[Chapter 15] Music Fest (2nd Day)

45 2 0
                                    

[Chapter 15] Music Fest (2nd Day)

[Sabrina’s P.O.V.]

Mi-----ya-ha-ha-ha-ha.

Brrrr~ Eto na talaga. Eto na. Haaay.

Nag-ayos na ako ng sarili ko at kinuha ko na sa closet ang damit na susuotin ko mamaya.

Kinakabahan na talaga ako!

Nung nakarating na ako ng school, dumiretso ako sa quarters naming mga 3rd Mass Communication.

Pagdating ko, medyo may mga kasama na ako doon, pero as usual, maaga na namang nakarating si Jake.

“Jaaaake!” masigla kong bungad sa kanya.

“Hyper ka talaga no?” tanong niya sa’kin.

“Ehh, nate-tense na ako.”

“Tch. We can do this. Okay?” tumingin siya sa mga mata ko, “We just need to wait for Monica and Niccolo.”

Tapos yun, umupo ako sa kabilang kanto ng room a nagdasal ng rosaryo. Joke!

Umupo ako dun para magsoundtrip.

Habang nagso-soundtrip ako, napag-isipan kong mag GM. Kaso, nakakapagod, pero nga dahil sa bored ako, nag GM na lang ako.

To: Groups: Friends, Groups: Schoolmates, Groups: Classmates

 

The less you open your heart to others, the more your heart suffers.

===

Goodmorning!

Take care always.

Godbless :*

 

#tense<////3

 

And then send.

Habang may tumutug-tog sa tenga ko, bigla na lang akong napikit at nakatulog. Nakaka-antok eh.

- - - - - - -

“Sabrina, wake up. We need to practice.” Rinig kong bulong sa’kin ng isang babae.

Oh! It’s Monica.

“Saan ka ba kagabi?”

“Hindi kasi ako nakatulog ng maayos eh.”

“Hala! Bakit? Sino na naman yang iniisip mo?” singit naman ni Alex.

“Nakoo~ Wala no. Ano ba kayo? Tara na nga sa Music Room.” Tumayo na ako dun at lumakad na kami papunta ng Music Room.

Nung nasa Music Room na kami, nagpractice talaga kami ng maigi para may maibuga naman kami mamaya.

And also, natuloy din ang plano namin na ako ang tutugtog.

Nung natapos na kaming magpractice –kasi, binigyan lang kami ng 1 hour sa loob ng Music Room dahil marami pa ang gagamit—dumiretso na kami sa quarters.

The Fraud Girlfriend of the SatyrTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon