ELEVEN
Lumipas ang mag- hapon sa panonood namin kay Sophia. Napaka- bibong bata.
Maya- maya ay nagyaya na ulit siyang pumuntang dagat. Syempre nangako ako. Nagpaiwan na ang mag- asawa at ipinagkatiwala na samin ni Terrence si Sophia.
Ang dami kong napapansing nagtitinginan samin. Para kaming mga artista, idagdag pa ang napaka- cute na batang 'to. Parang anak namin ni Terrence. Ano daw??? Haha. Baka naman dahil sikat lang talaga ang kasama namin ni Sophia.
Hawak namin si Sophia sa magkabilang kamay. Ako sa kaliwa, si Terrence sa kanan. Sikat pa rin ang araw pero hindi na masyadong mainit. Nagsisimula na kaming lumusong sa dagat. Binuhat ni Terrence si Sophia at inalalayan ako sa siko. Dedma lang. Hehe.
Tumigil na kami dun sa hanggang dibdib namin. Ang lamig ng tubig. Ang sarap sa pakiramdam.
"Tita Izabel, do you know how to swim?" Tanong ng bata.
"Hindi masyado. Ikaw marunong ka ba?" Tanong ko.
"Opo pati si Ninong." Sabi nung bata.
Nagkatinginan kami ni Terrence, ang lapit ng mga mukha namin.
"Ah ganun ba, sino'ng nagturo sa'yo?" Tanong ko.
"Si Daddy atsaka si Ninong. Si Mommy hindi marunong mag- swim." Sabi nung bata.
Ang daldal, napapatawa lang kami ni Terrence.
"Ilang taon ka na?" Sabi ko sa bata.
"Five po." Sagot nung bata.
"Ahhh.. Alam mo bang ang daldal mo at ang cute mo?" Sabi ko.
Nakangiti lang samin si Terrence.
"Alam mo rin po ang ganda mo, bagay kayo." Sabi nung bata at tinuro pa kaming dalawa ni Terrence.
Napangiti ako pero parang namumula yata ako.
"Talaga?" Sabi ni Terrence.
Aba't ang loko may pa- talaga- talaga pa.
"Yes po. Gusto ko nga siya maging Ninang kaso sabi ni Daddy hindi pa daw kayo eh." Sabi nung bata.
Aba't! Huhu ramdam ko na talaga 'yung pamumula ko. Napansin yata ni Terrence, napatingin bigla sa akin eh.
"Ikaw talaga." Sabi ni Terrence sa bata sabay kurot sa pisngi.
"Tita Izabel, Jack and Poy tayo." Sabi nung bata.
Jack and Poy? Alam ko 'yun pero hindi ko na laro 'yun nung bata ako. Ang saya di ba? Hehe.
"Pasali ako." Sabi ni Terrence.
"Hindi puwede Ninong, dalawa lang dapat atsaka magaling ka dun. Mag- score ka na lang hanggang 5." Sabi nung bata.
"Okay." Sabi ni Terrence.
"Tita Izabel, 'pag nanalo ako, kahit ano i- request ko sa'yo ha?" Sabi nung bata.
"Ah okay sige, ganun din 'pag ako ang nanalo ha?" Sabi ko.
"Opo. Okay game?" Sabi niya.
"Game." Sabi ko.
"3- 2 na." Sabi ni Terrence.
Si Sophia ang 3 ako ang 2.
Hanggang sa all 4 na. Last game na 'to. Bakit ba parang hindi bata ang kalaban ko. Kinakabahan ako kasi si Terrence sayang- saya kapag si Sophia ang nananalo. Tapos may ibinubulong pa.
BINABASA MO ANG
HIS GIRLFRIEND
Roman d'amourSi Izabel Odrich ay boyfriend ng isang sikat na basketball player na si Terrence Madrigal. First love ni Izabel si Terrence Madrigal. Mahal nila ang isa't isa pero may mga pagsubok na magpapatunay kung hanggang saan ang pagmamahal na iyon. Masarap m...