Three

67 2 0
                                    

THREE

Five months pa lang kaming mag- kasintahan ni Terrence Madrigal. Kokonti pa lang ang may alam na ako ang girlfriend niya. Ilan lang sa mga kaibigan namin.

Nagkikita lang kami kapag madalas siyang pumunta sa bahay at 'pag monthsarry naman namin, ipinagpa- paalam niya ako kay lola na sumama paluwas ng Maynila pero balikan. Sa Batangas kasi kami nakatira ni Lola at si Terrence ay sa Maynila.

"Babe wala pang vacant seat, are you willing to wait?" Tanong niya na nakahawak sa beywang ko ang isa niyang kamay.

Nandito kami sa isang mamahaling restaurant.

"How long?" Tanong ko. 

"Siguro 15 minutes lang pero kung gutom ka na lipat na lang tayo sa iba". Sabi niya.

Kasi after namin maghintay saka pa lamang kami makaka- order.

Magsa- salita na sana ako nang may babaeng dumating. Maganda rin. Pero mas maganda ako. Haha magpapatalo ba ako.

"Terrence! Is that you?" Sabi nung babae.

"Lyka?" Sabi ni Terrence.

Nakatingin lang ako sa kanila.

"Yes! Akala ko makakalimutan mo na ako. How are you? Sino 'yan?" Tanong nung babae.

Napatingin ako. Ano'ng sabe? Niya- yan ako? Tao ako! O talagang tanga lang siya mag- tagalog?

Excuse me! Panahon na para malaman nilang nandito ako.Kinawit ko 'yung kamay ko sa braso ni Terrence.

"Babe, I decided na dito na lang tayo." Sabi ko. 

Ngumiti sakin si Terrence.

"Babe, I want you to meet Lyka." Sabi ni Terrence.

"His ex girlfriend." Sabi nung girl na Lyka daw ang name habang inaabot 'yung kamay niya sakin.

"Lyka, meet Izabel, gir-" patuloy ni Terrence pero hindi ko na siya pinatapos.

Inabot ko 'yung kamay nung babae.  

"His girlfriend." Pagdidiin ko.

Ewan ko ba parang ang init agad ng dugo ko sa babaeng ito. Hindi marunong makiramdam. ("Sino 'yan?") Hindi ako maka- get over dun. Nakakababae. Grrr. Gutom lang 'to..

"Terrence I have to go. If napaaga kayo, nakasabay sana ako.. Bye.... See you next time." Sabi nung babae.

As if namang iimbitahan ka naming sumabay!

Pilit ang ngiti ko. Aba't may pa- next time next time pang nalalaman! 

"Wala ng next time." Bulong ko sa sarili ko.

"Excuse me Sir, Mam, okay na po.. May vacant seat na po." Sabi nung waiter.

"Okay thanks." Sabi ni Terrence.

Ngumiti lang ako sa waiter, wala ako sa mood mag- salita.

"Babe let's go." Yaya niya sa akin.

Let's go. Let's go home. Sabi ko sa isip ko. Nakakainis hindi man lang nakakahalatang badtrip ako. Nakaupo na kami. Naisip ko na bawal muna ma- badtrip hindi ako makakakain ng ayos. Focus muna sa foods. Gutom na talaga ako. Nandiyan na ang order namin. 

Tahimik lang kaming kumain.Siguro nakakaramdam na siya na may inaarte ako. Nang makapagbayad na siya, tumayo agad ako.

"Cr lang ako." Matipid kong sabi.

Naglakad na ako papuntang cr. Paglabas ko nandun siya, naghihintay sa may labas ng cr.

"Tara na." Sabi ko. 

HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon