Six

64 3 0
                                    

SIX

Nakaupo kami ni Lola sa sofa nung sinabi ng kasambahay namin na nandiyan na 'yung bisita.

Ka- text ko si Clariz, kapitbahay namin at kaibigan ko since tumira ako dito kina Lola. 

Nalaman kong nandito pala si Clariz, kasi ang alam ko sa Maynila na siya naglalagi dahil dun siya nagta- trabaho. 

'Yung mga kaibigan ko naman nung high school at nung college eh may kanya- kanya ng trabaho. Ang iba nasa ibang bansa na at 'yung iba nasa iba't- ibang sulok lang ng Pilipinas. Kapag nga may reunion hindi ako sumasama kasi hindi ko maiwan si Lola atsaka wala akong hilig. Sinasabi ko na lang, next time promise, kahit 'di naman ako sure. Hehe.  

Pinapupunta ko si Clariz ngayon dito sa bahay.

"Iho! Salamat at nakarating ka. Maupo ka." Sabi ni Lola.

 Bigla akong nakaramdam ng kaba nung marinig ko ang pagbati ni Lola.

"Oo nga ho, eto nga po pala, happy Anniversarry ." Sabi niya.

Si Terrence. Nandito na siya.

"Salamat iho nag- abala ka pa." Sabi ni Lola.

"Isay, pakikuha nga nito." Tukoy ni Lola sa kasambahay namin.

Umupo na siya. Magkatabi sila ni Lola dun sa mahabang sofa at ako'y sa solohan. Tumingin siya sakin para bumati ng isang ngiti. Ngumiti rin ako.

"Ah Lola, nga pala pinapupunta ko ngayon si Clariz. Nandito pala siya." Sabi ko.

"Ah siya nga? Mabuti naman." Sabi ni Lola.

"Ah iho maiwan ko muna kayo at titingnan ko lang kung okay na para makakain na tayo." Sabi ni Lola.

"Ako na Lola, maupo na lang ho kayo." Sabi ko.

"Huwag na bata, ako na lang kaya ko naman." 

"Lola naman." Sabi ko.

"Hala wag ng matigas ang ulo. Intindihin mo na lang ang bisita."

"Okay lang po ako." Sabi ni Terrence.

Lola! Ako hindi okay. Aakayin ko na kayo Lola! Kung hindi nga lang kabastusan sa bisita eh. 

Hay naku entertain, entertain, entertain, pinaka- ayoko sa lahat. Pero dahil si Terrence Madrigal. Sige na nga.

"Saan ka sa Manila?." Tanong ko sa kanya para may pag- usapan naman. Nakakahiya baka sabihin hindi siya welcome.

"Quezon City." Sagot niya.

"Ahhh.." Sabi ko na lang, wala na akong maisip eh... Nag- iingat kasi ako sa mga tanong ko.

"Ahmm Izabel, nag- aaral ka pa ba? " Tanong niya. 

Binanggit niya na naman ang pangalan ko. Gosh. Hehe. Relax Izabel.

"Hindi na.. Kaga- graduate ko lang last year. Ikaw?."

"Graduate na rin, 4 years ago."

Ahead siya sa akin. Medyo halata naman, cute ko kasi. Hehe. 

"So nagwo- work ka?" Tanong ko.

"Actually, player ako ng basketball. Dun ako nag- focus after ko gr- um- aduate ng college."

"Ganun ba eh ano bang natapos moh?" Tanong ko.

"Business Management, ikaw?"

"Ang layo naman sa basketball." Sabi ko. Napangiti kami pareho.  

"Nursing ang natapos ko. Actually registered nurse na ako pero mas pinili kong bantayan muna si Lola." Pagpapatuloy ko sa sinabi ko. Medyo komportable na ako. Haha.

"Ah solong anak kasi ako, businessman ang Dad ko, balak kong mag- work sa company niya 'pag sawa na ako sa basketball". Sabi niya.

"Ahh." Sabi ko.

"So nursing pala ang natapos mo.Nasaan nga pala ang parents mo?" Tanong niya.

"Nasa London sila pati 'yung bunso kong kapatid na babae. Businessman din ang Dad ko."

Madami pa kaming napag- usapan. Kinuwento ko sa kanya kung bakit kay Lola ako nakatira. Nalaman ko rin na nasa China naman ang parents niya at mas gusto niya dito sa Pilipinas.

Close na ba kami? Haha. Nagkakatawanan na kasi kami sa mga pinag- uusapan namin.

"Izabel!" Napalingon kami ni Terrence.

"Clariz! Halika maupo ka." Tawag ko sa kanya at nakipagbeso- beso.

May isang buwan ko na yata siyang 'di nakikita, kahit text wala. Umuuwi lang kasi siya ng Batangas 'pag may time. 

Kilala na siya ng mga kasambahay namin kaya nakakapasok siya anytime dito sa bahay.

"Nga pala, Clariz, si Terrence. Terrence, si Clariz." Pagpapakilala ko sa kanila.

"Hi nice to meet you." Sabi ni Clariz.

"Same here." Sabi ni Terrence. 

"Izabel, 'di mo naman nabanggit na may sikat ka palang bisita." Sabi ni Clariz.

"Huh? Kilala mo siya?" Tanong ko kay Clariz.

"Ano ka ba star player siya ng basketball. Hay naku hindi ka nga pala lumalabas ng bahay, kahit manood ng tv tamad ka kaya 'di ka nakakasagap ng balita." Sabi ni Clariz.

"Ah ganun ba." Sabi ko na lang. Kaya pala pinagtitinginan siya sa mall.

"Okay lang 'yun." Sabi ni Terrence.

"Mga bata halina kayo at nakahain na." Tawag ni Lola samen.

"Hi Lola!" Sabi ni Clariz.

"Mabuti at nandito ka na. Halina kayo." Sabi ni Lola.

"Tara na." Sabi ko sa kanila.

Natapos na kaming kumain. Nakapag- kuwentuhan na ulit kami kasama sina Lola at Clariz. Actually parang 'di ako kasali kasi si Clariz tumanung na ng tumanong kay Terrence, si Lola nakikisali pa kaya ako, nakikinig na lang sa kanila.

Nandito kami ngayon sa labas. Nagpaalam na si Terrence kaya hinatid namin siya sa sasakyan niya.

"Paano ho,. I have to go. May practice kasi kami mamaya kelangan ko maka- habol. Salamat po Lola. Clariz. Izabel. Mauna na ako." Paalam niya.

Si Clariz halatang- halata namang crush niya si Terrence.

"Oo siya sige mag- iingat ka apo." Sabi ni Lola.

Ano daw? Apo. Ayaw ko siyang maging pinsan o kapatid! Haha.

"Bye Terrence. Ingat." Kilig na kilig na sabi ni Clariz. 

"Ingat." Sabi ko na lang.

Syempre hindi puwedeng hindi siya ngingiti. 'Yung kilig ko nasa loob samantalang si Clariz, grabe.

Nakaalis na siya. Hay.... Ano ba 'tong nararamdaman ko, 'di ko ma- explain. Hindi pa ako nagkaka- boyfriend, kasi ayaw ko pa o talagang hindi pa dumadating 'yung right guy and 'yung right time kaya paano ko malalaman kung ano 'tong nararamdaman ko? Kung eto namang isang 'to halos malaglag na ang panty dahil kay Terrence.

HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon