[Chapter 4] Week One: The Recruitment

174 15 0
                                    

[Chapter 4] Week One: The Recruitment

[Sabrina’s P.O.V.]

“Be the newest girlfriend of Mr. Jake Alcover. Apply Now!” nanlaki ang mga mata ko matapos kong mabasa yung naka post sa labas ng room. Ano daw yun? Nagpapa-recruit ba siya? Ano ba ang pumasok sa ulo ng lalaking to?

Naka drugs ata, o naka higop ng rugby? Meeting kasi ng mga teachers kaya walang klase buong araw.

Ako, mga barkada ni Jake at ang pila lang ng mga babae ang nasa loob.

“Miss? Mag-aaply ka rin?” tanong niya. Juskooo! Nakakatakot naman to! Ako? Mag-aaply?

“NEVER!” sagot ko naman, tapos bumalik na ako sa kinauupuan ko tapos nagtetext-text.

“Never talaga?” hala! Sino yun? May alien ba? Hahaha, ang bad ko rin no!

“Oo Jake at e--” di ko natapos ang sinabi ko dahil pagharap ko sa kanya, bumungad na agad ang kanyang kissable...este TEMPTING LIPS, na mukhang hinahamon ata ako. Hayy! Hindi kaya ako makikipag halikan sa kanya no. Besides, wala pa akong first kiss, kung magkakaroon man ako, ibibigay ko yun sa taong mahal ko at si KRISTOFF yun, hindi kay pipitsuging  JAKE. Tapos tumalikod na ako.

“Weh! Sige pustahan tayo ha.” Napaharap ulit ako at napakunot noo. Hala! Nakakatakot siya freeen. Agad-agad pustahan? Ano ba talaga ang ibig niyang sabihin?

“Ha? Ang lakas din ng loob mo ‘no.”

“Oo nga! I bet you my balls. Pag-nainlove ka sa’kin babayaran mo ako. Sige na, um-oo ka na kasi eh.”paghahamon niya. Kalerkey! Ano ba ang pinakain sa taong to? Mukhang nakalog na ata ang utak. Sayang, matalino pa naman.

“Teka, teka. Huy! Close ba tayo? Ang FC mo rin no? Ang galing mong makipag SALES TALK.”

“Aww. Aray! Ang sakit mo namang magsalita. Parang di tayo magkaklase ng labinlimang taon. Kasi naman, di mo ako pinapansin eh.” Huwaaw! Ako pa ngayon ang di namamansin? Baka siya! Puro landi lang ang alam at pakikipaghang-out sa M4. Hayy Jake naman umayos ka na.

“Wow! Ako pa ngayon ang di namamansin ha? Mr...” tiningnan ko ang I.D. niya. Kunyari di ko pa raw siya kilala, pero sa totoo lang kilalang-kilala ko na siya “JAKE NATHANIEL ALCOVER! Kapal mo rin no!”

“Hoy Miss...” tapos tiningnan din niya ang I.D. ko, “...Miss Sabrina Danielle Dizon Cortez-Alcover...” ano daw? Sinali pa niya ang middle name ko, eh wala naman yun sa I.D. ko tsaka bakit may ALCOVER? Magkapatid ba kami? Walang’ya tong taong to, lonely siguro kasi naghahanap nang kapatid. “...alam ko namang may interest ka sakin eh. Noon pa. Kasi kahit saang school kami pumunta, eh nandoon ka, tapos di pa tayo SCHOOLMATES, CLASSMATES talaga. O diba ang laki ng ebidensya ko no.” Hoy! Kapal mo ha! Ikaw siguro ang sumusunod sa akin Jake.

“Hoy! Para malaman mo, wala akong amor sayo, kahit magpacute ka man diyan sa tabi, sigurado akong maraming babae ang lalapit sa ‘yo pero wala ako doon. Tsaka excuse me mister, hindi ako sumusunod sa’yo, co-incident lang siguro na magkaklase talaga tayo. Tsaka bakit mo alam ang middle name ko? Stalker ka ba? Ha?”

“A-anong stalker? Alam ko ang middle name mo kasi natatandaan ko pa yung nagpakilala ka sa class natin noong kinder tayo.”

“Wow! Natatandaan mo pa yun? Huwwaaaww! Congrats men, ang taas ng memory mo! Ay teka, bakit ba ako nakikipag usap sa’yo? Mag dissappear ka na nga. Nakakaabala ka eh!” at binalik ko uli ang mata ko sa cellphone ko, tapos pag-harap ko, wala na si Jake, nasa likod na ulit siya nakikipag-usap sa M4 tsaka sa mga malalanding babae.

The Fraud Girlfriend of the SatyrTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon