[Chapter 8] Week Two: The Big Exposure & Meeting The Cortez Brothers

110 12 0
                                    

[Chapter 8] Week Two: The Big Exposure & Meeting The Cortez Brothers

           

[Sabrina’s P.O.V.]

Friday at Saturday, wash day ng school namin, kaya’t free na free kaming magsuot ng kung ano-ano.

‘Papasok na ang PRINSESA!’ Dandararan-dararan-ranran!

5:30 am WOW! Goodmorning po sa inyo. Medyo madilim pa ano? 6:00 am po kasi ang klase namin. Para sa mga masscom students na tulad namin, dapat na po kaming masanay. Pero hindi lang po kami ang 6:00 ang klase, ang mga comscie, midwifery, nursing,  law, education at HRM din.

“Is that her?”

 

“OMG! Is that Ms. Cortez?”

 

“How come? It can’t be!”

 

“Ang ganda p’re!”

“Witwiww! Ang sexy!” sige pa! Bulong pa! Dinig ko kayo eh. But thank you, naappreciate nila ang effort namin ni ate.

But where is KRISTOFF? *-_- Hmmm baka di niya ako napansin. Sayang lang effort ko.

Napansin ko talaga na mula sa gate, hanggang sa building A, ako ang topic ng mga estudyante doon. Wala akong paki-alam, sabi ni CONSCIENCE na walk normally lang daw, eh di ginawa ko.

Hayy nako! Nakaka-pressure talaga itong suot ko ngayon.

Akalain mo, pinasuot ako ni Ate ng flowery dress(yun ang tawag ko) na above the knees tapos heels? Halos magkanda-ugaga na ako sa paglalakad, na parang ma-aout of balance na ako. IIIISHH! Kung di lang dahil kay Kristoff at sa Transportation FARE ko, di talaga ako magsusuot ng ganito. Di ko siya CARRY!

Nagtungo ako sa locker ko at inilagay ang aking mga libro. Uyy! Kahit binago na ni Ate ang kaanyuan ko, masipag pa rin ako no! Top one kaya to. Top two naman si KUMAG. Galing niya no?

Pagbukas ko ng locker, may note na nahulog, binasa ko...

-    -    -    -

Hoy Sabrina!

      L*che ka! Tigil-tigilan mo ang paglalandi kay Alcover. Bruha ka! Akala mo kung sino kang maganda? Eh ang pangit mo naman! Yang mga bakod mo sa ngipin? Akala mo cute yan? Hindi no? Walang magkakagusto sa iyo! Hinayupak ka! Huwag na huwag ka nang lumapit kay Alcover. At makakatikim ka ng sabunot mula sa akin.

                                                                                                          V.S.

-    -    -    -

Ano daw? Nakikipaglandian ako kay JAKE? Imposible!

Kung makabintang naman ‘tong si V.S. Diba si Jake ang nangunguna sa pakikipag-usap? At FYI V.S. nag-usap lang kami. Hindi kaya pakikipaglandian yun. Diba?

The Fraud Girlfriend of the SatyrTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon