[Chapter 5] Week One: His (RIGHT?) Side

157 15 2
                                    

[Chapter 5] Week One: His (RIGHT?) Side

[Jake’s P.O.V.]

Whooo! September na! Malapit na ang Music Fest Day. Pero malapit na rin ang taning nang buhay ko! Haayy! Huy! Hindi pa ako madededo ha. What I just mean is, malapit na ang deadline ng usapan namin ni Lolo Antoine. Ganito kasi yun ehh...

[Flashback]

“...Nathaniel! Kapag ikaw hindi nagtino, haah! You’ll gonna regret. Hinding-hindi mo makukuha ang mana mo. Isipin mo ito, tatlo lang kayong mga apo ko, ikaw, si Mary at si Kristoff, never metion Delancy, she’s too young pa, but I’ll decide. Kapag ikaw hindi tumino, paghahatian ng ate mo at ng pinsan mo ang mga bilyones ko, mga lupa, at mga kung anu-ano. At ikaw, tatanda na mahirap, kawawa at walang ari-arian. Gusto mo ba iyon?”

“Lolo, ang bait ko naman ah, tsaka matino ako ahh. Dapat kong makuha ang mana ko.”

“Tumahimik ka! Anong matino? Eh hamak na papalit-palit ka ng mga babae kada segundo ah. Ano? Sasabihin mo ako na mali ako? Diba totoo naman? Tsaka Nathaniel, hindi ka ba nahihiya, na ang apo ng isang sikat na may-ari ng kumpanya at ang may-ari ng LVVU ay nakikipag-halikan sa napakaraming babae? Jusko Nathaniel! Magbago ka na apo. Nakakahiya ka, alam mo ba iyon?” Ouch! Teka, pa’no ba nalaman ni Lolo ang lahat ng iyon? Letse! Ang ibig sabihin ba nito ay titigil na ako sa pambababae? Di pwede yan.

“Lo! Ano ba ang dapat kong gawin?”

“Isa lang! Maging matino ka at dapat ipakilala mo sa akin ang magiging kaisa-isa mong girlfriend. But, a good GIRLFRIEND. Yun bang babaeng, kilala ka ng maigi at maipagmamalaki namin.”

“Lo! Akala ko ba isa lang? Bakit dalawa yun? Yung magkaroon ng babae, madali lang yun, marami ako nun. Pero yung pagiging matino, mahirap yun lolo ha.”

“Sumasagot ka pa? Basta, dapat pag-dumating ang OCTOBER 16, ipapakilala mo na sa akin ang babaeng iyan.”

 “Lo! Ang aga naman niyan. Wala kaya akong sapat na oras. Pwede bang tumawad ng kahit 3 buwan pa lolo? Tsaka di na rin ba ako makakapambababae?”

“October 16 is the date! At inamin mo na rin, from now hindi ka na makakagawa ng mga kaharutan mo. Kasi, I WATCH OVER YOU. Anytime, anywhere. Marami pa ang oras mo, kung magsisimula ka ng maghanap bukas.”

“Si lolo, nagagawa pang magbiro, eh binigyan mo na ako ng problema eh.”

“Ano? Gagawin mo ba o hindi? Madali lang gumawa ng last will testament, na hindi ka na isasama sa tatlong makakakuha ng mana. Nathaniel, TAKE IT or LEAVE IT.” 

“Sige na, sige na, I’ll just TAKE IT Lolo, sayang naman eh.”

“Okay, then it’s DONE.”

[End of Flashback]

Haay! Lord! Wala na talaga akong choice. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Lolo, lumabas na siya ng office, pero may huli siyang salita na ibinilin.

“Maghihintay ako Nathaniel, tandaan mo, OCTOBER 16.”

“Maghihintay ako Nathaniel, tandaan mo, OCTOBER 16.”

“Maghihintay ako Nathaniel, tandaan mo, OCTOBER 16.”

Nyemaaas! Ang hirap naman nito! Babaeng matino? Saan ba ako makakahanap ng ganyan? Kung sa totoo lang, gwapo naman ako, mayaman at higit sa lahat, maraming babae ang nagkakandarapa sa akin no.

The Fraud Girlfriend of the SatyrTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon