TFGOTS: Introduction

343 18 11
                                    

Matagal ka na bang nag-hahanap sa SOULMATE/TRUE LOVE o DESTINY mo?

Pa’no kung di mo lang alam na nasa paligid lang siya?

Paano kung ‘di mo lang siya napansin dahil nung araw na magkikita na sana kayo, eh may tren na nakaharang sa pagitan ninyong dalawa?

Pa’no kung nasa harap mo na pala siya pero yumuko ka dahil tinali mo ang sintas ng sapatos mo?

Pa’no kung nagkasalubong na kayo pero hindi mo siya nakita dahil may nagtext sa’yo?

Pa’no kung nasa iisang sasakyan lang kayo pero di mo lang siya napansin dahil nakatulog ka?

Pa’no kung umupo siya sa waiting shed kung saan kasalukuyan kang nakaupo pero umalis ka na kasi nandyan na ang sundo mo?

Pa’no kung nasa iisang restaurant lang kayo pero di mo siya napansin dahil pumunta ka sa banyo?

Pa’no kung nagkatabi na kayo sa iisang bench kaso di mo siya napansin dahil may iba kang kausap?

Pa’no kung siya na pala yun kaso di mo lang siya pinansin dahil may hinihintay kang iba?

Pa’no kung ang taong kinaiinisan mo ay ang SIYA sa buhay mo?

Pa’no kung ang taong di mo pinapansin noon ay ang taong magpapabago ng buhay mo ngayon?

Pa’no kung SIYA na pala yun pero pinakawalan mo dahil nagkamali siya?

O pa’no kung siya na sana yun, iniwan mo lang dahil akala mo, kailangan ka rin ng taong mahal mo.

Sa PAG-IBIG kasi maraming “PAANO”. Hindi lang natin alam na ang taong nasa paligid natin ay ang taong makakasama pala natin habangbuhay, ‘di lang natin napapansin dahil nakatuon ang mga mata natin sa taong gusto natin. Baka nga di rin natin alam na ang taong nakalaan pala sa atin ay matagal na tayong minaman-manan.

Kaya dapat siguro maging sensitive tayo sa mga tao na nakapaligid sa atin, at ngayon ko pa lang yun natutunan, matapos nangyari ang pinaka MALING desisyon na nagawa ko sa buhay.

The Fraud Girlfriend of the SatyrTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon