FOURTEEN
Uminat ako at tumingin sa orasan. 9am? Sobrang late na nga pala ako natulog kakaisip kay Terrence. Grabe, nasa kabilang kuwarto lang siya, siya pa rin ang iniisip ko.
Gising na kaya siya?
Tiningnan ko ang cellphone ko. 1 missed call. 1 message. Si Terrence pareho. Binasa ko ang text niya.
"Good morning babe:-) Hnd n kta kinatok s kwarto mo. Maaga p kc. Luwas na ako Manila now. Biglaan ang tawag ni couch. Ngpaalam n ako kay Lola. Nkita ko agad kc siya sa baba. Twag ako mmya lab u:-)"
Paulit- ulit kong binabasa ang text niya. 6am pa niya ni- send sakin. Para akong timang. Hindi kasi maalis ang ngiti ko. Hindi na ako nag- reply. Tatawag naman daw kasi siya mamaya. Tiningnan ko 'yung missed call niya. 5:58am? Nag- miss call siya kanina bago mag- text. Tulog pa nga ako nung time na 'yun.
Maya- maya tumatawag na nga siya. Sinagot ko. Naalala ko 'yung text niya.
"Good morning love you too." Sabi ko pagkasagot ko. Hindi na ako nag- hello.
"Maganda yata ang gising ng mahal ko ah. Nakahiga ka pa rin ba?" Tanong niya. Paano niya nalaman?
"Yup. Kagigising ko lang. Kababasa ko lang ng text mo." Sabi ko.
"Halata sa boses mo. Bakit kaya late ka na magising? Iniisip mo ba ako kagabi ha?" Tanong niya.
Bakit niya alam? Haha kadalasan kasi 8am ang gising ko na alam niya.
"Mr. Madrigal, ang aga- aga feeling ka." Sabi ko.
Bakit ko aamining iniisip kita kagabi. Haha.
"Okay sige na bumangon ka na diyan mahal kong prinsesa. Manood ka ng tv mamaya. Live 'yung laro namin. I hope manood ka na. Please."
What? Live? Kahit kelan hindi ko pa siya napapanood maglaro live. Wala ba akong kuwentang girlfriend? Mabuti na nga lang hindi siya nagtatampo sakin.
"Okay I will. Sorry babe ha." Sabi ko.
"What for?" Tanong niya.
"Kung wala ako sa tabi mo kapag kailangan mo ako." Sabi ko. Ang drama ko naman! Haha
"Tsss. Huwag mo ng isipin 'yun. I understand you. Basta 1pm mag- i start 'yung game." Sabi niya.
"Anong ginagawa mo ngayon?" Tanong ko.
"Nandito pa sa condo. Paalis na rin maya- maya. Sige na bumaba ka na at mag- breakfast ka na." Sabi niya.
"Busog na ako." Sabi ko.
"What?" Pagtataka niya.
"Busog na ako kasi kausap na kita." Sabi ko ng nakangiti.
"Tsss. Sige na huwag ng matigas ang ulo." Sabi niya.
"Ikaw? Nag- breakfast ka na ba? Babe kailangan mo ng energy." Sabi ko.
"Tapos na po. Hindi ako pinaalis ni Lola ng hindi nagbe- breakfast. Babe sige na mamaya na ulit ako makakatawag. Bye love you." Sabi niya.
"Okay bye.. I love you too."
Binaba ko na ang cellphone ko at bumangon na. Hanggang ngayon naiisip ko si Terrence. May sama ba siya ng loob sakin dahil hindi ko siya napapanood maglaro? Nako- konsensya ako. Sana sinamahan ko na lang siya kanina pagluwas ng Manila.
Napapanood ko siya sa tv pero kapag nasa balita siya atsaka kapag mga replay ng basketball.
Umaamin naman siyang may girlfriend siya pero hindi niya pinangangalanan. Sabi niya, gusto lang daw niya akong protektahan.
Kapag lumalabas kami in public, sweet naman siya sakin at ako rin. Mabuti na lang at nagkakataong walang media pero alam naming napapag- usapan na ang relasyon namin but still pino- protektahan pa rin niya ako.
"Iha aba'y mag- almusal ka na. Ngayon ka lang yata tinanghali ng gising ah. Alam mo na bang umalis ng maaga si Terrence." Sabi ni Lola pagkababa ko ng hagdan.
"Opo Lola." Sagot ko.
"Aayaw- ayaw pang kumain bago umalis eh hindi naman aari sa akin lalo pa at masama ang pakiramdam kahapon." Tukoy ni Lola kay Terrence.
"Takot na lang po niya sa inyo." Sabi ko.
Pagkatapos kong mag- almusal, binuksan ko na ang tv. Maaga pa naman pero nae- excite lang ako.
"Izabel!"
Napalingon ako. Si Clariz. Tumayo ako at yumakap sa kanya.
"Clariz kamusta na? Pasensya na hindi pa kita nate- text since bumalik ako dito galing London." Sabi ko.
Occupied kasi ni Terrence ang isip ko.
"Oo nga eh. Nabalitaan ko lang sa kapitbahay. Kelan ka pa?" Tanong niya.
"Yesterday lang naman." Sabi ko.
"Nagkita na ba kayo ng boyfriend mo?" Tanong niya.
"Oo siya ang sumundo sakin sa airport." Sabi ko.
Hindi ko na siguro kailangang ikuwento na dito natulog si Terrence.
"Ah ganun ba. Eh di ba may laro sila mamaya?" Sabi niya.
"Oo nga eh." Sabi ko.
Nako- konsensya na naman ako.
"Alam mo paluwas ako ngayon. Tara manood tayo!" Sabi ni Clariz.
"Huh?" Sabi ko.
Pero pagkakataon ko na para makabawi sa boyfriend ko. Kailangan ko siyang suportahan.
"Ano ka ba, nag- aalinlangan ka pa? Para kang hindi girlfriend." Sabi niya.
Yown! Natamaan ako. Ganun ba talaga? Pero naiintindihan pa rin naman ako ni Terrence eh. Pero sige na nga bahala na. Isu- surprise ko siya!
"Pero paano si Lola?" Tanong ko.
"Akong bahala." Sabi niya.
Pumayag si Lola, basta dala 'yung sasakyan namin at si Manong Gustin syempre.
Atsaka sabi rin ni Clariz na magpapaiwan na siya sa Manila kaya dapat lang na magdala ako ng sasakyan with Manong Gustin. Hehe.
I'm so ready. Ayokong pumorma masyado pero naglagay ako ng powder at lip gloss. Naka- maong na pants ako at white blouse. Nakapulupot ang lagpas balikat kong buhok.
Pupunta ako doon para suportahan ang boyfriend ko at hindi para magpa- kilalang girlfriend niya.
BINABASA MO ANG
HIS GIRLFRIEND
Roman d'amourSi Izabel Odrich ay boyfriend ng isang sikat na basketball player na si Terrence Madrigal. First love ni Izabel si Terrence Madrigal. Mahal nila ang isa't isa pero may mga pagsubok na magpapatunay kung hanggang saan ang pagmamahal na iyon. Masarap m...