SIXTEEN
Tumayo siya at nagtangkang halikan ako pero umiwas ako.
"Masama pa rin ba ang pakiramdam mo? Nabanggit kasi ni Lola." Tanong niya.
Sa halip na sumagot ay naupo na lang ako sa solohang upuan. Hindi ko siya pinapansin.
"Babe," Sabi niya habang nakatayo pa rin.
Hindi pa rin ako nagsasalita at lalong hindi ako tumitingin sa kanya.
"Sabi ni Lola nanood daw kayo ni Clariz. Bakit hindi mo sinabi? Sana nakita ko kayo. Nanood nga ba kayo?" Sabi niya.
Teka lang, ano'ng gusto niyang palabasin? Nag- lakwatsa ako sa Manila at pinalabas lang kay Lola na nanood kami sa kanya kahapon?
Napatingin ako sa kanya. Lalong nag- iinit ang ulo ko.
"What? Ako pa ngayon ang pinag- dududahan mo samantalang ikaw itong may ginagawang kalokohan!" Halos mapasigaw na ako.
Umupo siya sa tabi ko sa isa pang solohang upuan at hinawakan ang kamay ko.
"Babe-" Sabi niya pero hindi ko na siya pinatapos.
Tinanggal ko 'yung kamay niya sa pagkaka- hawak sa kamay ko.
"Huwag mo nga akong ma- babe- babe!" Sabi ko.
Naiinis kasi ako.
"What do you mean ako ang nagloloko?" Tanong niya.
Painosente pa talaga ang walanghiya.
"Puwede ba Terrence! Huwag mo nga akong gawing tanga. Kitang- kita ng dalawa kong mga mata." Sabi ko.
"Alin nga?" Tanong niya.
"Seryoso ka ba talaga sakin?" Mangiyak- ngiyak ko ng sabi.
Hindi niya alam ang sinasabi ko? Ginagago niya ba ako! Tapos monthsarry nga namin ngayon pero bakit wala siyang dala kahit man lang flowers? Ngayon lang niya ginawa sakin 'to sa ilang buwan naming magka- relasyon. May iba na ba talaga siya?
"Babe, I don't know what you're talking about. Please tell me, may problema ba tayo?" Tanong niya.
"Ikaw ang gumawa ng problema tapos itatanong mo sakin?" Hindi ko na mapigilang mapa- luha.
"Babe wala akong ginagawang masama. Huwag ka namang umiyak oh." Sabi niya.
Sinaktan mo ako g*go ka tapos sasabihin mong huwag akong umiyak! Hindi ako manhid.
"Nakipag- halikan ka sa ibang babae, hindi ba 'yun masama?" Sabi ko.
"What?" Pagtataka niya.
Sige magmaang- maangan ka pa.
"Okay, I know what you're saying. She's Carla. Half Australian. Nabigla nga ako ng makita siya doon kasi matagal ko na siyang hindi nakikita. Kaibigan ko siya. Ganun lang talaga siya bumati." Paliwanag niya.
"Ganun lang talaga? Puwes sa akin big deal 'yun!" Sabi ko.
"Please try to understand. Hindi ko ginusto ang nangyari. Nabigla lang talaga ako." Sabi niya.
"Sayang- saya ka pa nga eh. Ayoko na Terrence. Kung lahat ng babati sayo ganun, maghanap ka na rin ng babaeng iintindi sayo." Sabi ko.
"Babe I'm sorry. Hindi ko alam na nandun ka, sana nakapag- paliwanag agad ako sayo ng maaga. Bakit hindi ka nagsabing pupunta ka?" Tanong niya.
"Tumatawag ako pero hindi mo sinasagot." Sabi ko.
"Hindi ko na hawak ang cellphone ko nung mga oras na 'yun. Di ba sabi ko tatawag ako sayo? Hindi mo nga sinasagot ang tawag ko tapos hindi kita makontak nung gabi. Nag- alala ako sayo." Sabi niya.
BINABASA MO ANG
HIS GIRLFRIEND
RomanceSi Izabel Odrich ay boyfriend ng isang sikat na basketball player na si Terrence Madrigal. First love ni Izabel si Terrence Madrigal. Mahal nila ang isa't isa pero may mga pagsubok na magpapatunay kung hanggang saan ang pagmamahal na iyon. Masarap m...