EIGHT
TERRENCE MADRIGAL'S POV
Nandito ako ngayon sa condo ko. Galing ako sa practice ng basketball. May nalalapit kasi kaming laro.
Nakahiga ako ngayon sa kama ko. Bigla kong naalala 'yung mga napag- usapan namin sa text ni Izabel kagabi.
Simula nung makita ko siya sa mall, may napansin na akong kakaiba. Ang inosente niyang tingnan. Hindi ko alam kung alam niyang kakaiba siya. Madami na akong magagandang babae na nakilala pero kakaiba talaga itong isa.
Nung mapansin ko 'yung kasama niyang matanda na nahulugan ng baston, lumapit agad ako para iabot 'yun pero sabay pala kami nung babae ng ginawa. Akala ko maganda lang siya pero mas lalo pala 'pag natitigan sa malapitan. Hindi ko maiwasang mapangiti. At ngumiti rin siya.
Hindi ko alam kung anong naisip ko noon at sinundan ko sila. Nakita kong pumasok sila sa isang fast food chain. Nung matapos silang um- order saka pa lamang ako pumasok at um- order din. Sakto wala ng mga bakanteng upuan kung hindi 'yung sa tabi nila. Hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon.
Nakatingin 'yung matandang kasama nung babae kaya lumapit na ako at nakiusap ako kung puwedeng tumabi sa kanila. Pumayag naman. Nagpaalam ako sa babae kung puwede dun sa tabi niya at pumayag din naman.
Nagpakilala ako kay Lola kaso 'yung katabi ko busy sa pagte- text, napansin naman ni Lola kaya tinawag niya. Nagpakilala ulit ako.
Izabel ang pangalan niya. Nung malaman ko na magko- commute sila, nakiusap ako na ihahatid ko na sila. Ewan ko ba, parang gusto ko pang kilalanin 'yung babae kaso parang mailap hindi katulad nung iba na sila na mismo ang nagpa- pakilala sakin. Atsaka kung popormahan ko agad, baka mahampas ako ng baston ni Lola. Hehe.
Nung makarating kami sa kotse ko sinabi ni Lola sa apo niya na tumabi na daw sa akin si Izabel. Kahit naman 'di sabihin ni Lola, ako naman ang magsasabi nun.
Tinuturo niya sakin 'yung daan papunta sa kanilang bahay. Nang makarating kami, nakiusap pa si Lola na pumasok ako kaso tumanggi na ako atsaka nakita ko ang reaksyon ni Izabel na parang nagulat. Ngayon lang yata may nailang na babae sa akin. Sabi naman ni Lola sa susunod na yayain daw ako sana um- oo na ako. Naisip ko paano 'yun mangyayare? Kaya naman dinukot ko sa wallet ko 'yung calling card ko.
"Pare! Panay ang tingin mo sa cellphone ah." Sabi nung ka- team ko.
Naka- break kami ngayon sa practice. Ilang linggo na buhat nung ibinigay ko ang contact number ko kaso wala pa sa kanilang tumatawag o kahit text.
"Siguro nabitin ka kagabi kaya hintay ka ng hintay sa text." Sabi niya.
"Sira ulo." Sabi ko na lang.
Hindi ko kasi ugaling maghintay ng text o tawag kaya napansin ako ng ka- team ko. Sira ulo. Ako magpapa- bitin? Si Terrence Madrigal 'to.
Nasa condo ako noon nang biglang mag- ring ang cellphone ko. Hindi naka- register.
Sinagot ko at nalaman kong si Lola Consuela ang tumatawag. Ang tagal kong hinintay ang anyaya nila at eto na 'to. Sa sabado daw. Magkikita na ulit kami.
Lunch daw. Siguro mga alas dose ako pupunta. Mga alas diyes ako aalis dito sa Maynila.
....
Tinawagan ko 'yung number at napansin kong ibang boses ng babae pero may kutob na akong si Izabel 'yun. Tinanong kung sino daw ako? Ayos 'yun ah. Sinagot ko na lang ang tanong niya at ipinakausap na niya ako kay Lola Consuela.
Nalaman ko na kay Izabel 'yung number na ginamit niya. Sinabi ko na papunta na ako.
Pagkarating ko sa tapat ng gate ng bahay nila, tinanong nung security guard ang pangalan ko atsaka ako pinag- buksan ng gate para maipasok ko 'yung sasakyan. Siguro inaasahan na talaga nung guard na may Terrence na darating. Malaki ang bahay nila.
Pagbaba ko ng kotse, nakita agad ako nung maid. Pumasok sa loob ang maid atsaka lumabas ulit bago ako pinapasok. Siguroy sinabi sa loob na nandito na ako.
Pagpasok ko ng pinto, nakita ko na nakaupo ang mag- Lola sa sofa. Binati ako ni Lola para maupo at ngumiti naman si Izabel. Bago ako umupo iniabot ko 'yung bitbit kong cake.
Nagpaalam saglit si Lola para pumuntang kusina pero pinigil siya ni Izabel. Ewan ko ba parang gusto lang umiwas ni Izabel sakin. Nahihiya ba siya? Pero hindi naman siya nanalo kay Lola. No choice siya kung hindi ang pakisamahan ako.
Buti naman at kinausap na niya ako. May tinanong siya hanggang sa nagka- kuwentuhan na kami.
May napansin akong babaeng iniluwa ng pinto at tumawag sa pangalan ni Izabel.
Kaibigan siguro 'to ni Izabel. Pinakilala niya ako dito at nalaman ko namang kilala na ako nung Clariz daw. Hindi na ako magtataka, sikat ako eh.
Nang makakain kami, bumalik na kami sa sala para mag- kwentu- han ulit. Tahimik lang si Izabel samantalang 'yung kaibigan niya, tumanung na ng tumanong. Kung kelan daw ulit ang laro, kung may girlfriend daw ako ngayon. Wala akong girlfriend ngayon, friends meron with benefits pa. Sa isip ko. Hehe.
Tinitingnan ko lang si Izabel at napapansin kong nakikingiti lang siya. Sumasagot lang kapag tinatanong. Si Lola naman panay ang pasasalamat sa akin at nakapunta daw ako kahit malayo. Hanggang sa maalala ko nga pala na may practice pa kami mamaya kaya nagpaalam na ako.
Hinatid nila ako sa labas. 'Yung kaibigan ni Izabel halatang crush ako pero bakit si Izabel ang hirap basahin.
...
Hindi ako makatulog. Sumasagi sa isip ko si Izabel. Ngayon lang nangyari 'to sakin. Ano bang meron ka. Bigla ko na lang naisip na i- text siya.
Nagka- text kami pero 'yung iba kong tanong 'di niya sinasagot. Hanggang sa nalaman kong hindi pa siya nagkaka- boyfriend. Nagulat ako syempre.
"Wag ka munang magbo- boyfriend."
Hindi ko maitindihan ang sarili ko kung bakit ko nasabi 'yun. Bahala na. Isa lang ang sigurado ako, gusto ko siya.
BINABASA MO ANG
HIS GIRLFRIEND
RomansSi Izabel Odrich ay boyfriend ng isang sikat na basketball player na si Terrence Madrigal. First love ni Izabel si Terrence Madrigal. Mahal nila ang isa't isa pero may mga pagsubok na magpapatunay kung hanggang saan ang pagmamahal na iyon. Masarap m...