa bahay. Laging may dalang bulaklak at chocolates. Nagpaalam siya kay Lola na manliligaw sa akin. Pumayag naman si Lola. Parang tuwang- tuwa pa.  

HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon