FIVE
Hindi ako makatulog. Pumapasok sa utak ko 'yung lalaking 'yun. I admit, gwapo nga talaga siya. Matangkad, maganda 'yung mga mata niya na para bang ang lagkit tumingin, nakakawala ng huwisyo 'pag nakikipagtitigan sa kanya. Matangos ang ilong, lalaking- lalaki pumorma at 'yung lips grabe. OMG! Ano ba 'tong mga naiisip ko!...
Sana magkita ulit kami.
Teka may naalala ako. 'Yung calling card! Bumangon ako sa pagkakahiga at kinuha 'yung hinubad kong pants. Kinuha ko sa bulsa 'yung card.
Bumalik na ako sa pagkakahiga at tinitigan 'yung card.
"Terrence Madrigal." Basa ko sa nakasulat. '
Yun lang ang nakalagay at 'yung cellphone number.
"Terrence Madrigal." Ulit ko sa pangalan niya.
Ise- save ko ba ang number mo? Hay.. Mai- save na nga baka mawala pa lagot ako kay Lola.
Tinayp ko na 'yung number at i- s- in -ave ko na. Fullname niya ang nilagay ko.
....
Ilang linggo ang lumipas, hindi pa rin nawawaglit sa isip ko 'yung Terrence Madrigal na 'yun.
Nanonood kami ng palabas sa tv ni Lola ngayon. Si Lola lang pala, subaybay niya kasi 'yung mga pinapanood niya eh.
Hanggang sa natapos na 'yung pinapanood niya.
"Manonood ka pa?" Tanong ni Lola sakin. Umiling lang ako atsaka in- off ang tv.
"Iha.. Nai- save mo ga 'yung number ni Terrence?" Tanong ni Lola.
Nagulat naman ako sa tanong niya. Bigla- bigla na lang babanggitin ang pangalang iyon. Akala ko nakalimutan na 'yun ni Lola.
"Po? Opo sabi niyo eh." Sagot ko.
"Pakitawagan mo nga ngayon." Sabi ni Lola.
"Po? Bakit po?" Tanong ko.
" 'Di nga ga ay Anibersaryo namin ng Lolo mo sa sabado." Paliwanag ni Lola.
"Lola 'di ba dumadalaw lang naman tayo sa puntod ni Lolo?" Sabi ko.
Atsaka ano namang kinalaman ni Terrence sa Anniversarry nila?
Ano kayang binabalak ni Lola?
"Oo pero gusto kong magkaroon ng konting salu- salo." Sabi ni Lola.
Ano daw? Matagal ng wala si Lolo tapos magse- celebrate pa ng Anniversarry. Ayos 'yun ah.
"Eh bakit niyo po pinapatawagan sakin 'yung Terrence na 'yun." Tanong ko.
"Ang batang ito ah. Eh 'di iimbitahin natin." Sagot ni Lola.
"Ho? Seryoso kayo?" Sabi ko.
"Mukha ba akong nagbibiro? I- dial mo na at ako ang kakausap." Utos ni Lola.
Hindi nga siya nagbibiro. Nag- dial na ako at agad na iniabot kay Lola.
"Ah hello... Ay wala pa pala. Nagri- ring pa pala 'di mo sinabing bata ka." Napatawa ako sa sinabi ni Lola.
"Hello! Iho, si Lola Consuela ito. Kamusta na?... Ah mabuti naman... Ah oo gusto sana kitang imbitahin dito sa sabado.. Anibersaryo namin ng asawa ko..... Ah sa katunayan iho matagal na siyang pumanaw....... Oo nami- miss ko lang kasi siya kaya gusto kong maghanda sa sabado, tayu- tayo lang naman... Tanghalian? Okay lang ba sa iyo?.... Kung ganun mabuti, aasahan ko. Salamat.... Oh sige babay."
BINABASA MO ANG
HIS GIRLFRIEND
RomanceSi Izabel Odrich ay boyfriend ng isang sikat na basketball player na si Terrence Madrigal. First love ni Izabel si Terrence Madrigal. Mahal nila ang isa't isa pero may mga pagsubok na magpapatunay kung hanggang saan ang pagmamahal na iyon. Masarap m...