[Chapter 12] Weekend: Saturday TROUBLE

113 12 2
                                    

[Chapter 12] Weekend: Saturday TROUBLE

[Sabrina’s P.O.V.]

Gurruuu... si KRISTOFF papabol? Ang ika apat na miyembro ng M4? At pinsan pa niya si Jake?

Nakuuu, Lord, babawiin ko po yung sinabi kong, wala akong nagustuhan sa M4, naku talaga, tsaka yung mga masasamang salita, binabawi ko na yun lahat. Naman eh!

Di-talaga ako nakatulog ng maayos sa kaiisip nun.

Kaya pala nasa MANILA HOTEL din si Kristoff, kasi, pinsan siya ni Mary, at pinsan din siya ni Jake, tapos, sabi doon sa fiance ni ate Mary na kapatid daw ni ate Mary ang makakaduet ko, kaya...KAPATID ni ate MARY si Jake? Hindi pala, EX ehh. :)

Kasalukuyan kong pinapaliguan si Mousse at Hotcake dito sa may garahe, masyado nga kaming maingay eh.

“Oh! Ayan Mousse hah, white ka na ulit, saan ka kasi nagsususuot kahapon at naging dirty ka.”

“ARF! ARF! ARF!”

“Bakit ikaw ang sumagot Hotcake? Ikaw naman, nagtatamad-tamaran ka kahapon, yan tuloy, di ka na nakaligo.”

“AW! AW! AW!” si Mousse naman ang sumagot, maliit na boses eh. Toy dog lang kasi yung si Mousse, sobrang liit niya.

“Ewan ko sa inyo! Basta, ikaw mousse, sasama ka sa akin mamaya sa grocery, bibili tayo ng peyborit niyong BREADSTIX at BREADPAN.”

“AW! AW! AW!”

Natapos ko nang paliguan sila Mousse at Hotcake, tas bin-lower ko na yung mga fur nila. Heto namang dalawa pa naming pusa, naiinggit sa kanila.

“Hoy kayo! Wala kayong planong maligo man lang?” sabay turo kay BUTTERSCOTCH at SHORTCAKE.

“Meow! Meow! Kwweeeeeww!” abay? Nagalit ang dalawa? Ayun, tinalikuran lang kami. Bastusan hah!

Tapos nun, dinala ko na si little mousse sa grocery store. Pinapapasok naman kami, kasi, suki na ako dito, tsaka, sobrang liit din ni mousse at kasya siya sa bag ko, nakalawit naman ang ulo, don’t worry.

“Anong gusto niyo? Yung may cheese o yung plain lang?” at kinakausap ko na naman si Mousse na hindi sumasagot.

“Yung may cheese!” ahhhh, yung may cheese. Tapos kinuha ko yung cheese flavor.

WAIT A MINUTE, KAPENG HOT!

Hindi to sumasagot si Mousse, bakit may nagsabing...
“Hi Sab!” ay palakang bakla! Si Yavy lang pala, akala ko kung sino.

“Ayy hehehe...” napakamot ako sa batok ko.

“...Hello! Ikaw lang pala. Akala ko minamaligno na ako.”

“Hah? Itong mukhang to? Pang maligno?”

“Hindi no! Akala ko...ahh basta! Nevermind, ano pala ang ginagawa mo dito Yavs?”

“Yavs? Ampanget naman ata nun!” siya na nga ang binigyan ng nickname, nanlalait pa. Ang cute kaya ng YAVS.

“Ayy, ayaw mo? YABBEEY nalang!”

“Ayy, mas panget yun. Yavs nalang. Naghahanap kasi ako ng battery para sa remote controlled car ko.” Ang daming stores tapos bakit dito?

The Fraud Girlfriend of the SatyrTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon