FOUR
ANG NAKARAAN
Ipinapasyal ko si Lola sa mall. Malapit lang naman kasi sa bahay. Nagpahatid lang kami sa driver, tapos magpapasundo na lang pagkatapos naming mamasyal.
Naglalakad kami nang biglang mabitawan ni Lola 'yung baston niya. Actually, kahit 'di na siya mag- baston ayos lang naman kaso mas nakakatulong 'pag meron siyang dalang baston.
Yumuko ako pero hindi ko napansin na may kasabay pala ako sa pagyuko. Sabay kaming tumayo habang hawak ang baston.
"Eherm." Tumikhim si Lola. Masyado yata kami nakapagtitigan nung lalake.
"Thanks." Sabi ko na lang sa lalake.
"Salamat iho." Sabi ni Lola.
"Walang anuman po, sige po." Sabi niya at biglang sumulyap sakin at ngumiti hudyat ng pagpa- paalam.
Ngumiti na lang din ako at saka kami nag- patuloy sa paglalakad.
"Magandang lalake noh?" Sabi ni Lola.
"Lola....." Sabi ko.
"Bagay kayo." Hirit pa ni Lola. Parang namula yata ako.
"Hay naku Lola tara na nga po kumain." Sabi ko na lang.
Nag- punta kami sa isang fast food chain. Umorder na ako.
Nagsisimula na kaming kumain. Sa pang- apatan kami umupo ni Lola kasi wala ng bakante kung hindi iyon.
Nakita ko si Lola na may tinitingnan. Napatingin ako sa likod ko, 'yung lalaki kanina, papalapit dito at may hawak na tray ng pagkain. Magkasalubong lang kami kanina ah, bakit dito 'to napadpad.
"Okay lang po ba? Wala na kasing bakante." Tanong nung lalaki sa Lola ko.
"Sure iho maupo ka na." Sabi ni Lola.
"Can I?" Tanong niya sakin. Nandito nga pala ako, nakalimutan ko. Haha.
"Sure." Sabi ko na lang. Tumabi siya sakin.
Hindi ako makakain ng ayos. Nagdidikit minsan 'yung mga siko namin.
Tapos na akong kumain. Sila patapos na rin. Tinext ko na si Manong Gustin, 'yung driver namin. Magpapasundo na kasi kami ni Lola.
Si Lola chinika na 'yung lalake. At ayon sa mga naririnig ko tiga- Manila daw 'yung lalaki at may nag- birthday daw kahapon na barkada niya dito sa Batangas. Pauwe na daw siya sa Manila ngayon at napadaan lang dito sa mall. Haha ang dami kong naririnig.
Busy kasi ako sa pagtitig sa cellphone ko, hinihintay ko ang reply ni Manong Gustin.
"Ako nga po pala si Terrence." Sabi nung lalake.
"Ako si Lola Consuela."
"Iha..." Tawag ni Lola saken.
Napatunghay ako. Nakayuko kasi ako kanina pa. Busy nga sa pagte- text diba. Hehe.
"At siya si Izabel, apo ko." Patuloy ni Lola.
"Terrence." Sabi nung lalake at inabot niya 'yung kamay niya saken.
"Izabel." Ulit ko at inabot ko na ang kamay niya. Eto ngumiti na naman siya.. Ang gwapo nga niya.. Hehe.
Biglang nag- ring ang cellphone ko.
"Excuse me." Sabi ko sa kanila ni Lola.
Si Manong Gustin tumatawag. Sinagot ko na.
"Hello... W- what?... So hindi niyo ho kami masusundo? Okay.. Sige 'di bale na lang ho magko- commute na lang kami." Sabi ko sa kabilang linya at ibinaba ko na.
"May problema ba iha?" Tanong ni Lola.
"Pinapagawa daw 'yung kotse , papalitan daw ho ng gulong. Mag- commute na lang ho tayo kasi baka mamayang hapon pa maayos." Paliwanag ko.
"Malapit lang ho ba kayo dito?" Tanong ni Terrence daw. Hehe nandito nga pala siya.
"Oo iho mga 8 minutes lang na biyahe." Sabi ni Lola. Aba't may pa- 8 minutes 8 minutes pang nalalaman si Lola.
"Kung ganun ihahatid ko na lang ho kayo." Sabi niya.
"No. Okay lang kami. Salamat na lang." Sabi ko.
"Huwag na nga iho baka maabala ka pa." Sabi ni Lola. Mabuti naman at sumang- ayon sakin si Lola.
"Okay lang ho Lola. Hindi ko naman ho mahahayaang mag- commute kayo baka mahirapan kayo." Paliwanag niya.
Wow, kasama ba ako sa inaalala niya? Haha.
"Ikaw ang bahala." Sabi ni Lola.
Sabagay may point siya.
"Okay." Sabi ko na lang. Mapilit ka eh. Sa loob- loob ko.
"Then let's go?." Sabi nung lalaki na Terrence ang pangalan..
Nakasakay na kami sa kotse niya. Ako sa passenger's seat. Kasi si Lola, samahan ko daw 'yung Terrence na 'yun sa unahan. Pumayag na ako hahaba pa ang usapan eh. Gina- guide ko na lang siya if saan liliko hanggang sa makarating kami sa tapat ng gate namin.
"Dito na." Sabi ko.
"Salamat iho. Gusto mo bang pumasok muna sa loob?" Sabi ni Lola.
Ano daw?! Si Lola talaga mapagbiro. Huhu tumanggi ka please. Ewan ko ba naiilang ako.
"Naku 'wag na po Lola magpahinga na po kayo." Sabi niya.
Yown! Salamat naman. Sabi ko sa isip ko. Habang tinatanggal ko 'yung seatbelt, dali- dali siyang lumabas ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto pati si Lola.
"Thank you." Sabi ko.
"You're welcome Izabel." Sabi niya at nakangiti na naman.
Binanggit niya ang name ko! Haha ngumiti na lang ako.
"Paano iho papasok na kami sa loob. Sana sa susunod na anyaya ko sayo eh um- oo ka na." Sabi ni Lola.
Sa susunod? Lola paano naman mangyayari 'yun? Sige nga? Sa isip- isip ko.
"Nice to hear that Lola, eto nga po pala, para maanyaya niyo ako." Sabi niya at dinukot ang wallet at kumuha ng calling card at inabot kay Lola.
'Yun naman pala. Teka lang, may next time pa talaga! Waah magdidiwang ba ang kalooban ko? Haha at kung maka- Lola siya sa Lola ko ha, feel na feel! Haha teka lang bakit ba ang harot ng isip ko? Crush ko na ba siya?
Nagpaalam na siya at nang makaalis ang sasakyan niya, inabot ni Lola sakin 'yung calling card.
"Ano pong gagawin ko dito?" Tanong ko.
"Iha ano ka ga wala naman akong cellphone, paki- save mo na lang sayo at baka mawala pa sa akin 'yan." Naglakad na si Lola papasok ng gate pagkasabi niya nun.
"Aba't! Lola saglit lang po aalalayan ko na kayo!" Ibinulsa ko na 'yung card at sumunod na kay Lola.
BINABASA MO ANG
HIS GIRLFRIEND
RomanceSi Izabel Odrich ay boyfriend ng isang sikat na basketball player na si Terrence Madrigal. First love ni Izabel si Terrence Madrigal. Mahal nila ang isa't isa pero may mga pagsubok na magpapatunay kung hanggang saan ang pagmamahal na iyon. Masarap m...