SEVENTEEN
TERRENCE' POV
"Sino ba talaga sa kanila ang girlfriend mo? May mga kumakalat na litrato at nalilito ang mga fans mo. Sinabi mo daw na girlfriend mo 'yung kasama mo sa isang sikat na mall habang pinag- uusapan pa rin ang paghalik sayo ng isang babae nung may laro kayo kamakailan lamang na sinabi mong kaibigan mo lang. Totoo bang two timer si Terrence Madrigal?" Tanong ng mga reporter.
"I think I already answered that question." Sagot ko.
Siguro naman malinaw sa kanila kung sinong sinabi kong girlfriend ko. Iyon na 'yun.
"So 'yung babae na kasama mo sa mall ang girlfriend mo? Hindi ba siya nagselos nung makita niya 'yung picture niyo ng sinasabi mong kaibigan mo lang?" Tanong ng isa pang reporter.
"My girlfriend trusts me. She only believes me." I just answered.
"Gaano na kayo katagal ng girlfriend mo? Paano kayo nagka- kilala? Ano'ng pangalan niya? Tiga- saan siya?" Tanong nila.
So many questions and I think I don't have to answer all that kung na- confirm ko na naman sa kanila kung sino ang girlfriend ko.
"Honestly, ayoko siyang itago but I have to protect her. She's special. Let's just leave it that way." Sagot ko.
..
Babe
calling...
"Babe," Sagot ko sa tumawag.
"Napanood ko." Sagot niya.
"Okay lang ba 'yung mga sinagot ko?" Tanong ko.
"Okay lang po. Thanks for protecting me ha? Hehe." Sabi niya.
"Hmm anong ginagawa ng Babe ko?" Paglalambing ko.
"Wala nga po ih, nakakainip." Sagot niya.
"Tumawag ka lang yata kasi wala kang makusap." Sabi ko.
"Hoy Terrence alam mong hindi totoo 'yan!" Sabi niya.
"Terrence na nga, may 'hoy' pa, ang sakit nun ah." Malungkot kong sabi.
"Babe naman parang hindi na nasanay sakin." Sagot niya.
"Ayokong sanayin kang tinatawag lang ako ng ganun. Masakit." Sabi ko.
Narinig ko siyang napapatawa.
"Tsss.. Tinawanan pa ako." Reklamo ko.
"Okay, Babe ko na mahal na mahal ko, sorry na po." Sabi niya.
"Talaga? Mahal na mahal mo ako?" Sabi ko.
"Opo kahit pumasok ka pa sa puso ko, puro ikaw ang laman." Sabi niya.
"Kuh, talaga?" Sabi ko.
Sa totoo lang pinapahaba ko lang ang usapan kasi nag- e- enjoy akong kausap ang mahal ko. Ganito kami palagi.
"Oo nga kasi. Hmmp, ayaw mo namang maniwala ih." Sabi niya.
"Naniniwala po ako." Sagot ko.
"Weh," Sabi niya.
"Gusto mo i- hug pa kita eh." Sabi ko.
"Hindi ka nga nagsasabi ng totoo. Kainis ka hindi mo naman ako maha- hug ngayon kung i- dare man kita eh!" Sabi niya.
BINABASA MO ANG
HIS GIRLFRIEND
RomanceSi Izabel Odrich ay boyfriend ng isang sikat na basketball player na si Terrence Madrigal. First love ni Izabel si Terrence Madrigal. Mahal nila ang isa't isa pero may mga pagsubok na magpapatunay kung hanggang saan ang pagmamahal na iyon. Masarap m...